DOLE fetes milestones at 85

Date Posted: December 4th, 2018 06:52 AM

News Release
Department of Labor and Employment
4 December 2018


 

DOLE fetes milestones at 85

 

The Department of Labor and Employment (DOLE) celebrates its 85th founding anniversary with weeklong activities intended to highlight the departments’ remarkable accomplishments gained through the collective hard work and dedicated service of its employees.

 

Labor Secretary Silvestre Bello III, together with the DOLE officials and employees on Monday led the opening of the weeklong festivity during the unveiling of the DOLE Photo Exhibit, which showcases a glimpse of the department’s milestones and undertakings in its more than eight decades of service.

 

“Our 85th founding anniversary is indeed a profound milestone for us to celebrate the long years of exemplary service to the Filipino workforce. We want to acknowledge all the hard work of our people, as well as the support of our social partners in fulfilling our mandate,” Bello said.

 

Bannering the theme “Kaagapay sa Matapat, Malinis at Maasahang Serbisyo,” the observance also highlights the reaffirmed commitment of the department to exemplify the highest standards of ethics and excellence in advancing the rights and welfare of Filipino workers.

 

DOLE’s major accomplishments include winning the war against illegal contractualization, along with its intensified implementation of labor laws and standards, and occupational health and safety in workplaces. The labor department has also improved the services to safeguard the welfare and interest of overseas Filipino workers.

 

On December 6, thousands of DOLE employees coming from its services, bureaus, attached agencies, regional offices, together with other government officials and guests will gather in the Philippine International Convention Center for a day of fun-filled activities, including raffle draws and entertainment shows.

 

DOLE employees who have been working in the department for 25 years or more will be conferred with loyalty award in recognition of their efforts and dedication to public service.

 

Also, DOLE in partnership with about 30 Rotary Clubs of District 3830 has set a special jobs and opportunities fair exclusively for Persons with Disability on December 5 at the Quezon City Hall with more than 1,000 job vacancies.

 

The labor department started as a small bureau in 1908 and became a department in December 8, 1933 by the virtue of Commonwealth Act No. 4121. It was renamed Ministry of Labor and Employment in 1980, and again renamed Department of Labor and Employment after the 1986 EDSA Revolution.

 

It administers five bureaus, 11 attached agencies, 16 regional offices, 36 overseas offices and has a manpower complement of 6,665.

 

END/Abegail De Vega

 

==============================================================

Ika-85 taong anibersaryo ng DOLE, ipagdiriwang


Ipagdiriwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ika-85 taong anibersaryo tampok ang mga programa at serbisyong naipatupad ng departamento sa pamamagitan ng pagsusumikap at pagpupunyagi ng mga kawani nito.


Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III, kasama ang mga opisyal at kawani ng DOLE nitong Lunes ang pagsisimula ng isang linggong pagdiriwang sa ginanap na pagbubukas ng DOLE Photo Exhibit, kung saan tinampok ang pagbabalik-tanaw sa mga ipinatupad na programa at serbisyo ng departamento sa loob ng mahigit walong dekada nitong pagbibigay serbisyo.


“Ang aming ika-85 taong anibersaryo ng pagkakatatag ay tunay ngang isang malaking okasyon na dapat ipagdiwang sa mahabang taon na pagbibigay-serbisyo sa mga manggagawang Filipino.   Nais naming pasalamatan ang pagpupunyagi ng ating mga kasama, gayundin ang suporta ng ating mga social partner sa pagtupad ng ating mandato,” ani Bello.


May temang “Kaagapay sa Matapat, Malinis at Maasahang Serbisyo,” tinatampok din sa pagdiriwang ang muling pagpapatibay ng departamento sa pangako nitong itataguyod ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino ng may dangal at mataas na uri ng pagsisilibi.


Ilan sa mga pangunahing ginawa ng DOLE ay ang pagtatagumpay laban sa iligal na kontraktuwalisasyon, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng batas paggawa at pamantayan, at ligtas at malusog na lugar-paggawa.   Pinagbuti din ng labor department ang serbisyo sa pangangalaga sa kalagayan at interes ng mga overseas Filipino worker.

 

Sa Disyembre 6, libong kawani ng DOLE mula sa services, bureaus, attached agencies, regional office, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan at panauhin ang magsasama-sama sa Philippine International Convention Center para sa isang araw ng selebrasyon, magkakaroon din raffle draw at entertainment show.
 

Paparangalan naman ng loyalty award ang mga kawani ng DOLE na nagtatrabaho sa departamento ng mahigit 25 taon bilang pagkilala sa kanilang pagpupunyagi at dedikasyon sa serbisyo publiko.
 

Magkakaroon din ng natatanging special job and opportunities fair, sa pagtutulungan ng DOLE at 30 Rotary Clubs ng District 3830, para sa Person with Disability sa Disyembre 5 sa Quezon City Hall, kung saan may mahigit 1,000 bakanteng trabaho.
 

Nagsimula ang labor department bilang maliit na bureau noong 1908 at naging departamento ng Disyembre 8, 1933 sa bisa ng Commonwealth Act No. 4121.  Noong 1980, ito ay binigyan ng bagong pangalan na Ministry of Labor and Employment, at muling pinangalanan na Department of Labor and Employment matapos ang 1986 EDSA Revolution.
 

Pinapangasiwaan nito ang limang bureau, 11 attached agencies, 16 regional offices, 36 overseas offices at may 6,665 kawani.


END/Abegail De Vega/gmea

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo