Bello leads OFW 'salubong'

Date Posted: December 29th, 2018 06:15 AM

News Release
Department of Labor and Employment
29 December 2018

 

Bello leads OFW 'salubong'

 

As a way of showing gratitude to the country’s modern-day heroes, Labor Secretary Silvestre Bello III led the annual ‘salubong’ of overseas Filipino workers at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) in Pasay City.

 

OFWs who arrived in Manila via Kuwait Airways Flight 417 were welcomed with food, gift items, and Christmas baskets from the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

Three lucky OFWs were each handed cash gift of 50,000. They were Aurora Abelle Casano, Aisa Ismawil Husain, and Annabel Merio Melencio.

 

“Gusto kong ipaalam sa inyo na pinapunta kami rito ni Pangulong Duterte upang personal kayong salubungin at pasalamatan para sa inyong mga ginagawa sa ating bansa. Kayo po ang tunay na mga bayani ng ating bayan,” said Labor Secretary Bello as he welcomed the OFWs at NAIA Terminal 1, along with Undersecretary Renato Ebarle, and OWWA Deputy Administrators Brigido Dulay and Arnel Ignacio.

 

He encouraged the OFWs, however, to stay in the country for good by putting up their own business or taking advantage of the local job opportunities.

 

Meanwhile, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac urged the vacationing OFWs to avail of the OFW e-card by registering at https://owwa.gov.ph/.

 

The OFW e-card can be picked up at the OWWA Central Office or at the OWWA Regional Offices, Cacdac added.


The OFW e-CARD, which may be used as valid government ID, serves as proof of active OWWA membership and provides easy access to welfare services, scholarships, training programs, and social benefits from OWWA.

 

Anchored on the theme, “Kalingang Walang Patid sa OFW ay Hatid,” the OFW salubong is part of OWWA’s Pamaskong Handog, which is an annual activity to bring cheers and presents to OFWs and their families.

 

Regional OFW salubong will also be held at the Clark International Airport and at Mactan-Cebu International Airport.

 

END/aldm

=========================================

 

Bello nanguna sa OFW 'salubong'

Bilang pasasalamat sa mga bagong bayani ng ating bansa, pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang taunang ‘salubong’ sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Tumanggap ang mga OFW, na dumating ng Maynila sakay ng Kuwait Airways Flight 417, ng gift item at Christmas basket mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Tatlong masusuwerteng OFWs ang nakatanggap ng tig-P50,000 cash gift. Ang mga ito ay sina Aurora Abelle Casano, Aisa Ismawil Husain, at Annabel Merio Melencio. 

“Gusto kong ipaalam sa inyo na pinapunta kami rito ni Pangulong Duterte upang personal kayong salubungin at pasalamatan para sa inyong mga ginagawa sa ating bansa. Kayo po ang tunay na mga bayani ng ating bayan,” ani Labor Secretary Bello sa kanyang pagsalubong sa mga OFW sa NAIA Terminal 1, kasama sina Undersecretary Renato Ebarle, at OWWA Deputy Administrators Brigido Dulay at Arnel Ignacio.


Kanya ring hinikayat ang mga OFW na permanente nang manatili sa ating bansa at magtayo na lamang ng negosyo o samantalahin ang oportunidad para sa lokal na trabaho.


Samantala, hinikayat ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac ang mga nagbabakasyong OFW na mag-rehistro sa https://owwa.gov.ph/ para makatanggap ng OFW e-card.

Maaaring makuha ang OFW e-card sa OWWA Central Office o sa OWWA Regional Office na malapit sa kanila, dagdag ni Cacdac.

 

Ang OFW e-CARD, na maaaring gamitin bilang valid government ID, ay isang patunay na ang OFW ay active OWWA member at mabilis silang makatatanggap ng welfare service, scholarship, training program, at social benefit mula sa OWWA.


May temang, “Kalingang Walang Patid sa OFW ay Hatid,” ang OFW salubong ay bahagi ng Pamaskong Handog ng OWWA, na taunang gawain para magbigay saya at regalo sa mga OFW at kanilang pamilya.

Magsasagawa rin ng Regional OFW salubong sa Clark International Airport at sa Mactan-Cebu International Airport.

END/aldm/gmea

 


 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo