DOLE to monitor compliance on fixed salaries for bus drivers, conductors

Date Posted: October 5th, 2018 08:31 AM

News Release
Department of Labor and Employment
5 October 2018

DOLE to monitor compliance on fixed salaries for bus drivers, conductors

 

The labor department reiterated its order for bus operators to provide fixed and performance-based salaries, as well as better conditions at work, to drivers and conductors.

 

Bureau of Working Conditions (BWC) Director Teresita Cucueco said the DOLE Department Order No. 118-12, series of 2012, which established the rules and regulations governing the employment and working conditions of drivers and conductors in the public utility bus transport industry, must be strictly enforced and monitored.

 

“The department order ensures income security for the bus drivers and conductors, as well as improves the working conditions in the bus transport sector. We will continue our monitoring on the implementation and compliance, as mandated,” Cucueco said.

 

The BWC Director also said that the department order reduces the risk-taking behavior of drivers with a purely commission-based system, as they are provided with secured income, social benefits, as well as safety and health measures at work.

 

Based on the D.O, the fixed wage component shall be an amount mutually-agreed upon by the owners or operators and the drivers and conductors which should not be lower than the applicable minimum wage.

 

The performance-based wage component, on the other hand, shall consider business performance, which includes revenue or ridership and safety performance, taking into consideration the safety records, such as incidence of road accidents and traffic violations.
 

The Supreme Court on September 27, 2018, dismissed the petition of the bus operator groups that questioned the DOLE order, stating that it violated their constitutional rights as public utility bus operators to due process, equal protection, and non-impairment of obligation of contracts.

 

“The Department Order No. 118-12 and Memorandum Circular No. 2012-001 are in the nature of social legislation to enhance the economic status of bus drivers and conductors, and to promote the general welfare of the riding public. They are reasonable and are not violative of due process,” as stated in the decision of the SC.

 

END/Abegail De Vega

 

==================================================

 

DOLE babantayan pagpapatupad sa fixed salary ng bus driver, konduktor

 

Muling pinaalala ng labor department sa mga bus operator ang pagbibigay sa mga driver at konduktor ng fixed at performance-based salary, gayundin ang maayos na kondisyon sa paggawa.

 

Ayon kay Bureau of Working Conditions (BWC) Director Teresita Cucueco, mahigpit na babantayan ang pagpapatupad ng DOLE Department Order No. 118-12, series of 2012, na nagtatakda sa patakaran at regulasyon sa pag-empleo at kondisyon sa paggawa ng driver at konduktor ng mga pampublikong bus.

 

“Tinitiyak ng department order ang kasiguruhan sa kita ng bus driver at konduktor, gayundin ang maayos na kondisyon sa paggawa sa bus transport sector. Patuloy kaming magbabantay sa pagtupad at pagsunod, ayon sa mandato,” ani Cucueco.

 

Sinabi ng BWC Director na sa pamamagitan ng department order, mababawasan ang buwis-buhay na ugali ng mga driver na tumatanggap ng batay sa commission-based system, dahil makakatanggap na sila ng tiyak na sahod, benepisyong-pangkagalingan, gayundin ang pagkakaroon ng ligtas at malusog na pamamaraan sa paggawa.

 

Batay sa D.O., ang fixed wage component ay ang halaga na parehong sinang-ayunan ng may-ari o operator at ng driver at konduktor na hindi dapat bababa sa kasalukuyang minimum na sahod.

 

Sa kabilang banda, bibigyan ng konsiderasyon sa performance-based wage component ang kanilang business performance, kasama dito ang kita o bilang ng mananakay at ligtas na pagtatrabaho, kabilang dito ang kanilang safety record, tulad ng bilang ng aksidente sa kalsada at paglabag sa batas-trapiko.

 

Dinismis ng Supreme Court noong Setyembre 27, 2018 ang petisyon ng grupo ng bus operator na nagpahayag na nilabag ng DOLE order ang kanilang karapatan-konstitusyonal bilang public utility bus operator na sumailalim sa due process, patas na proteksiyon at non-impairment of obligation of contracts.

 

“Ang Department Order No. 118-12 at Memorandum Circular No. 2012-001 ay maituturing na batas-panlipunan na naglalayong itaas ang ekonomikong kalagayan ng bus driver at konduktor, at itaguyod ang panlahatang kagalingan ng publikong mananakay. Ito ay makatuwiran at hindi pagsuway sa due process,” nakasaad sa desisyon ng SC.

 

 END/Abegail De Vega/gmea

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo