No funds mishandling -- DOLE

Date Posted: September 27th, 2018 07:12 AM

News Release
Department of Labor and Employment
27 September 2018

 

No funds mishandling -- DOLE

 

The labor department took exception to reports of alleged incompetence of officials in handling vital emergency employment programs.

 

DOLE’s Finance Management Service said the office “complies with generally accepted budgeting, accounting and auditing rules and regulations in disbursing government funds.”

 

The FMS was referring to reports that DOLE deprived thousands of working students P32.3 million in stipends under the Special Program for the Employment of Students (SPES). The same report said there was non-utilization of P815.142 million of the project’s funds in 2017.

 

“May we respectfully state that the DOLE did not deprive thousands of working students P32.3 million in stipends under SPES. What the COA reported was P32.3 million unclaimed stipends representing payment of the 40% counterpart by the DOLE,” FMS Director Warren Miclat said.

 

The Bureau of Local Employment (BLE) is reviewing the process cycle time and engages the services of remittance centers to facilitate and fast track payment of the students’ stipends.

 

On the alleged P815.142 million unutilized funds, Miclat said the amount pertains to the unutilized cash transferred to the regional offices transferred earlier in the year. The corresponding cash to support the transferred allotment or funds were based on the Monthly Cash Disbursement Program which the ROs prepared and submitted to the Central Office, he also said.

 

“We also took notice of regional offices with huge amount of cash, thus, there were instances when we did not transfer cash to them to prevent the underutilization of the same,” Miclat said.

 

He added that there are instances when the transfer is made based on the request of the regions.

 

Any unutilized automatically revert back to the Bureau of the Treasury (BTr). This is the reason why the DOLE-CO released the cash on a monthly or quarterly basis.

 

“We strongly disagree with the reports saying DOLE mishandled P815 million in funding. In the use of funds, we adhere to the policy of the State that all resources of the government shall be managed, expended or utilized in accordance with law and regulations, and safeguarded against loss or wastage through illegal or improper disposition, with a view to ensuring efficiency, economy and effectiveness of the operations of the government,” Miclat said. -- ###

 

===========================================================
 

 

Hindi ginamit sa mali ang pondo – DOLE

 

Itinanggi ng labor department ang ulat sa umanoý katiwalian ng mga opisyal sa paghawak sa emergency employment program.

 

Sinabi ng DOLE-Financial Management Service na sinunod ng tanggapan ang “generally accepted budgeting, accounting and auditing rules and regulations in disbursing government funds.”

 

Tinukoy ng FMS ang ulat na pinagkaitan ng DOLE ang libong working students ng P32.3 milyong halaga ng pasahod sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES).  Nakasaad din sa parehong ulat na hindi ginamit ang P815.142 milyong pondo ng proyekto para sa 2017.

 

“Nais po naming ipahayag na hindi po pinagkaitan ng DOLE ang libong working students ng P32.3 milyong halaga ng pasahod sa ilalim ng SPES.  Ang inulat po ng COA na P32.3 milyon na hind natanggap na pasahod ay kumakatawan sa 40% bilang bahagi ng DOLE,” ani FMs Director Warren Miclat.

 

Pinag-aaralan ng Bureau of Local Employment ang proseso at kinuha ang serbisyo ng remittance center upang gawing mabilis ang pagbabayad ng pasahod sa mga estudyante.

 

Sa umano’y P815.142 milyong pondo na hindi nagamit, sinabi ni Miclat na ang halaga ay tumutugon sa unutilized cash na ipinadala sa regional office nitong unang bahagi ng taon. Ang nasabing halaga ay tumutugon sa pondo batay sa Monthly Cash Disbursement Program ng mga Regional Office na kanilang isinumite sa Central Office, aniya.

 

“Binibigyang-pansin din namin ang mga regional office na may malaking halaga ng cash, at dahil dito, may mga pagkakataon na hindi kami nagpapadala sa kanila ng pondo upang maiwasan ang mababang paggamit nito,” ani Miclat.

 

Kanyang idinagdag na may mga pagkakataon na ang paglipat ng pondo ay batay sa kahilingan ng region.

 

Ang anumang pondo na hindi nagamit ay agad na ibinabalik sa Bureau of the Treasury (BTr). Ito ang dahilan kung bakit ang DOLE ay nagpapadala ng pondo kada buwan o kada tatlong buwan.

 

“Mariin naming itinatanggi ang mga ulat na nagsasabing hindi ginamit ng tama ang P815 milyong pondo ng DOLE. Sa paggamit ng pondo, sinusunod namin ang patakaran na ang lahat ng resources ng pamahalaan ay dapat pangasiwaan, gugulin, o gamitin ng naaayon sa batas at regulasyon, at pangalagaan ito upang huwag mawala o masayang sa pamamagitan ng maling paggamit, at  tiyakin na maayos, mabisa at matipid ang pangangasiwa nito ng pamahalaan,” ani Miclat.

 

END/FMS/gmea

 

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo