DOLE partners with PALSCON in bringing job opportunities

Date Posted: October 24th, 2018 04:29 AM

News Release
Department of Labor and Employment
24 October 2018

DOLE partners with PALSCON in bringing job opportunities

 

The labor department has partnered with the Philippine Association of Legitimate Service Contractors, Inc. (PALSCON) in bringing decent employment opportunities to Filipino jobseekers, as well as in facilitating employers’ search for qualified manpower.

 

Labor Secretary Silvestre Bello III said the partnership focused on reaching more jobseekers nationwide and expanding access to labor market information, to further support DOLE’s mandate of improving the local labor and employment situation in the country.

 

“Aside from generating job opportunities and collectively employing workers in a manner prescribed by labor laws, I commend the organization’s share and initiative in pushing for domestic growth by helping us in bringing job opportunities to the Filipinos,” Bello said.

 

Under the Memorandum of Understanding (MOU), signed by Bello and PALSCON National President Rhoda Castro-Caliwara, a nationwide PALSCON Job Fair caravan will be launched with the tag line: “Job ko ‘to: Secure ako dito dahil may trabaho for Every Juan”.

 

The job fair caravan will include training and human resource development activities, create training modules and information campaigns relative to the workers’ welfare, enhancement and growth during the implementation of the program.

 

On the other hand, DOLE Regional and Field Offices shall provide technical support, guidance, and direction to PALSCON in the conduct of the latter’s Job Fair Caravan, as well as monitor the implementation of the program.


Also, Bureau of Local Employment will provide PALSCON the access to data and information of public nature relative to the government’s programs and activities for the generation and promotion of employment in the country.

 

END/Abegail De Vega

 

================================================

 

DOLE partnership para sa trabaho

 

Pinahjgpit ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang partnership nito sa Philippine Association of Legitimate Service Contractors, Inc. (PALSCON) upang higit na maraming trabaho ang maging accessible sa mga jobseekers, kasabay na rin ng pag-ayuda sa mga employer na makahanap ng mga kuwalipikadong manggagawa.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pagkakapit bisig ay nakatuon upang maabot ang mas maraming naghahanap ng trabaho sa buong bansa at palawakin ang kanilang kamalayan para sa labor market information, at makatulong sa mandato ng DOLE na paigtingin ang sitwasyon sa mga lokal na trabaho sa bansa.

 

“Liban sa paglikha ng mga trabaho at patuloy na pagtanggap ng mga manggagawa alinsunod sa batas paggawa, pinupuri ko ang tulong ng organisasyon at kanilang inisyatibo upang makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino,” wika ni Bello.

 

Sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) na pirmado ni Bello at PALSCON National President Rhoda Castro-Caliwara, isang nationwide PALSCON Job Fair caravan ang ilulunsad na may tag line na: “Job ko ‘to: Secure ako dito dahil may trabaho for Every Juan”.

 

Ang job fair caravan ay magkakaroon ng training at human resource development, paglikha ng mga training modules at information campaign tungkol sa kapakanan ng mga manggagawa, at pagpapalawak at pagpapalakas ng programa.

 

Sa kabilang dako, inatasan naman ang mga DOLE Regional at Field Office na maglaan ng technical support, gabay, at direksyon sa PALSCON kaugnay ng isasagawang Job Fair Caravan, at ang pagmonitor sa implementasyon ng programa.

 

Samantala, ang Bureau of Local Employment ay tutulong rin sa PALSCON na magkaroon ng data at mga impormasyon ukol sa programa at aktibidad ng gobyerno kaugnay sa paglikha ng trabaho sa bansa.

 

END/Abegail De Vega/ Paul Ang

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo