DOLE, Jobstreet renew partnership on employment facilitation

Date Posted: November 9th, 2018 05:43 AM

News Release
Department of Labor and Employment
9 November 2018

DOLE, Jobstreet renew partnership on employment facilitation


Recognizing the role of the private sector in employment facilitation, the labor department renewed its partnership with Jobstreet.com on the provision of labor market information and facilitation of job fairs and other recruitment-related events.

“This partnership would definitely bolster and further the Department’s mandate to provide decent, productive, and sustainable employment for our Filipino workforce, and create more areas of collaboration,” said Labor Secretary Silvestre Bello III after signing the memorandum of understanding with Jobstreet.com Country Manager Philip Gioca at the DOLE Central Office in Intramuros, Manila.

Through the MOU, Jobstreet.com will support the labor department’s provision and dissemination of labor market information by creating informational materials, and promoting these through electronic direct mail to their candidate/applicant database as well as its career resources pages and social networking accounts.

Likewise, Jobstreet.com will provide DOLE with timely and accurate labor market information via Jobstreet.com’s system. 

As to job fair support, Jobstreet.com shall promote DOLE and Public Employment Service Office (PESO) job fairs through electronic direct mail to its candidate/applicant database and through its social networking accounts.

During the signing of the agreement, Labor Secretary Bello also commended Jobstreet.com’s mobile-first web platform, JobXpress.

 

“There is great potential in JobXpress as it caters to jobseekers looking for employment opportunities, most especially technical-vocational jobs. Jobseekers with mobile data can now go job hunting quickly and easily just by a few taps on their cellphones,” the Labor Secretary added.

Jobstreet.com is one of Asia’s leading online employment marketplaces, which help facilitate the matching and communication of job opportunities between jobseekers and employers, in Malaysia, Philippines, Singapore, Indonesia and Vietnam.

Jobstreet.com has a database of at least five million candidates/applicants in the Philippines.

END/aldm/PNGBugayong

 

=============================================

 

DOLE, Jobstreet nag-renew ng partnership sa empleo

 

Bilang pagkilala sa tungkulin ng pribadong sektor para sa pangangasiwa sa empleo, muling ni-renew ng labor department ang partnership nito sa Jobstreet.com sa pamamahagi ng labor market information at pangangasiwa sa job fair at iba pang gawain ukol sa recruitment.

 

“Ang partnership na ito ay tiyak na makakatulong at magpapalakas sa mandato ng Department na makapagbigay ng disente at produktibong trabaho para sa manggagawang Filipino, at makalikha ng karagdagang programa ng pagtutulungan,” ani Labor Secretary Silvestre H. Bello III matapos lagdaan ang memorandum of understanding kasama ang Jobstreet.com Country Manager Philip Gioca sa DOLE Central Office sa Intramuros, Manila.

 

Sa pamamagitan ng MOU, susuportahan ng Jobstreet.com ang pagpapalaganap ng labor department ng labor market information sa pamamagitan ng pagbubuo ng information material, at pamamahagi nito sa pamamagitan ng electronic direct mail sa kanilang candidate/applicant database gayundin sa kanilang career resource pages at social networking account.

 

Bibigyan naman ng Jobstreet.com ang DOLE ng napapanahon at wastong labor market information sa pamamagitan ng Jobstreet.com system.

 

Para naman sa suporta sa trabaho, itataguyod ng Jobstreet.com ang jobs fair ng DOLE at Public Employment Service Office (PESO) gamit ang electronic direct mail sa kanilang candidate/applicant database at sa pamamagitan ng kanilang social networking account.

 

Sa paglalagda ng kasunduan, pinapurihan ni Labor Secretary Bello ang JobXpress, ang mobile-first web platform ng Jobstreet.com.

“Malaki ang potensyal ng JobXpress dahil ito ay tumutugon sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho, lalo na iyong trabahong technical-vocational. Ang mga naghahanap ng trabaho na may mobile data ay madaling makakahanap ng trabaho sa simpleng pagpindot sa kanilang cellphone,” dagdag ni Labor Secretary.

 

Isa sa pangunahing online employment marketplace sa Asia, ang Jobstreet.com ay tumutulong sa pagtutugma at pagbibigay ng komunikasyon sa pagitan ng aplikante at employer, sa Malaysia, Philippines, Singapore, Indonesia at Vietnam.

 

Tinatayang may limang milyong candidates/appplicants sa Pilipinas ang nasa database ng Jobstreet.com.

 

END/aldm/PNGBugayong/gmea

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo