DOLE to investigate illegal alien workers

Date Posted: September 27th, 2018 09:53 AM

News Release
Department of Labor and Employment
27 September 2018
 

 

DOLE to investigate illegal alien workers

 

The labor department is alarmed with the possibility of a significant number of illegal foreign nationals working inside the country, considering that it issued Alien Employment Permit (AEP) to only 115,000 foreigners.

 

Senate Minority Leader Franklin Drilon has claimed there are around 400,000 foreigners working in Metro Manila.

 

“DOLE is bothered by the report of increasing number of foreign workers in the country. Whether it is true or not, the only thing we are certain is that there are only around 115,000 foreign workers with Alien Employment Permit issued by DOLE regional directors,” Bello said.

 

The labor chief said that DOLE is strengthening its AEP enforcement mechanism through inspections at workplace levels to check on the illegals, as well as validate the issuance of work permits to foreign workers.

 

“Maybe the other foreign nationals working might not have valid alien permits. DOLE checks on the illegals and further validates the issuance of AEPs to the foreign workers, to check the nature of their work, particularly if the field of expertise can be done by a Filipino,” Bello said.

 

Bello also clarified that DOLE is not the only permit-issuing agency that allows foreign nationals to work in the country.

 

Other agencies that issue working permit to foreign workers include the Department of Environment and Natural Resources (DENR) for geoscience and mining industry; the Professional Regulation Commission (PRC) for the practice of regulated professions; the Department of Justice for nationalized or partially nationalized industries; and the Bureau of Immigration, for the pre-arranged employment visa or 9G.

 

Based on the latest data of the Bureau of Local Employment, there are 115,652 foreign nationals that were issued with AEP, of which 51,980 are Chinese, while 12, 177 Japanese and 11,780 Korean for a three-year period from 2015 to 2017.

 

END/Abegail De Vega

 

==================================================================

 

Iligal na banyagang manggagawa, iimbestigahan ng DOLE

                                                                                                                             

Naaalarma ang labor department sa posibilidad na malaking bilang ng mga iligal na banyagang manggagawa ang nagtatrabaho sa bansa, kung isasaalang-alang na 115,000 banyaga lamang ang naisyuhan ng Alien Employment Permit.

 

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tinatayang may 400,000 banyaga ang nagtatrabaho sa Metro Manila.

 

“Nababahala ang DOLE sa ulat na tumataas ang bilang ng banyagang manggagawa sa bansa. Totoo man ito o hindi, isang bagay lamang ang natitiyak namin na 115,000 manggagawang banyaga lamang ang mayroong Alien Employment Permit na inisyu ng DOLE regional directors,” ani Bello.

 

Sinabi ng kalihim na pinalalakas ng DOLE ang mekanismo sa pagbibigay ng AEP sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksiyon sa lugar-paggawa upang tingnan kung may mga iligal na manggagawa, at beripikahin ang pag-iisyu ng permit sa mga banyagang manggagawa.

 

“Maaaring hindi balido ang alien permit ng ibang banyagang nagtatrabaho. Titingnan ng DOLE ang mga iligal at beberipikahin ang mga inisyung AEP sa mga banyagang manggagawa, upang tingnan ang klase ng kanilang trabaho, partikular kung ang kanilang kadalubhasaan ay kayang gawin ng Filipino,” ani Bello.

 

Nilinaw din ni Bello na hindi lamang ang DOLE ang ahensiyang nag-iisyu ng permit upang payagan ang mga banyaga na magtrabaho sa bansa.

 

Kabilang sa mga ahensiya na nag-iisyu ng working permit sa mga banyagang manggagawa ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa geoscience and mining industry; ang Professional Regulation Commission (PRC) para sa mga regulated professions; ang Department of Justice para sa mga nationalized o partially nationalized industries; at ang Bureau of Immigration, para sa pre-arranged employment visa o 9G.

 

Batay sa pinakahuling datos ng Bueau of Local Employment, tinatayang may 115,652 banyaga ang naisyuhan ng AEP, 51,980 sa mga ito ay Chinese, samantalang 12,177 ang Japanese at 11,780 Korean para sa tatlong-taong panahon mula 2015 hanggang 2017.

 

END/Abegail De Vega/gmea

 
    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo