Emergency employment set for landslide victims in Naga

Date Posted: September 29th, 2018 01:39 AM

News Release

Department of Labor and Employment

29 September 2018

 

Emergency employment set for landslide victims in Naga

 

The Department of Labor and Employment (DOLE-7) and the local government of Naga City are finalizing mechanisms for the provision of emergency employment for workers affected by the massive landslide last week.

 

DOLE-Cebu Provincial Field Office Head, Maria Grace Diaz, said details are being laid out with representatives of the City’s Public Employment Service Office and City Social Welfare and Development Office for the assistance to be given to the workers under the Emergency Employment Program or Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

 

“We are now actively coordinating with the PESO and the CSWDO in the City for the profiling of affected workers in the six barangays declared under the state of calamity,” Diaz said.

 

The profiling, she added, is expected to cover individuals and families residing in barangays Tina-an, Naalad, Mainit, Pangdan, Cabungahan, and Inoburan.

 

Tina-an and Naalad, the barangays hardest-hit by the landslide registered dozens of homes buried killing more than sixty people while dozens still remained missing. DOLE-7 Regional Director Atty. Johnson G. Cañete said the two barangays will be prioritized for assistance.

 

“We will be sourcing out the profile of affected individuals and families from the Provincial Social Welfare and Development Office to avoid duplication of entries or names. From there, we will be identifying affected workers, of course with the help of the PESO of the City of Naga,” said Cañete.

 

Naga-PESO Manager, Arlene Aliganga, is also one of the affected individuals in Barangay Pangdan, who left their homes after the tragedy.

 

Cañete said that there is going to be one member per household, who can avail the emergency employment.

 

Beneficiaries will render work for 30 days at a daily wage rate of P386. They will also be enrolled in a group micro-insurance for one year under the Government Service Insurance System. Personal Protective Equipment in the form of TUPAD shirts would also be provided.

 

“Workers could render work at the designated evacuation centers where hundreds of families are sheltered or may help pack relief goods as option. We are awaiting the official list from the Provincial Social Welfare and Development Office. Once it’s made available, then we will commence TUPAD,” Canete said.

 

END/LSenarlo-Taniza

 

=================================================

 

Emergency employment inihahanda para sa biktima ng landslide sa Naga

  

Isinasapinal na ng Department of Labor and Employment (DOLE-7) at ng lokal na pamahalaan ng Naga City, Cebu ang mga mekanismo para sa pagbibigay ng emergency employment sa mga manggagawang naapektuhan ng matinding pagguho noong nakaraang linggo.

 

Sinabi ni DOLE-Cebu Provincial Field Office (CPFO) Head Maria Grace Diaz na inilatag na ang detalye sa mga kinatawan ng Public Employment Service Office (PESO) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mga tulong na ibibigay sa mga manggagawa sa ilalim ng Emergency Employment Program or Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

 

“Nakikipag-ugnayan na kami sa PESO at sa CSWDO ng siyudad para sa profiling ng mga apektadong manggagawa sa anim na barangay na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity,” ani Diaz.

 

Kanyang idinagdag na ang profiling ay inaasahang masasakop ang mga indibidwal at pamilyang naninirahan sa barangay ng Tina-an, Naalad, Mainit, Pangdan, Cabungahan, at Inoburan.

 

Matinding naapektuhan ng landslide ang barangay ng Tina-an at Naalad, kung saan naitala ang dosenang tahanang natabunan na ikinasawi ng higit 60 katao habang mahigit isang dosena ang nananatiling nawawala. Sinabi ni DOLE-7 Regional Director Atty. Johnson Cañete na bibigyang-prayoridad sa pagbibigay ng tulong ang dalawang barangay.

 

“Kukuha kami ng profile ng mga apektadong indibidwal at pamilya mula sa Provincial Social Welfare and Development Office upang maiwasan ang doble-dobleng paglilista ng pangalan. Mula dito, aming kikilanin ang mga apektadong manggagawa, sa tulong ng PESO ng Naga City,” ani Cañete.

 

Isa sa mga apektadong indbidwal ang Naga-PESO Manager na si Arlene Aliganga ng Barangay Pangdan, na nilisan ang kanyang tahanan matapos ang trahedya.

 

Sinabi ni Cañete na may isang miyembro kada pamilya ang maaaring tumanggap ng emergency employment.

 

Magtatrabaho ang mga benepisaryo sa loob ng 30 araw at may arawang sahod na P386. Magiging kasapi rin sila sa group micro-insurance sa loob ng isang taon sa ilalim ng Government Service Insurance System. Makatatanggap din sila ng TUPAD shirt bilang Personal Protective Equipment.  

 

“Maaaring magtrabaho ang manggagawa sa itinalagang evacuation center kung saan daang pamilya ang pansamantalang naninirahan o tumulong sa pag-iimpake ng relief good. Hinihintay pa namin ang official list mula sa Provincial Social Welfare and Development Office. Kapag ito ay natanggap na namin, agad naming ipatutupad ang TUPAD,” ani Canete.

 

END/LSenarlo-Taniza/gmea

 

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo