Employment generation, job quality improved

Date Posted: December 18th, 2018 07:19 AM

 

More Filipinos are getting employed and more workers are now enjoying stable employment for 2018, the labor department reported.

 

Based on the October 2018 Labor Force Survey (LFS) conducted by the Philippine Statistics Authority (PSA), 826,000 jobs were generated for 2018, making a total of 41.160 million employed workers, which is 2.0 percent higher than the 40.334 million employed workers recorded last year.

 

“The employment situation in the Philippines continues to improve as more Filipinos are getting employed through increased job opportunities in various sectors, such as the Build Build Build infrastructure program of the administration. This mainly helped us sustain the rise in employment. Also, more workers are now enjoying security of tenure,” Labor Secretary Silvestre Bello III said.

 

Also, unemployed Filipinos decreased by 140,000, a 5.3 percent or 0.4 percent decrease from the 5.7 unemployment rate recorded last year.   

 

The October 2018 LFS also noted improvements in the quality of employment as the number of remunerative and stable wage employment reached 26.6 million, which is 2.9 percent or 743,000 wage employment compared to the same period in 2017.

 

Full-time employment also grew by 4.7 percent, reaching 29.3 million in October 2018, from 28.0 million last year.

 

As of October 2018, DOLE’s campaign against illegal forms of contractualization has so far netted 411,449 regularized workers, 70 percent of whom have been voluntarily regularized while the 30 percent were regularized through inspection.

 

“This can be attributed to DOLE’s strict enforcement of campaign against illegal contractualization, as well as to the department’s strengthened employment facilitation services and enhanced social protection programs for our workers,” Bello said.  

 

However, underemployment remains a challenge with 6.735 million underemployed workers in 2018, a 3.5 percent or 229,000 higher from the 6.506 million underemployed workers reported last year.

 

END/Abegail De Vega

 

====================================================

 

Kalidad ng trabaho, bumubuti

 

Mas maraming Pilipino ang nagkaroon ng trabaho at mas maraming manggagawa ang may matatag na trabaho ngayong 2018, ayon sa ulat ng labor department.

 

Batay sa October 2018 Labor Force Survey (LFS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), 826,000 trabaho ang nalikha ng 2018, kung saan ang kabuuan ay 41.150 milyong manggagawa ang may trabaho, kung saan mas mataas ng 2 porsiyento sa 40.334  milyong manggagawang may trabaho na naitala noong nakaraang taon.

 

“Patuloy na gumaganda ang sitwasyon ng empleo sa Pilpinas dahil sa mas maraming Pilipino ang nagkakaroon ng trabaho dahil sa pagtaas ng oportunidad sa trabaho mula sa iba’t ibang sektor, katulad ng Build Build Build infrastructure program ng administrasyon. Ito ang pangunahing nakakatulong sa pagtaas ng empleo. At mas maraming manggagawa ang nagkaroon ng seguridad sa trabaho,” ani Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

 

Bumaba din ng 140,000 ang bilang ng Pilipinong walang trabaho, 5.3 porsiyento o 0.4 pagbaba mula sa 5.7 unemployment rate na naitala noong nakaraang taon.

 

Nakasaad din sa October 2018 LFS ang pagbuti sa kalidad ng empleo  dahil umabot sa 26.6 milyon ang remunerative at stable wage employment, kung saan 2.9 porsiyento o 743,000 wage employment kumpara sa parehong panahon ng 2017.

 

Tumaas din ng 4.7 porsiyento ang full-time employment, na umabot ng 29.3 milyon ng Oktubre 2018, mula sa 28.0 milyon ng nakaraang taon.

 

Nitong Oktubre 2018, naging regular ang 411,449 manggagawa dahil sa kampanya ng DOLE laban sa iligal na uri ng kontraktuwalisayson, 70 porsiyento sa mga ito ay boluntaryong na-regular samantalang 30 porsiyento ang naging regular dahil sa inspeksiyon.

 

“Ito ay dahil sa mahigpit na implementasyon ng DOLE sa kampanya nito laban sa iligal na kontraktuwalisasyon, gayundin sa pinalakas na employment facilitation service at mas maayos na social protection program para sa manggagawa,” ani Bello.

 

Gayunpaman, nananatiling hamon ang 6.735 milyong manggagawa na underemployed ng 2018, tumaas ng 3.5 porsiyento o 229,000 mula sa 6.506 milyon underemployed na naiulat ng nakaraang taon.

 

END/Abegail De Vega/gmea

 

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo