DOLE orders work stoppage at Hanjin shipyard

Date Posted: July 12th, 2018 07:07 AM

News Release

Department of Labor and Employment

17 May 2018

 

DOLE orders work stoppage at Hanjin shipyard

 

SUBIC, ZAMBALES – An accident at a shipyard site which injured three workers and killed one prompted the Department of Labor and Employment (DOLE) to issue a Work Stoppage Order (WSO) to Binictican I-Tech Corporation, a subcontractor of Hanjin Heavy Industries Corporation Philippines (HHIC Phils).

 

The WSO was issued to the company based on results of an Accident Investigation on a mishap that occurred at their worksite at the Hanjin shipyard premises over the weekend.

 

DOLE-3 Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita reported to Labor Secretary Silvestre Bello III that the accident resulted in the fatality of one worker while injuring three others.

 

“On May 12, around 3:30 in the afternoon, four workers fell from a scaffolding after suddenly tipping down. Prior to the incident, at least 9 workers were on the said scaffolding shaded by a blue canvass for their protection from the heat of the sun while taking their break,” RD Campita said.

 

The injured workers who reside in various towns in Zambales were Gerry Bayuta, Johnny Alegre, and Vailian Dela Cruz. They were immediately brought and treated at the nearest town hospital.

 

The lone fatality, who passed away in the hospital two days later due to internal organ injury, was identified as Ferdinand Leuterio.

 

Technical Safety Inspectors (TSIs) Angelito Longos, James Ramos, and Arvin Fabian conducted the investigation at the accident site located at the Dockhead 6 P166-A02C within the Hanjin shipyard.

 

The TSIs reported to RD Campita that the concentrated weight of the workers and raw materials and equipment might have caused the tilting of the scaffolding.

 

During the investigation, the TSIs were informed by the workers’ supervisor that only two workers were authorized to work in the said area.

 

The investigating team also observed that the bolt of the scaffolding’s bracket was sheared.

 

RD Campita said that the overall findings of the investigation revealed that the subcontractor failed to strictly implement and monitor safety procedures.

 

“Clearly, there was an unsafe working condition because of an overload of workers and their equipment on the scaffolding, causing its sudden collapse. Aside from this, unsafe acts were also observed because of workers’ failure to use safety harnesses, as well as their supervisor’s failure to control them on the adherence to safety practices,” RD Campita said.

 

The WSO will remain in effect until Binictican I-Tech fully comply with occupational safety and health standards by submitting the required employer’s accident-illness report, accident illness report with attached photos of the incident, medical report/abstract/certificate of victim, duly acknowledged proof of financial assistance given to victim’s family and the other injured victims.

 

They must also submit their proof of remittance of SSS, PhilHealth, and PagIBIG coverage, proof of payment of victims’ salary while recovering, Employees’ Safety Orientations (HSE Education Report), revised work procedures in different areas of operations, and employment records for ECC claims/SSS Death claim of Ferdinand Leuterio’s family.

 

The subcontractor, who is scheduled for a conference with the DOLE, has already extended initial financial assistance to the victims and assured their full cooperation.

 

END/Jerry Borja

 

==================================================================

 

Work stoppage, atas ng DOLE sa Hanjin shipyard

 

SUBIC, ZAMBALES – Isang insidente sa shipyard site na nagresulta sa pagkasugat ng tatlong manggagawa at pagkamatay ng isa ang nagtulak sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kautusang Work Stoppage Order (WSO) sa Binictican I-Tech Corporation, isang subcontractor ng Hanjin Heavy Industries Corporation Philippines (HHIC Phils).

 

Ang WSO ay inisyu batay sa resulta ng Accident Investigation sa naganap na pangyayari sa worksite ng Hanjin shipyard nito lamang nakaraang linggo.

 

Agad na iniulat ni DOLE-3 Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang nangyaring insidente na nagresulta sa pagkamatay ng isang manggagawa habang sugatan naman ang tatlong iba pa.

 

“Noong Mayo 12, bandang alas 3:30 ng hapon, apat na manggagawa ang nahulog sa scaffolding. Bago ang insidente, mayroong siyam na manggagawa ang nasa scaffolding at nakalilim sa isang blue canvass upang hindi sila masyadong mainitan sa sikat ng araw habang nagpapahinga,” ayon kay RD Campita.

 

Pawang mga residente ng mga bayan sa Zambales ang mga nasugatang manggagawa na sina Gerry Bayuta, Johnny Alegre, at Vailian Dela Cruz. Agad silang dinala sa pinakamalapit na ospital upang bigyan ng lunas.

 

Matapos ang dalawang araw na pamamalagi sa ospital ay binawian rin ng buhay ang biktima na kinilalang si Ferdinand Leuterio bunsod ng internal injury.

 

Ang mga Technical Safety Inspectors (TSIs) na sina Angelito Longos, James Ramos, at Arvin Fabian ang nagsagawa ng imbestigasyon sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa Dockhead 6 P166-A02C sa loob ng Hanjin shipyard.

 

Iniulat ng mga TSI kay RD Campita na ang pinagsamang bigat ng mga manggagawa, raw materials at iba pang kagamitan ang hinihinalang pinag-ugatan ng pagtagilid at pagbagsak ng scaffolding.

 

Kasabay ng nasabing imbestigasyon, inabisuhan rin ng mga supervisor ang TSI na dalawang manggagawa na lamang ang pinahihintulutang magtrabaho sa naturang lugar.

 

Napansin rin ng investigating team na ang mga turnilyo para sa bracket ng scaffolding ay sira o hindi maayos ang pagkakakabit.

 

Sinabi ni RD Campita na ang overall finding ng imbestigasyon ay nagpapatunay na ang subcontractor ay nabigong magpatupad ng at mag-monitor ng safety procedures.

 

“Maliwanag na hindi ligtas ang lugar na pinagtatrabahuhan nila dahil sobrang dami rin ng mga manggagawa, maging ang kanilang mga kagamitan sa scaffolding na nagresulta sa pagbagsak nito. Liban pa rito, may mga kakulangan rin sa kaligtasan ang napag-alaman dahil hindi gumagamit ng mga safety harness ang mga manggagawa, maging ang mga supervisor ay bigo ring magpatupad sa kanila ng mga panuntunan para sa kaligtasan,” wika ni RD Campita.

 

Ang WSO ay patuloy na ipatutupad hangga’t hindi nakakasunod ang Binictican I-Tech sa occupational safety and health standards at magsumite ng mga kinakailangang employer accident-illness report, accident illness report na mayroong litrato ng insidente, medical report/abstract/certificate ng mga biktima, at patunay na nagbigay ang kumpanya ng tulong pinansiyal sa mga pamilya ng biktima at sa iba pang sugatang manggagawa.

 

Kinakailangan rin nilang magsumite ng patunay ng remittance sa SSS, PhilHealth, at PagIBIG coverage, patunay ng pagbabayad ng suweldo sa mga biktima habang sila ay nagpapagaling, Employees’ Safety Orientations (HSE Education Report), revised work procedure para sa ibang lugar ng operasyon, at employment record para sa ECC claims/SSS Death claim ng pamilya ni Ferdinand Leuterio.

 

Nakatakdang sumailalim sa conference sa DOLE ang subcontractor habang una na rin silang nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga biktima at tiniyak ang kanilang buong pakikipagtulungan sa mga ito.

 

END/Jerry Borja/ Paul Ang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo