99 Hanjin workers hired at Build Build Build

Date Posted: February 10th, 2019 07:44 AM

 

News Release

Department of Labor and Employment

10 February 2019

 

99 Hanjin workers hired at Build Build Build

 

A total of 186 jobseekers, 99 of them former Hanjin workers, found themselves employed during the Build Build Build Jobs Caravan at the Subic Bay Freeport Zone in Zambales.

 

Most of the hired-on-the-spot jobseekers were for the position of welders, electricians, mason, fitter, engineers, drivers, painters, scaffolders, riggers, administrative assistants/clerks, and sales/marketing staff. 

 

Participated by 103 employers which brought over 25,000 jobs, the caravan was originally meant for workers of Korean shipbuilder Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines who lost their jobs and those about to be laid off.

 

The one-day fair drew a total 4,051 applicants, and 2,464 were Hanjin workers.

 

“This kind of job-matching and placement under the Build Build Build Program of President Rodrigo Roa-Duterte answers the needs of our jobseekers. We prefer that they be employed here because we need their skills in construction, shipbuilding, welding, structural fabrication, plumbing, rigging, carpentry, and plant services,” said Labor Secretary Silvestre Bello III as he emphasized the need to retain the country’s skilled workers. 
 

One former Hanjin employee who was hired-on-the-spot was Marino Alquino, a skilled welder.


He was unemployed for a few months after working for more than four years at Hanjin.


After finding out about the job fair through social media, the 25-year-old, who hails from Castillejos, Zambales, decided to visit the caravan.

 

Considering his skills and work experience as welder, Alquino was immediately hired by New Masinloc Construction and Supply.

Another jobseeker who found employment was Alvin Dumaplin, who was hired as driver by E.R. Dela Cruz Construction and Supply. 

 

The 44-year-old Zambaleño has just returned to his hometown after working as a company driver in Manila.

 

He was elated to be back to work after being hired by the first employer that he visited during the job fair.

 

The event, which was the second Build Build Build Jobs Caravan, was graced by DOLE Secretary Bello, Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Bases Conversion Development Authority President/CEO Vince Dizon, Senator Richard Gordon, Congressman Jeffrey Khonghun, and Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson and Administrator Wilma Eisma.

 

Other DOLE officials who attended the job fair are Undersecretary Renato Ebarle, Undersecretary Ana Dione, Assistant Secretary Mariano Alquiza, and Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac.

 

The first Build Build Build jobs caravan was held in August 2018 at SMX Convention Center in Pasay City.

 

END/aldm

 

=====================================================

 

99 Hanjin workers HOTS sa Build, Build, Build
 

Umaabot sa 99 na dating manggagawa sa Hanjin ang hired-on-the-spot (HOTS) sa ginanap na Build, Build, Build Jobs Caravan sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.


Karamihan sa mga hired-on-the-spot ay magtatrabaho bilang mga welder, electrician, mason, fitter, engineer, driver, painter, scaffolders, riggers, administrative assistants/clerks, at sales/marketing staff.  

 

Umabot sa 186 job applicants ang hired-on-the-spot sa nasabing job fair.
 
Lumahok rin dito ang 103 employer na nakapag-alok ng higit sa 25,000 trabaho. 

 

Ang nasabing caravan ay isinagawa para sa mga manggagawa ng Korean shipbuilder Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines na nawalan ng trabaho at para sa mga mala-lay-off pa lamang sa kompanya.
 
May kabuuang 4,051 na aplikante ang lumahok sa isang araw na job fair, kung saan 2,464 sa kanila ay mga manggagawa ng Hanjin.
 
“Ang ganitong uri ng job-matching at placement sa ilalim ng Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Roa-Duterte ang sagot sa pangangailangan ng ating mga jobseeker. Nais namin silang tanggapin bilang mga manggagawa dahil kailangan natin ang kanilang mga kasanayan sa construction, shipbuilding, welding, structural fabrication, plumbing, rigging, carpentry, at plant services,” wika ni Labor Secretary Silvestre Bello III kung saan binigyang diin niya na manatili sa bansa ang mga skilled workers.
 
Isa sa mga na hired-on-the-spot bilang isang skilled welder si Marino Alquino, dating manggagawa ng Hanjin. Ilang buwan na rin siyang walang trabaho makaraang mamasukan sa Hanjin ng higit sa apat na taon.
 
Makaraang mabatid ang job fair sa pamamagitan ng social media, ang 25-taong gulang na tubong Castillejos, Zambales, ay nagpasyang magbaka-sakali at bumisita sa nasabing caravan.
 
Dahil sa kanyang kasanayan at karanasan sa trabaho bilang welder, agad ring natanggap sa trabaho si Alquino sa New Masinloc Construction and Supply.

 

Isa pang jobseeker na si Alvin Dumaplin, ang natanggap sa trabaho bilang driver sa E.R. Dela Cruz Construction and Supply. 
 
Ang 44-taong gulang na Zambaleño ay bumalik na sa kanyang bayan matapos na magtrabaho bilang isang company driver sa Maynila.
 
Masaya siyang muling makapag-trabaho makaraang matanggap sa unang employer na kanyang binisita sa ginanap na job fair.
 
Ang aktibidad, na ikalawang yugto ng Build Build Build Jobs Caravan ay dinaluhan nina DOLE Secretary Bello, Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Bases Conversion Development Authority President/CEO Vince Dizon, Senator Richard Gordon, Congressman Jeffrey Khonghun, at ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson and Administrator Wilma Eisma.
 
Dumalo rin ang iba pang opisyal ng DOLE sa nasabing job fair na sina Undersecretary Renato Ebarle, Undersecretary Ana Dione, Assistant Secretary Mariano Alquiza, at Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac.
 
Ang unang Build Build Build jobs caravan ay ginanap noong Agosto 2018 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
 
END/aldm/ Paul Ang

 

 

 


 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo