Ethical recruitment vital to safe labor migration – DOLE

Date Posted: September 25th, 2018 04:09 AM

News Release
Department of Labor and Employment
25 September 2018

Ethical recruitment vital to safe labor migration – DOLE


The labor department has emphasized the significance of upholding responsible business conduct for safe labor migration through ethical recruitment.

 

Undersecretary Claro Arellano said labor migration is a serious business that requires constructive cooperation of all stakeholders involved in the cycle of migration.

 

Addressing the Regional Multi-Stakeholders Forum on responsible Business Conduct for Safe Labour Migration in ASEAN, Arellano said, the promotion of ethical recruitment is among the key contributors to a safe migration to further safeguard migrant workers’ interests and protect them from any abuse, exploitation, and violence.

 

“We must guarantee the protection and promotion of the rights and welfare of migrant workers at every stage of the migration cycle – from recruitment to deployment to reintegration. With a strong partnership, we could ultimately strive on promoting decent jobs and address the issue of human trafficking for labor exploitation,” Arellano said.

 

Ethical recruitment contributes to the effective implementation of the Global Compact for Safe, Orderly, and Regular Migration (GCM), which is a framework for comprehensive cooperation on the strong protection of migrants.

 

The Philippines is among the major labor-sending countries with an estimate of 5.5 million labor migrants overseas. Based on the POEA report on annual deployment of overseas Filipino workers in 2016, Philippines deploys a daily average of 5,787 workers worldwide, which breached the 2 million-mark since 2015.

 

On the negotiations on GCM, DOLE proposed to specify domestic workers/household service workers as one of the vulnerable groups in labor migration framework, in light of the rampant cases of maltreatment and abuse on Filipino workers.

 

GCM, which will be adopted by the UN Member States this September, is an international framework that aims to ensure the safety, dignity, and human rights of migrants, regardless of their gender or migratory status at all times.

 

The said initiatives are all anchored to the strengthened partnerships of the ASEAN member states on the implementation of the ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers, which was a historic consensus signed under the Philippines’ Chairmanship of 31st ASEAN Summit.

 

END/ Abegail De Vega

 

===================================================

 

Wastong recruitment, kailangan para sa ligtas na ‘labor migration’ - DOLE

 

Binigyang diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kahalagahan ng mga wastong gawain sa negosyo para sa ligtas na labor migration sa pamamagitan ng ‘ethical recruitment.’

 

Ayon kay Undersecretary Claro Arellano, ang labor migration ay isang seryosong gawain na nangangailalngan ng pagtutulungan ng lahat ng mga stakeholder na kasama sa proseso ng migrasyon.

 

Sa ginanap na Regional Multi-Stakeholders Forum para sa responsableng Business Conduct para sa Safe Labour Migration sa ASEAN, sinabi ni Arellano na ang pagsusulong ng ethical recruitment ay isa lamang sa susi para sa ligtas na migrasyon upang higit na mabantayan ang seguridad, interes, at proteksyon mula sa pang-aabuso o eksploytasyon sa mga migranteng manggagawa.

 

“Kailangan nating matiyak ang proteksyon at promosyon ng karapatan at kapakanan ng mga migranteng manggagawa sa bawat yugto ng proseso ng migrasyon – mula sa recruitment, patungo sa deployment hanggang sa kanilang reintegration. Sa pamamagitan ng pinalakas na pagtutulungan, makakamit natin ang adhikaing magkaroon ng disenteng trabaho at malutas ang isyu ng human trafficking at labor exploitation,” wika ni Arellano.

 

Malaki ang ambag ng ethical recruitment sa epektibong implementasyon ng Global Compact for Safe, Orderly, and Regular Migration (GCM), na isang balangkas para sa komprehensibong kooperasyon upang palakasin ang proteksyon ng mga migranteng manggagawa.

 

Ang Pilipinas ay isa sa major labor-sending country na may tinatayang 5.5 milyong migranteng manggagawa sa ibang bansa. Batay sa ulat ng POEA sa annual deployment of overseas Filipino workers noong 2016, Ang Pilipinas ay nakapagpadala ng daily average na 5,787 manggagawa sa ibang bansa sa buong mundo, kung saan nalagpasan pa ang dalawang milyong marka noong 2015.

 

Sa negosasyon sa GCM, ipinanukala ng DOLE na tukuyin ang mga domestic workers/household service workers bilang isa sa mga vulnerable group sa labor migration framework kasunod ng mga napapabalitang kaso ng maltreatment o pang-aabuso sa mga Pilipinong manggagawa.

 

Ang GCM, na gagamitin rin ng UN Member States sa Setyembre, ay isang international framework na may layong matiyak ang kaligtasan, dignidad, at human rights ng mga migrante, sa kabila ng kanilang kasarian o migratory status sa lahat ng pagkakataon.

 

Ang nasabing inisyatibo ay nakabatay upang mapalakas ang pagtutulungan ng mga ASEAN member states sa pagpapatupad ng ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers, na isang makasaysayang consensus na nilagdaaan sa ilalim ng Chairmanship ng Pilipinas sa ika-31 ASEAN Summit.

 

END/ Abegail De Vega/ Paul Ang

 


 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo