Employment data better under Duterte govt -- DOLE

Date Posted: January 29th, 2019 09:39 AM

News Release
Department of Labor and Employment
29 January 2019

 

Employment data better under Duterte govt -- DOLE

 

The government scored better in employment generation last year, registering a two-percent growth or 826,000 new jobs in 2018, the labor department said yesterday.

 

Citing reports of the Philippine Statistics Authority, Labor Secretary Silvestre Bello III said the government in fact noted significant improvements in the employment situation last year which registered 41.160 million employed from 40.334 million in the preceding year.

 

The employment figure is far better than the 38.7 million in 2015, he added.

 

Available data also showed that during the first six months of the Duterte administration, employment shot up to a dramatic 1.02 million.

 

According to the same PSA report, employment growth in 2018 was most notable in construction with over 328,000; public administration and defense, compulsory social security at 152,000; manufacturing with 145,000; and administrative and support service activities at over 110,000.

 

The PSA report also indicated that the agriculture sector suffered the heaviest employment loss for the past two years at 803,000 in 2017 and 260,000 last year due to several typhoons that hit the country.

 

Employment in the services sector also declined in 2017 (-72,000) due to stricter enforcement of DOLE policy on the prohibition of illegal end-of-contract or “endo” since the issuance of Department Order No. 174, series of 2017. Employment in the sector surged to 610,000 last year.

 

“We remain steadfast in promoting gainful employment opportunities and ensuring that workers’ rights and welfare are protected,” Bello said.

 

He added that close to half a million workers employed under the “endo” scheme had been regularized by the end of 2018, with the employers’ voluntary compliance being a major factor, accounting for more than 65 percent of those regularized employees.

 

He also said employment in industries will continue to improve in the coming months with the government’s aggressive push for the President’s flagship infrastructure-based Build, Build, Build program for inclusive growth.

###

 

==================================================================

Datos sa empleo mas mataas sa administrasyong Duterte – DOLE

 

Nag-rehistro ng dalawang porsiyentong pagtaas o 826,000 bagong trabaho ang nalikha ng pamahalaan sa 2018, pahayag kamakailan ng labor department.

 

Batay sa ulat ng Philippine Statics Authority, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na nagtala ng pagbabago sa empleo noong nakaraang taon kung saan nakapagrehistro ng 41.160 milyon ang nabigyan ng trabaho mula sa 40.334 milyon ng sinundang taon.

 

Mas mataas ang bilang ng empleo kumpara sa 38.7 milyon ng 2015, dagdag niya.

 

Makikita din sa datos na sa loob ng anim na buwan ng administrasyong Duterte, 1.02 milyong trabaho ang nalikha.

 

Ayon sa parehong ulat ng PSA, nakita ang pagtaas sa empleo noong 2018 sa construction na may 328,000; public administration and defense, compulsory social security na may 152,000; manufacturing na may 145,000; at administrative and support service activities na may mahigit 110,000.

 

Nakasaad din sa ulat ng PSA na ang agrikultura ang nagtala ng pinakamalaking bilang ng nawalang trabaho nitong nakaraang huling dalawang taon na may 803,000 noong 2017 at 260,000 noong nakaraang taon sanhi ng mga bagyong tumama sa bansa.

 

Bumaba din ang bilang ng empleo sa service sector noong 2017 (-72,000) dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng DOLE sa polisiya ng pagbabawal sa illegal end-of-contract o “endo” simula nang ipatupad ang Department Order No. 174, series of 2017.   Nagtala ng 610,000 empleo sa nasabing sektor noong nakaraang taon. 

 

“Mananatili tayong matatag sa paglikha ng oportunidad sa trabaho at pagtitiyak na napapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa,” ani Bello.

 

Kanyang idinagdag na mahigit sa kalahating milyong manggagawa sa ilalim ng “endo” ang naging regular bago magtapos ang 2018, kung saan 65 porsiyento rito ang naging regular na empleyado dahil sa boluntaryong pagtupad ng mga employer.

 

Kanya ring sinabi na patuloy na tataas ang empleo sa mga darating na buwan dahil sa agresibong pagkilos ng pamahalaan para sa programang Build, Build, Build ng Presidente.   ###/gmea

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo