P.8-M ibinigay ng DOLE para sa benepisaryo ng TUPAD sa Misamis Occidental

Date Posted: March 3rd, 2017 10:55 AM

Ibinigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kabuuang P877,000.00 bilang sahod sa 276 manggagawang-benepisaryo sa ilalim ng Tulong Alalay sa Ating Displaced/ Disadvantaged workers (TUPAD) Program.

 

Sinabi ni DOLE Regional Office No. 10-Eastern Misamis Oriental Provincial Field Office (EMO PFO) Head Jose Errol A. Natividad, na ibinigay ang pondo sa mga manggagawang-benepisarsyo matapos nilang gampanan ang community work sa mga lugar sa Barangay Poblacion.

 

“Ang mga manggagawang-benepisarsyo ay naatasan na mag-aalis ng bara sa kanal, magwalis ng kalsada, at magtanim ng mga puno,” ani Natividad.

 

Ang TUPAD ay bahagi ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP) ng DOLE na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa loob ng 10 araw hanggang 30 araw, depende sa klase ng trabahong kanilang gagawin.

 

“Nilalayon ng aming Department na itaas ang kondisyon ng pamuhuhay ng ating benepisaryo, kaya’t ang programa ay isang panawagan ng DOLE upang ipaalam sa ating mga benepisaryo na gamitin ng tama ang kanilang pondo,” paliwanag ni Natividad.

 

Ipinahiwating ni Looc Barangay Captain Consorcia Eduave, isa sa mga sumaksi sa pagbibigay ng pondo, ang kanyang pasasalamat sa DOLE para sa serbisyong ibinibigay nito sa kanyang kababayan.

 

“Napapanahon ang TUPAD Program para sa ating kababayang nangangailangan dahil ang karamihan sa kanila ay mga walang trabaho. Sa pamamagitan ng programa, nabigyan natin sila ng pag-asa at oportunidad na magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho,” ani Eduave.

 

END/TDL/GMEArce
    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo