Deployment ban to Micronesia lifted; total ban in Libya

Date Posted: September 27th, 2018 09:54 AM

News Release
Department of Labor and Employment
27 September 2018

Deployment ban to Micronesia lifted; total ban in Libya 


The Department of Labor and Employment on Thursday lifted the ban on the deployment of overseas Filipino workers (OFW) to the Federated States of Micronesia.

 

At the same time, Labor Secretary Silvestre Bello III announced that the governing board of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) is set to approve a resolution imposing a total deployment ban to Libya. Bello sits as chair of the POEA board.

Bello said POEA Governing Board Resolution No. 5-A, series of 2018 lifted the deployment ban in Micronesia upon the recommendation of the Department of Foreign Affairs (DFA).

“On the basis and recommendation of the DFA, the governing board of the POEA issued a resolution lifting the deployment ban in the Federated States of Micronesia,” the labor chief said in a press conference.

Earlier, a deployment ban in Micronesia was issued by POEA following reports of alleged abuse and maltreatment on Filipino migrant workers in the Chuuk State Hospital.

In an earlier advisory, the POEA warned the public in accepting job offers from the island nation due to reports of illegal recruitment.

The total deployment ban to Libya, meanwhile, was an offshoot of the Alert Level 3 raised by the DFA due to the escalation of violence in the Arab state.

“If there is an Alert Level 3 from the DFA, an automatic deployment ban is imposed. If we will allow the OFWs to leave, we will just be exposing them to danger,” Undersecretary Jacinto Paras said.

Paras meantime urged OFWs stranded in Libya who wish to come home and be repatriated back to the Philippines to immediately seek assistance from the Philippine Overseas Labor Office (POLO) or with the officers from the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

#Paul Ang

 

==================================================

 

Deployment ban sa Micronesia inalis; total ban ikinasa sa Libya

 

Inalis na ng Department of Labor and Employment ang ban para sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Federated States of Micronesia.

 

Kasabay nito, inanunsyo rin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nakatakdang aprubahan ang resolusyon na magpapatupad naman ng total deployment ban sa Libya. Si Bello ay tumatayo rin na chairperson ng POEA board.

 

Sinabi ni Bello na sa pamamagitan ng Governing Resolution No. 5-A, series of 2018, ang deployment ban sa Micronesia ay inalis na kasunod ng rekomendasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

“Dahil sa rekomendasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang governing board ng POEA ay naglabas ng resolusyon na nag-aalis sa deployment ban sa Federated States of Micronesia,” ani Bello sa isang press conference.

 

Magugunitang naglabas ang POEA ng deployment ban sa Micronesia kasunod ng mga ulat ng umano’y pang-aabuso at pangmamaltrato sa mga Pilipinong migranteng manggagawa sa Chuuk State Hospital.

 

Sa naunang abiso, pinaaalalahanan ng POEA ang publiko na maging mapanuri at mag-ingat sa pagtanggap ng mga trabaho mula sa Micronesia bunsod ng ulat ng illegal recruitment.

 

Sa kabilang dako, ang total deployment ban sa Libya ay alinsunod sa pagtataas sa Alert Level 3 ng DFA dahil sa tumitinding kaguluhan sa Arab state.

 

“Kung mayroon ng Alert Level 3 mula sa DFA, automatic na may deployment ban. Kung papayagan natin ang mga OFWs na makaalis ng bansa, lalo lamang silang malalagay sa kapahamakan,” sabi ni Undersecretary Jacinto Paras.

 

Samantala, hinikayat ni Undersecretary Paras ang mga OFW na stranded sa Libya at nais nang umuwi o ma-repatriate sa Pilipinas na agad na makipag-ugnayan at humingi ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) o sa mga kawani ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

#Paul Ang

 

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo