Israel opens 1K hotel jobs for Pinoys

Date Posted: December 14th, 2018 02:13 AM

News Release
Department of Labor and Employment
14 December 2018

Israel opens 1K hotel jobs for Pinoys


At least 1,000 job opportunities in the hotel industry will soon be available for Filipinos following the signing of a memorandum of agreement between the Philippines and Israel, the labor department reported.

Labor Secretary Silvestre Bello III signed the labor agreement with Israeli Tourism Minister Yariv Levin to formalize the government-to-government partnership for the deployment of Filipino hotel workers.

“The Israeli government is opening 1,000 jobs in the hotel industry for OFWs. They have an extreme demand for hotel cleaners. Although there are other interested countries who would like to send migrant workers, the Israelis prefer Filipinos due to their experience with our caregivers,” Bello said.

The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) is tasked to facilitate the proper deployment of OFWs to Israel while the labor department has negotiated to reduce the minimal deployment fee from $8-12,000 to around $2,000.

Qualified applicants can expect a basic salary of around $1,200, subject to implementing guidelines of the POEA, while the caregivers’ average existing wage is about $1,350.

“Based on experience, I am confident that our OFWs will be treated fairly in Israel. I spoke with some of our ‘kababayan’ and they have expressed positive feedbacks with their Israeli employers. Some of them receive more than the basic salary of $1,350, while others do have more incentives, such as 40-day vacation,” Bello said.

He further said that the agreement would be on experimental implementation as Israel looks forward to raising the number of job opportunities to be opened for Filipinos to supplement their growing tourism industry.

“Actually the only reason why I went to Israel is only for the purpose of signing the agreement. They are very keen on signing this agreement because even before, their demand for hotel workers are already very high,” the labor chief said.

Aside from Israel, other countries, such as Russia, China, Malta, Germany, and Japan, have also expressed their interest to hire Filipino workers to supplement their growing need for the labor force.

#Paul Ang

 

==============================================

 

1K trabaho sa hotel, binuksan ng Israel para sa Pinoy

 

Aabot sa 1,000 trabaho sa industriya ng hotel ang maaaring pasukan ng mga Pilipino kasunod ng pagpirma ng memorandum of agreement sa pagitan ng Pilipinas at Israel, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment.

 

Pinirmahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kasunduan kasama ni Israeli Tourism Minister Yariv Levin upang gawing pormal ang government-to-government partnership para sa pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa hotel.

 

“Binuksan ng gobyerno ng Israel ang 1,000 trabaho sa industriya ng hotel para sa mga OFW. Mataas ang kanilang pangangailangan sa mga hotel cleaners. Kahit may ibang mga bansang nais magpadala ng mga migranteng manggagawa, mas pinipili ng mga Israeli ang Pilipino dahil sa kanilang magandang karanasan sa ating mga caregiver,” wika ni Bello.

 

Ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang naatasang mamahala sa maayos na pagpapadala ng mga OFW sa Israel habang nakipagnegosasyon ang kagawaran upang mapababa ang minimal deployment fee mula $8-12,000 patungong $2,000.

 

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay maaaring makatanggap ng basic salary na nasa $1,200, batay sa implementing guidelines ng POEA, habang ang umiiral na suweldo ng mga caregivers ay nasa $1,350.

 

“Base sa karanasan, kampante ako na ang mga OFW ay tatratuhin ng maayos sa Israel. Nakipagusap ako sa ating mga kababayan at nagpahayag rin sila ng positibong reaksyon sa kanilang mga Israeli employer. Ang iba pa sa kanila ay nakatatanggap ng higit sa kanilang basic salary na $1,350, habang ang iba ay mayroong karagdagang insentibo tulad ng 40-araw na bakasyon,” dagdag pa ni Bello.

 

Sinabi pa niya na ang kasunduan ay experimental implementation pa lamang dahil nais ng Israel na dagdagan ang bilang ng mga trabahong iaalok para sa mga Pilipino upang sabayan ang lumalaki nilang industriya ng turismo.

 

“Sa totoo lang, nagpunta lamang ako sa Israel para lamang mapirmahan ang kasunduan. Masugid silang mapirmahan na ito dahil kahit dati pa man ay mataas na ang demand nila para sa mga manggagawa sa hotel,” ayon pa sa kalihim.

 

Liban sa Israel, nagpahayag rin ng kanilang pagnanais na tumanggap ng mga migranteng Pilipino ang mga bansa tulad ng Russia, China, Malta, Germany, at Japan dahil sa lumalaking pangangailangan nila sa manggagawa.

 

#Paul Ang

 

 


 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo