News Release
Department of Labor and Employment
September 25, 2021

Women’s group, PWDs in Davao receive DOLE aid

Over a hundred women workers and Persons with Disabilities (PWDs) received livelihood aid and temporary employment, respectively from the labor department.

In a report to Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III, the Department of Labor and Employment XI provided livelihood assistance to 30 members of Barangay DEL Women’s Association and cash-for-work to close to 80 members of United Blind Masseurs Association, Rejuvenating Blind Masseurs Association, and Association of Differently-Abled Persons.

The Davao Oriental Field Office (DOFO) spearheaded the turnover of Buko Pie Making Start-Up Kits to Barangay DEL Women’s Association located in Brgy. Don Enrique Lopez in Mati City on September 23.

In coordination with the City Government of Mati, the members will undergo a two-day training program in buko pie-making and coaching on basic inventory, budgeting, accounting, and other entrepreneurial skills.

DOLE XI OIC-Regional Director Randolf C. Pensoy said the program is part of their efforts in providing livelihood assistance to the informal sector workers of Davao Oriental.

We aim to transform their livelihood into competitive, resilient, and sustainable enterprises, added Pensoy.

Federated Women President Melodina Arceño thanked DOLE XI and the City Government of Mati for the opportunity and support to the needs of the association.

Meanwhile, close to 80 PWDs in Davao City benefitted from the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

The beneficiaries worked on social community projects like cleaning and beautification of their respective barangays for 15 days or from July 21 to August 3.

Their wages, amounting to P396 per day, were coursed through money remittance centers and house-to-house pay-out following the minimum health and safety protocols.

“Panahon nga nag-lockdown tungod sa pandemya, naguol gyud kaayo ko sip usa ka single parent kay unsaon na lang ang panginahanglan sa akong upat kaanak kung wala ko’y trabaho (When the country was placed in lockdown due to the pandemic, I was really worried because as a single parent, how would I provide the basic needs of my children after losing my job),” said TUPAD beneficiary Michael C. Domingo, a visually impaired masseur who lost his job after massage clinics were shut down.

“Daghang salamat sa kay Secretary Bello ug sa DOLE Region XI sa tabang pinaagi sa TUPAD. Wala gyud mi ninyo pasagdahi sa panahon sa kalisod. Apan ang among kondisyon isip PWD, dili kini mahimong babag para kami magpadayon sa kinabuhi. Ang TUPAD usa ka nagpamatuod na bisan aduna’y limitasyon, makaya namong mga PWD mubarog panahon sa krisis (Thank you very much, Secretary Bello and DOLE Region XI, for the assistance through TUPAD. You never left us behind especially during this tough time. Without a doubt, our disability is never a hindrance to carry on with life. TUPAD is just one of the validations that despite these limitations as PWD, we can still overcome a crisis),” Domingo said with optimism.

“This shows DOLE’s dedication to promote equal opportunities and outcomes in employment for PWDs. Through TUPAD, we are not simply assisting our PWD beneficiaries, but we are also empowering them by giving them hope and providing them the encouragement to develop resilience,” said OIC-Regional Director Pensoy.

END/ DOLE Region XI

===============================================

Grupo ng kababaihan, PWD sa Davao tumanggap ng tulong mula sa DOLE

Mahigit isang daang mga manggagawang kababaihan at person with disabilities (PWDs) ang tumanggap ng tulong-pangkabuhayan at pansamantalang trabaho mula sa labor department.

Sa ulat kay Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III, ang Department of Labor and Employment-XI ay nagbigay ng tulong-pangkabuhayan sa 30 miyembro ng Barangay DEL Women Association at cash-for-work para sa may 80 miyembro ng United Blind Masseurs Association, Rejuvenating Blind Masseurs Association, at Association of Differently-Abled Persons.

Pinamunuan ng Davao Oriental Field Office (DOFO) ang pamamahagi ng Buko Pie Making Start-Up Kits sa Barangay DEL Women’s Association na matatagpuan sa Brgy. Don Enrique Lopez sa Mati City noong Setyembre 23.

Sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Mati, ang mga miyembro ay sasailalim sa isang dalawang-araw na pagsasanay sa paggawa ng buko pie at coaching sa basic inventory, budgeting, accounting, at iba pang kasanayang pangnegosyo.

Ayon kay DOLE XI OIC-Regional Director Randolf C. Pensoy, ang programa ay bahagi ng kanilang pagpupunyagi na makapagbigay ng tulong-pangkabuhayan sa mga manggagawa sa impornal na sektor ng Davao Oriental.

“Layunin naming gawing isang matatag at pangmatagalang negosyo ang kanilang kabuhayan,” dagdag ni Pensoy.

Pinasalamatan ni Melodina Arceño, presidente ng Federated Women President, ang DOLE XI at ang Pamahalaang Lungsod ng Mati sa oportunidad at suportang ibinigay sa kanilang asosasyon.

Samantala, may 80 PWDs sa Davao City ang nakinabang mula sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Nagtrabaho ang mga benepisaryo sa proyektong pang-pamayanan tulad ng paglilinis at pagpapaganda ng kani-kanilang barangay sa loob ng 15 araw o mula Hulyo 21 hanggang Agosto 3.

Ang kanilang sahod, na nagkakahalaga ng P396 bawat araw, ay ipinadala sa pamamagitan ng mga remittance center at bahay-bahay na pagbabayad bilang pagsunod sa minimum health and safety protocol.

“Panahon nga nag-lockdown tungod sa pandemya, naguol gyud kaayo ko sip usa ka single parent kay unsaon na lang ang panginahanglan sa akong upat kaanak kung wala ko’y trabaho (Nang ilagay ang ating bansa sa lockdown dahil sa pandemya, nag-alala talaga ako dahil bilang isang solong magulang, paano ko maibibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng aking mga anak matapos mawalan ako ng trabaho),” pahayag ng benepisaryo ng TUPAD na si Michael C. Domingo, isang masahista na may kapansanan sa paningin at nawalan ng trabaho matapos magsara ang mga massage clinic.

“Daghang salamat sa kay Secretary Bello ug sa DOLE Region XI sa tabang pinaagi sa TUPAD. Wala gyud mi ninyo pasagdahi sa panahon sa kalisod. Apan ang among kondisyon isip PWD, dili kini mahimong babag para kami magpadayon sa kinabuhi. Ang TUPAD usa ka nagpamatuod na bisan aduna’y limitasyon, makaya namong mga PWD mubarog panahon sa krisis (Maraming salamat Secretary Bello at DOLE Region XI, para sa tulong mula sa TUPAD. Hindi mo kami pinabayaan lalo na ngayong panahon ng paghihirap. At walang pag-aalinlangan na ang aming kapansanan ay hindi hadlang upang magpatuloy sa buhay. Ang TUPAD ay isa lamang sa mga pagpapatunay na sa kabila ng limitasyon bilang PWD, malalampasan pa rin natin ang krisis),” pahayag ni Domingo nang may buong-tiwala.

“Ipinapakita nito ang determinasyon ng DOLE upang itaguyod ang pantay na mga pagkakataon sa pagtatrabaho para sa mga PWD. Sa pamamagitan ng TUPAD, hindi namin simpleng tinutulungan ang aming mga benepisyaryong PWD. Binibigyan din namin sila ng lakas sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-asa at paghikayat na maging matatag,” wika ni OIC-Regional Director Pensoy.

END/ DOLE Region XI/ gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry