Karagdagang P25 para sa mga manggagawa sa Western Visayas

Date Posted: March 3rd, 2017 05:09 PM

Nagpalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng wage order na nag-aatas ng karagdagang P25 sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Western Visayas, kasama ang Negros Occidental.

 

Nagsagawa ang RTWPB ng public consultation at hearings matapos magsumite ng petisyon ang Philippine Agricultural, Commercial and Industrial Workers’ Union (PACIWU)-TUCP sa DOLE Region VI noong Agosto ng nakaraang taon na naging dahilan upang magbigay ng karagdagang sahod.

 

Ang pagtaas ng sahod ay inapirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Pebrero 17 at magkakaroon ng bisa 15 araw matapos itong maipalathala sa lokal na pahayagan.

 

Ayon kay DOLE VI OIC-Regional Director Salome O. Siaton, sakop ng bagong Wage Order No. 23 ang mga manggagawa sa pribadong sektor na tumatanggap ng minimum na sahod sa anim na probinsiya ng rehiyon na binubuo ng Iloilo, Antique, Aklan, Capiz, Guimaras at Negros Occidental.

 

Sa commercial at industrial sector, ang mga establisyamentong may mahigit sampung manggagawa ay makakatanggap ng karagdang P25 samantalang ang mga kompanyang hindi lalampas sa sampung manggagawa ay makakatanggap ng karagdagang P15.

 

Sa agrikultura, parehong tatanggap ng karagdagang P15 ang mga manggaggawa sa plantation at non-plantation.

 

Hindi rin sakop ng bagong wage order ang mga kasambahay at ang mga nagbibigay ng personal na serbisyo, dahil sila ay sakop ng Wage Order No. RBVI-D.W. 1 na inisyu ng RTWPB noong Disyembre 2015. Hindi rin sakop ng bagong wage order ang mga manggagawa sa mga rehistradong Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs).

 

Hindi rin kailangan ipatupad ng mga bagong establisyamento, pati na iyong naapektuhan ng kalamidad, ang bagong wage order bilang konsiderasyon sa problemang pinansiyal na kanilang kinakaharap.

 

END/ADV/GMEArce
    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo