Intensified drive vs illegal recruitment

Date Posted: November 16th, 2018 07:31 AM

News Release
Department of Labor and Employment
16 November 2018

 

Intensified drive vs illegal recruitment

 

The labor department is intensifying its fight to curb illegal recruitment and human trafficking in all fronts, locally or overseas, to further safeguard the welfare of the Filipino workers from unscrupulous recruiters and syndicates.

 

In an administrative order, Labor Secretary Silvestre Bello III has created a new task force against illegal recruitment, recruitment of minor workers, and trafficking in persons to avert workers from being victimized by people who employ nefarious means.

 

The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) disclosed that there are 156 victims of illegal recruitment from June 18 to October 2018 alone, which is an alarming case, considering that the reported cases happened in a short period of time.

 

“Despite efforts to eliminate illegal recruitment, trafficking in persons, and recruitment of minor workers, reports indicate that these social menaces continue to proliferate and pose continuing threats to Filipino workers,” said Undersecretary Jacinto Paras in a press briefing on Friday. 

 

Among the general functions of the new group is to develop and execute strategies and schemes against the modus operandi of illegal recruiters, as well as recommend their prosecution to the labor secretary.

 

The task force has also the power to conduct surveillance and entrapment operations of persons believed engaged in illegal recruitment, and cause or direct the immediate investigation and speedy prosecution of cases involving the illegal recruitment.
 

For it to be effective, the task force will have National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) to serve as its operational and law enforcement arm.

 

The group is headed by Undersecretary Jacinto Paras, with the Administrator of the Philippine Overseas Employment Administration as vice chair and the Director of Bureau of Local and Employment as member.

 

The other members of the task group include the heads of the Overseas Workers Welfare Administration, International Labor Affairs Bureau (ILAB), and Bureau of Workers with Special Concerns.

 

The creation of the task force is in line with the agenda of the labor department to have a more focused, concerted, coordinated, and effective programs of action to stop and eliminate illegal recruitment.

 

END/Abegail De Vega

 

=================================================

Kampanya laban sa illegal recruitment, pinaigting ng DOLE

 

Pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya nito laban sa lahat ng uri ng illegal recruitment at human trafficking sa bansa at sa ibayong dagat upang patuloy na protektahan ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa mula sa mga mapang-abusong recruiter at sindikato.

 

Sa isang administrative order, bumuo si Labor Secretary Silvestre Bello III ng bagong task force laban sa illegal recruitment, recruitment ng minor worker, at trafficking in persons upang maiwasang mabiktima ang mga manggagawa ng mga grupong may iligal na gawain.

 

Batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mayroong 156 na biktima ng illegal recruitment mula Hunyo 18 hanggang Oktubre 2018, na siyang nakakaalarmang kaso dahil naganap ang mga insidente sa loob lamang ng maiksing panahon.

 

“Sa kabila ng kampanya upang puksain ang illegal recruitment, trafficking in persons, at recruitment ng minor workers, mayroon pa ring mga ulat na naisasagawa ang iligal na gawaing ito kung saan nalalagay sa panganib ang mga Pilipinong manggagawa,” wika ni Undersecretary Jacinto Paras sa isang press briefing nitong Biyernes.

 

Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng bagong grupo ay bumuo ng mga istratehiya at panuntunan laban sa modus operandi ng mga illegal recruiter at agad silang mahuli sa tulong ng kalihim ng DOLE.

 

Ang task force rin ay mayroong kapangyarihan na magsagawa ng surveillance at entrapment operation sa mga taong pinaniniwalaang kabilang sa mga aktibidad ng illegal recruitment, at mag-atas ng agarang imbestigasyon at kalutasan sa mga kasong may kaugnayan sa illegal recruitment.

 

Upang mas maging mabisa, ang task force ay makikipag-ugnayan sa National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na siyang magsisilbi bilang operational at law enforcement arm.

 

Pangungunahan ni Undersecretary Jacinto Paras ang grupo at ng Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration bilang vice chair at Director ng Bureau of Local and Employment bilang miyembro.

 

Ang iba pang miyembro ng task group ay kinabibilangan ng mga head mula sa Overseas Workers Welfare Administration, International Labor Affairs Bureau (ILAB), at Bureau of Workers with Special Concerns.

 

Ang pagbuo ng task force ay kasunod ng agenda ng labor department na magkaroon ng pinaigting na kampanya, koordinasyon, at epektibong programa upang mapigilan at mapuksa ang illegal recruitment.

 

END/Abegail De Vega/ Paul Ang

 


 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo