DOLE to bus companies: Follow wage standards

Date Posted: October 15th, 2018 07:10 AM

News Release
Department of Labor and Employment
15 October 2018

DOLE to bus companies: Follow wage standards


Labor Secretary Silvestre Bello III urged bus companies to adopt the two-tiered wage system, a compensation scheme imposing the mandatory minimum wage setting complemented by a voluntary productivity-based pay.

 

This after the Supreme Court affirmed DOLE Department Order No. 118-12 which mandates a fixed salary for public utility bus drivers and conductors not lower than the applicable minimum wage in a region.

Bello directed the National Wages and Productivity Commission (NWPC) to step up its information drive and provide technical assistance to bus companies in the formulation of the part-fixed, part-performance compensation scheme.

In a report to Bello, the NWPC said a total of 261 bus companies have already been assisted by the Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPBs) in the formulation of the compensation scheme from 2012-2018.

The NWPC Operational Guidelines on D.O. 118-12 states that in adopting the wage scheme, the fixed component shall not be lower than the applicable minimum wage and shall be paid in legal tender.

Drivers and conductors shall also be entitled to all mandatory wage-related benefits, such as overtime pay, nightshift differential, service incentive leave, 13th month pay, holiday pay, and premium pay.

Meanwhile, the performance pay component shall take into consideration revenue, ridership, safety, specific conditions of routes, and other relevant parameters.

Bus owners and/or operators are required to submit their compensation scheme to the RTWPBs having jurisdiction over the principal place of business of the PUB owner.

The labor department is also set to meet with the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) to discuss coordination arrangements between the two agencies in the implementation of LTFRB Memorandum Circular No. 2012-01, which aims to ensure road transport safety by linking labor standards compliance with franchise regulation.

The memorandum circular requires, among others, the submission by PUBs of a DOLE issued Labor Standards Compliance Certificate as requirement for the grant or renewal of a Certificate of Public Convenience.

It further provides that failure to do so shall be ground for cancellation or revocation of existing CPC.

Meanwhile, Secretary Bello ordered the Bureau of Working Conditions to monitor and enforce compliance with all labor laws and standards as provided under D.O. 118-12.

 

END/NWPC/aldm

 

==================================================

 

DOLE sa bus companies: Sundin ang wage standards

 

Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga kumpanya ng bus na sundin ang sistema ng pagpapasuweldo para sa mga driver at konduktor ng mga pampasaherong bus.

 

Ang panawagan ay kasunod ng desisyon ng Supreme Court na nagpapatibay sa DOLE Department Order No. 118-12 na nagtatakda ng two-tier salary para sa mga driver at konduktor ng public utility bus na hindi dapat bababa sa itinatakdang minimum wage sa kanilang rehiyon.

 

Inatasan ni Bello ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) na paigtingin ang information drive at magbigay ng technical assistance sa mga kumpanya ng bus upang bumuo ng panuntunan para sa part-fixed, part-performance compensation scheme.

 

Sa isang ulat kay Bello, sinabi ng NWPC na mayroong kabuuang 261 kumpanya ng bus ang natulungan na ng Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPBs) kaugnay sa pagbuo ng panuntunan para sa compensation scheme para sa 2012-2018.

 

Ang NWPC Operational Guidelines para sa D.O. 118-12 ay nagsasaad ng panuntunan sa pasahod at ang fixed component ay hindi dapat bababa sa minimum wage.

 

Ang mga driver at konduktor ay mayroon ding karapatan para sa lahat ng mandatory wage-related benefit, tulad ng overtime pay, night shift differential, service incentive leave, 13th-month pay, holiday pay, at premium pay.

 

Samantala, ang performance pay ay dapat na nababatay sa kita, dami ng pasahero, safety, kondisyon sa ruta at iba pang kaugnay na sukatan.

 

Ang mga may-ari ng bus at mga operator ay kinakailangan na magsumite ng kanilang compensation scheme sa RTWPB na nakasasakop sa kanilang lugar ng negosyo ng PUB.

 

Nakatakda na ring makipagpulong ang kagawaran ng paggawa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang pag-usapan ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensya upang ipatupad ang LTFRB Memorandum Circular No. 2012-01, na naglalayong matiyak ang road transport safety sa pamamagitan ng pagsunod sa labor standards at franchise regulation.

 

Ang memorandum circular ay nag-aatas sa mga PUB na magsumite ng Labor Standards Compliance Certificate na inisyu ng DOLE bilang requirement upang mabigyan sila o para sa renewal ng kanilang Certificate of Public Convenience.

 

Isinasaad rin dito na sa oras na mabigo ang mga ito sa nasabing mga requirement ay maaari silang patawan ng cancellation o revocation ng kanilang CPC.

 

Samantala, inatasan na rin ni Secretary Bello ang Bureau of Working Conditions na i-monitor at ipatupad ang lahat ng labor laws at standards na isinasaad sa ilalim ng D.O. 118-12.

 

END/NWPC/aldm/ Paul Ang

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo