DOLE goes to gold mines to stop child labor

Date Posted: July 12th, 2018 09:57 AM

News Release

Department of Labor and Employment

5 June 2018

 

DOLE goes to gold mines to stop child labor

 

DAET, Camarines Norte - To reduce the incidence of child labor and improve working conditions in mine sites, the office of the labor department in Bicol has provided livelihood assistance to workers in identified mining areas in the region.

 

Under its CARING Gold Project, the regional office has so far extended PhP21.77M in assistance to at least 1,245 miner-beneficiaries in the mining towns of Labo, Jose Panganiban and Paracale in Camarines Norte.

 

“We unite in the common vision to transform the lives of these young workers by bravely attempting to address the issues we face on child labour, such as improving the working conditions of small-scale miners, particularly in Camarines Norte, where a number of families and their young children dive for gold and risk their lives in order to meet their needs,” DOLE Bicol Regional Director Exequiel R. Sarcauga said.

 

Aside from Project CARING, other initiatives to address child labor include Project Angel Tree, KaSaMa Project, and Skills Training for the Employment of Children.

 

To support advocacies on safety and health of young workers, and ultimately eliminate child labor in the region, DOLE is also all-out to the World Day Against Child Labor (WDACL) in Daet, Camarines Norte this week.

 

With the theme, “Ligtas sa Paggawa, Malusog na Batang Malaya (Generation Safe and Healthy)” the event is spearheaded by ILO Country Dir. Khalid Hassan, BAN Toxics Program Manager Sarah Marie Aviado, DSWD Social Technology Bureau Chief Marilyn Moral, DOLE Assistant Regional Director Rovelinda Dela Rosa, Jose Panganiban Mayor Ricarte Padilla, Labo Mayor Joseph Ascutia, Paracale Mayor Lourdes Briguerra and Gov. Jonah Pimentel.

 

It focuses on the need to end child labor and to improve the safety and health of young workers as part of the Sustainable Development Goals (SDGs). This is an annual event to spread awareness about the negative impacts of child labor and how to stop its practice.

 

As part of DOLE Bicol interventions, a skills training for the employment of children were also provided. At least seven children beneficiaries underwent training on housekeeping for the period of October 2016 – January 2017 under the scholarship program by TESDA. They are currently working as housekeeping attendants in hotel establishments located in the Municipalities of Daet and Basud.

 

This year, for the 2nd implementation of this project, 10 beneficiaries underwent skills training on housekeeping provided by TESDA.

 

Further, DOLE Bicol provided school supplies and hygienic kits to 140 children in Jose Panganiban and 200 kid-beneficiaries in Labo in 2017 under Project Angel Tree.

 

This project is a component of the DOLE Child Labor Prevention and Elimination Program that provides an array of social services that range from food, clothing, educational assistance or school supplies, and even work and training opportunities made available by sponsors or benefactors (‘angels’) to child laborers and their families.

 

Moreover, DOLE Bicol awarded a total of PhP2.1M worth of livelihood projects to identified parents of child laborers in 2017 in Jose Panganiban under the KaSaMa Project. It aims to contribute to the prevention and elimination of child labor by providing families of child laborers access to decent livelihood opportunities for enhanced income.

 

“At the end of the day, our campaigns will not matter if it will not bring forth concrete interventions that will directly benefit our community-based small-scale miners. I hope that we will not waver in our commitment to advocate against child labor, said Assistant Regional Director Rovelinda dela Rosa during her concluding message in the second day of the WDACL.

 

WDACL activities include Literary and Arts workshops, Family Development Session (FDS) and forum on the following topics: Occupational Safety and Health in Small Scale Mining, Child Labor Situationer, Formulation of Commitment.

 

A storybook will be produced from the literary and art workshops and will be distributed to the mining areas as part of the project’s advocacy materials.

 

END/JV Gasga

 

====================================================

 

Upang wakasan ang pagtatrabaho ng batang-manggagawa: Minahan ng ginto pinuntahan ng DOLE

 

DAET, Camarines Norte – Para mabawasan ang insidente ng pagtatrabaho ng mga bata at maiangat ang kondisyon sa paggawa sa mga minahan, nagbigay ang tanggapan ng labor department sa Bicol ng tulong-pangkabuhayan sa mga manggagawa sa mga kinilalang lugar ng minahan sa rehiyon.

 

Sa ilalim ng kanilang CARING Gold Project, nakapagbigay ang regional office ng P21.77M tulong sa may 1,245 minerong-benepisaryo sa mga bayan ng minahan sa Labo, Jose Panganiban at Paracale sa Camarines Norte.

 

“Nagkakaisa kami sa aming pananaw na para mabago ang buhay ng mga batang-manggagawa kailangan naming tugunan ang mga isyu na kinakaharap ng mga batang-manggagawa, katulad ng pagsasaayos ng kondisyon sa paggawa ng mga small-scale miner, partikular sa Camarines Norte, kung saan ang ilang pamilya at ang kanilang mga batang anak ay sumisisid ng ginto at inilalagay sa panganib ang kanilang buhay upang tugunan ang kanilang pangangailangan”, ani DOLE Bicol Regional Director Exequiel R. Sarcauga.

 

Maliban sa Project CARING, ang iba pang inisyatibo upang wakasan ang pagtatrabaho ng bata ay ang Project Angel Tree, KaSaMa Project, at Skills Training for the Employment of Children.

 

Buong suporta din ang ibinibigay ng DOLE sa World Day Against Child Labor sa Daet, Camarines Norte sa mga kampanya nito para sa kaligtasan at kalusugan ng mga batang manggagawa, at ang tuluyang mawakasan ang pagtatrabaho ng mga kabataan sa nasabing rehiyon.

 

Sa temang, “Ligtas sa Paggawa, Malusog na Batang Malaya (Generation Safe and Healthy)” ang okasyon ay pamumunuan nina ILO Country Dir. Khalid Hassan, BAN Toxics Program Manager Sarah Marie Aviado, DSWD Social Technology Bureau Chief Marilyn Moral, DOLE Assistant Regional Director Rovelinda Dela Rosa, Jose Panganiban Mayor Ricarte Padilla, Labo Mayor Joseph Ascutia, Paracale Mayor Lourdes Briguerra at Gov. Jonah Pimentel.

 

Nakatuon ito sa pangangailangan na wakasan ang pagtatrabaho ng mga batang-manggagawa, maisaayos ang kaligtasan at kalusugan ng batang-manggawa bilang bahagi ng Sustainable Development Goals (SDGs). Ito ay taunang pangyayari upang itaas ang kaalaman sa negatibong epekto ng batang-manggagawa at paano ihihinto ang ganitong gawain.

 

Bilang bahagi ng tulong ng DOLE Bicol, nagbibigay sila ng pagsasanay para sa empleo ng mga kabataan. May pitong batang-benepisaryo ang sumailalim ng pagsasanay sa housekeeping mula Oktubre 2016 – Enero 2017 sa ilalim ng scholarship program ng TESDA. Kasalukuyan silang nagtatrabaho bilang housekeeping attendants sa mga hotel establishments na matatagpuan sa Munisipalidad ng Daet at Basud.

 

Ngayong taon, para sa pangalawang implementasyon ng proyekto, 10 benepisaryo ang sumailalim sa pagsasanay sa housekeeping mula sa TESDA.

 

Dagdag dito, nagbigay din ang DOLE Bicol ng gamit sa pag-aaral at hygienic kits sa 140 batang-benepisaryo ng Jose Panganiban at 200 batang-benepisaryo ng Labo ng taong 2017 sa ilalim ng Project Angel Tree.

 

Ang proyektong ito ay bahagi ng DOLE Child Labor Prevention and Elimination Program na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo mula sa pagkain, pananamit, tulong pang-edukasyon, o gamit sa pag-aaral, gayundin ang oportunidad sa trabaho o pagsasanay mula sa mga sponsor o benefactor (‘angels’) sa mga batang-manggagawa at sa kanilang pamilya.

 

Bukod pa rito, nagbigay din ang DOLE Bicol ng kabuuang P2.1M halaga ng proyektong pangkabuhayan sa mga kinilalang magulang ng batang manggagawa noong 2017 sa Jose Panganiban sa ilalim ng KaSaMa Project. Nilalayon nitong makatulong para mapigilan at mawakasan ang pagtatrabaho ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad pangkabuhayan para sa karagdagang kita.

 

“Sa pagtatapos ng araw, ang ating kampanya ay walang saysay kung hindi ito makapagbibigay ng konkretong tulong at direktang pakikinabang ng ating community-based small-scale miners. Umaasa ako na hindi tayo bibitaw sa ating pangako na patuloy nating ikakampanya na wakasan ang pagtatrabaho ng mga bata,” ani Assistant Regional Director Rovelinda dela Rosa sa pagtatapos ng kanyang mensahe sa ikalawang araw ng WDACL.

 

Kabilang sa mga gawain ng WDACL ang pagbibigay ng Literary and Arts workshops, Family Development Session (FDS) at forum sa Occupational Safety and Health in Small Scale Mining, Child Labor Situationer, at Formulation of Commitment.

 

Gagawa din ng storybook mula sa mga literary and art workshops at ito ay ipamamahagi sa mga minahan bilang materyales para sa kampanya ng proyekto.

 

END/JV Gasga/gmea

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo