Monitoring set on firecracker manufacturing

Date Posted: December 20th, 2018 02:29 AM

News Release
Department of Labor and Employment
20 December 2018

 

Monitoring set on firecracker manufacturing

Firecracker manufacturers in the country will undergo strict monitoring by the Department of Labor and Employment to ensure their adherence with the Occupational Safety and Health Standards (OSHS).

 

In line with the Christmas and New Year celebrations, Labor Secretary Silvestre Bello III issued Advisory No. 20, Series of 2018, directing all Regional Directors to strictly monitor the compliance of business establishments, particularly those involved in the manufacturing of pyrotechnics and firecrackers, with Republic Act no. 11058, or the Occupational Safety and Health Standards (OSHS) to prevent untoward accidents in the workplace.

 

“Relative to the increase in the manufacture of pyrotechnics and firecrackers nationwide due to the Christmas and New Year’s celebrations, all Regional Directors are hereby directed to monitor the establishments' compliance with Republic Act no. 11058, OP Memo Order No. 31, s. 2018, Occupational Safety and Health Standards (OSHS) to avoid any accident in the workplace,” the advisory said.

 

Furthermore, the advisory instructs labor laws compliance officers (LLCOs) to assist those business establishments in rectifying their deficiencies to comply with the OSHS.

 

However, in cases of refusal from business establishments to comply with the standards, the labor inspectors are authorized to investigate the violations pursuant to Department Order No. 183, series of 2017, or the Revised Rules on the Administration and Enforcement of Labor Laws.

 

Meanwhile, all DOLE Regional Offices are expected to submit their list of monitored and assisted business establishments to the Bureau of Working Conditions (BWC) on December 28, 2018.

 

#Paul Ang

 

===========================================

 

Pagbabantay sa pagawaan ng paputok, itinakda

 

Sasailalim sa mahigpit na pagbabantay ng Department of Labor and Employment ang mga pagawaan ng paputok sa bansa upang matiyak ang pagtalima ng mga ito sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS).

 

Kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, inilabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Advisory No. 20, Series of 2018, na nag-aatas sa lahat ng Regional Directors na mahigpit na bantayan ang pagtupad ng mga establisyamento, partikular iyong nasa pagawaan ng paputok, alinsunod sa Republic Act No. 11058, o ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) upang maiwasan ang aksidente sa lugar-paggawa.

 

“Kaugnay ng pagdami ng pagawaan ng paputok sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon, inaatasan ang lahat ng Regional Directors na bantayan ang mga establisyamento sa kanilang pagtalima sa Republic Act no. 11058, OP Memo Order No. 31, s. 2018, Occupational Safety and Health Standards (OSHS) upang maiwasan ang anumang aksidente sa lugar-paggawa,” nakasaad sa panukala. 

 

Dagdag pa dito, inaatasan din ng panukala ang mga labor laws compliance officer (LLCO) na tulungan ang mga establisyamento sa pagtatama ng kanilang mga kakulangan upang makasunod sa OSHS.

 

Gayunpaman, kung sakaling hindi sumunod ang mga establisyamento sa patakaran, may karapatan ang labor inspector na magsagawa ng imbestigasyon sa paglabag alinsunod sa Department Order No. 183, series of 2017, o ang Revised Rules on the Administration and Enforcement of Labor Laws. 

 

Samantala, inaasahan na ang lahat ng DOLE Regional Office ay magsusumite sa Bureau of Working Conditions (BWC) ng listahan ng kanilang na-monitor at tinulungang establisyamento sa Disyembre 28, 2018.

 

#Paul Ang/gmea

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo