POEA warns of ‘marriage-for-job’ racket in China

Date Posted: July 12th, 2018 10:28 AM

News Release

Department of Labor and Employment

8 July 2018

 

POEA warns of ‘marriage-for-job’ racket in China

 

Filipinas are cautioned from unscrupulous individuals who entice their victims into marrying Chinese nationals supposedly in exchange for possible employment in China and other financial benefits.

 

This warning was issued by the Philippine Overseas Employment Administration after the Department of Foreign Affairs has reported that five Filipino women were recently stranded in Tongxu, Henan province and have requested repatriation assistance from the government.

 

The distressed Filipinas were allegedly recruited by two Chinese nationals namely Song Gang and Li Chunrong a.k.a. Steven Lee with a promise of possible employment in China. Steven Lee is reportedly married to Violeta Aquino, a Filipino national from Urbiztondo, Pangasinan.

 

One of the female recruits said Steven Lee and his wife arranged her marriage to a Chinese national named Wei Qi Lai who was then staying in Pangasinan as a tourist. She alleged that Steven Lee promised to give her family a dowry of Php140,000.00 after their marriage and when she gets her Chinese visa. However, her family only received Php100,000.00 after deducting expenses for the wedding reception and processing of her travel documents.

 

They were married in Pangasinan on September 11, 2017, and she left for China on a tourist visa with her husband on November 13, 2017. The couple then stayed with Wei Qi Lai’s family in Zhangzhou.

 

The DFA’s Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) said that although the five women are legally married to their Chinese spouses and are in possession of valid residence permits, the spouses did not allow them to find work in China.

 

In addition, the Filipinos found out that their spouses do not have the financial capability to support their respective family in the Philippines contrary to what was promised by their recruiters.

 

The victim said she was doing fine during her first month in China but she started to worry after her husband confiscated her passport.

 

On December 25, 2018, her husband threw her out of their house after an argument but her mother-in-law managed to pull her back in. She complained of physical and sexual abuse. She escaped from her husband’s home on April 23, 2018.

 

The DFA reported that they have recorded 23 Filipino women who married Chinese nationals for the opportunity to get employment in China.

 

END/POEA/IPS

 

=====================================================

 

POEA nagbabala sa ‘marriage-for-job’ na raket sa China

 

Binalaan ang mga Pilipino na mag-ingat sa mga tao na umano’y naghahanap ng mabibiktima at ipapakasal sa mga Chinese national kapalit ng trabaho sa bansang China at iba pang pinansiyal na benepisyo.

 

Inilabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang babala kasunod ng ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong limang Pilipinong babae ang hindi makaalis sa Tongxu, Henan province at humihingi ng tulong sa gobyerno upang sila ay mapauwi.

 

Ang mga Pilipina ay na-recruit umano ng dalawang Chinese national na sina Song Gang at Li Chunrong a.k.a. Steven Lee at pinangakuan sila ng trabaho sa Tsina. Si Steven Lee ay kasal umano kay Violeta Aquino, isang Pilipina mula sa Urbiztondo, Pangasinan.

 

Ang isa naman sa mga babaeng narecruit ay sinabing si Steven Lee at ang asawa nito ang siyang nagpakasal sa kanya sa isang Chinese national na si Wei Qi Lai na noon ay nanirahan sa Pangasinan bilang turista.

 

Pinangakuan umano siya ni Steven Lee na bibigyan ang kanyang pamilya ng Php140,000.00 matapos ang kasal at kapag nakakuha na siya ng Chinese visa, subalit nakatanggap lamang ang kanyang pamilya ng Php100,000.00 matapos ibawas ang mga gastusin sa wedding reception at sa pagpoproseso ng kanyang mga travel document.

 

Ikinasal sila sa Pangasinan noong Setyembre 11, 2017, at nagtungo siya sa Tsina sa pamamagitan ng tourist visa kasama ang asawa noong Nobyembre 13, 2017. Nanatili sila sa Zhangzhou sa pamilya ni Wei Qi Lai.

 

Ayon sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng DFA, sa kabila ng pagiging kasal ng limang babae sa kanilang mga Chinese na asawa, at kahit na mayroon silang legal na residence permit ay hindi umano sila pinahintulutan ng mga kabiyak na maghanap ng trabaho sa Tsina.

 

Dagdag pa rito, nabatid rin ng mga Pilipino na walang kakayahan ang kanilang mga napangasawa na bigyan ng pinansyal na suporta ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas taliwas sa unang ipinangako sa kanila ng mga recruiter.

 

Sinabi ng biktima na maayos naman ang kanilang kalagayan noong unang buwan nila sa Tsina, subalit nangamba na siya sa mga sumunod na araw nang kumpiskahin ng kanyang asawa ang pasaporte niya.

 

Noong Disyembre 25, 2017, pinalayas umano siya ng kanyang asawa sa bahay nila nang magkaroon sila ng pagtatalo subalit pinabalik siya ng kanyang biyenan. Dito na siya nagreklamo ng physical at sexual abuse at tumakas sa bahay ng kanyang asawa noong Abril 23, 2018.

 

Samantala, nakapagtala ang DFA ng 23 Pilipina na ipinakasal sa mga Chinese national sa pag-asang magkakaroon ng magandang trabaho sa bansang Tsina.

 

END/POEA/IPS/Paul Ang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo