Cebu landslide victims get emergency employment

Date Posted: October 24th, 2018 04:26 AM

News Release

Department of Labor and Employment

Regional Office No. 7

24 October 2018

 

Cebu landslide victims get emergency employment

 

CEBU CITY-- Over 300 landslide victims in the City of Naga, Cebu have started working at the designated evacuation centers as the labor department in region 7 rolled out its Emergency Employment Program (EEP) in the area.

 

Regional Director Johnson Cañete said DOLE, together with the City’s Public Employment Service Office (PESO), has profiled 357 workers among the many affected individuals and families who are housed at evacuation centers.

 

The profiling, Cañete said, took place at the nine evacuation centers in Naga Central Elementary School; Enan Chiong Activity Center; Naalad Elementary School; APO Cemex Covered Court; Naga National High School; Colon Elementary School; Cepoc Elementary School; San Fernando Covered Court; and Langtad Elementary School.

 

The workers profiled, he added, came mostly from Barangays Tinaan and Naalad.

 

“Beneficiaries started working on October 8 and it’s the General Services Office of the City of Naga that primarily directs their day-to-day tasks and activities,” said the DOLE-7 chief.

 

Cañete said each beneficiary would be paid P386 per day for one month, which is the duration of their emergency employment. Workers, he said, would be given one rest day, which falls every Sunday of the week.

 

As part of DOLE’s support and sympathy to the victims, the employees gathered their personal resources and donated to the local government unit of Naga boxes of relief goods, bottles of mineral water, including an amount of financial assistance for the victims.

 

The DOLE’s Emergency Employment Program or Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) is only one of the two components of the DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Programs (DILEEP).

 

END/LSenarlo-Taniza

==============================================================================

 

Biktima ng pagguho ng lupa sa Cebu nakatanggap ng emergency employment

 

CEBU CITY – Mahigit 300 biktima ng pagguho ng lupa sa Naga City, Cebu ang nag-umpisa nang magtrabaho sa itinalagang evacuation center, kasabay ng pagsisimula ng Emergency Employment Program (EEP) ng labor department sa region 7.

 

Sinabi ni Regional Director Johnson Cañete, kasama ang Public Employment Service Office (PESO) ng siyudad, na nagsagawa ng profile sa 357 manggagawa na kabilang sa mga apektadong indibidwal at pamilya na pansamantalang naninirahan sa evacuation center.

 

Ayon kay Cañete, ginanap ang profiling sa siyam na evacuation center sa Naga Central Elementary School; Enan Chiong Activity Center; Naalad Elementary School; APO Cemex Covered Court; Naga National High School; Colon Elementary School; Cepoc Elementary School; San Fernando Covered Court; at Langtad Elementary School.

 

Karamihan sa mga manggagawang binigyan ng profile ay mula sa Barangay Tinaan at Naalad, dagdag niya.

 

“Nagsimulang magtrabaho ang mga benepisaryo noong Oktubre 8 at ang General Service Office ng Naga City ang pangunahing nangangasiwa ng kanilang araw-araw gawain,” ani DOLE-7 chief.

 

Sinabi ni Cañete na ang bawat benepisaryo ay babayaran ng P386 kada araw sa loob ng isang buwan, na siyang panahon na itatagal ng emergency employment. Sinabi niya na bibigyan ang mga manggagawa ng isang araw na pahinga kada Linggo.

 

Bilang bahagi ng suporta at pakikiramay ng DOLE sa mga biktima, personal na nag-ambag ang mga empleyado para makapag-bigay ng relief goods, mineral water sa lokal na pamahalaan ng Naga, pati na rin tulong-pinansiyal sa mga biktima.

 

Ang Emergency Employment Program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) ng DOLE ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood at Emergency Employment Programs (DILEEP).

 

END/LSenarlo-Taniza/gmea
    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo