ECC bags ASEAN strategic communication award

Date Posted: September 23rd, 2018 06:19 AM

News Release
Department of Labor and Employment
23 September 2018

ECC bags ASEAN strategic communication award


For its intensive and innovative information campaign on the Filipino workers’ rights, the Employees Compensation Commission (ECC) bagged the strategic communication award at the 35th ASEAN Social Security Association (ASSA) conference and board meeting in Nha Trang, the resort city of Khanh Hoa Province in Vietnam.

With the theme, “Challenges and Opportunities of ASEAN social security institutions in the context of the 4th Industrial Revolution and Free Flow of Labour”, the event gathered all social institutions across South East Asia to promote regional cooperation in all areas of social security activities and maximize all efforts to achieve progressive and sustainable social security protection within the region.

The award is in recognition of the ECC’s commendable efforts in keeping all Filipino workers informed of their rights, benefits and privileges under the Employees’ Compensation Program (ECP) thru an intensive and innovative information campaign.

The ECC, represented by ECC Chairperson-Alternate and DOLE Undersecretary Jacinto Paras and ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis received the award from Dr. Suradej Waleeitikul, ASSA Chairman.

The event, which runs from September 17-21, also coincides with the celebration of the 20th year of the ASSA’s establishment.

“The ECC will continue to step up its program implementation and awareness campaign to reach and assist more Filipino workers thru instituting a rock solid multimedia strategy. This award will serve as a reminder for us to continually serve the public with utmost sincerity and efficiency,” said Executive Director Banawis after receiving the award.
ECC is an attached agency of DOLE which provides a package of benefits for public and private sector employees and their dependents for work-related sickness, injury, disability or death.

The event was also attended by other ASSA member-institutions from the Philippines namely, the Government Service Insurance System (GSIS) and the Philippine Health Insurance Corporation.

The ASSA was established in 1998 following the signing of a Memorandum of Agreement in Bangkok, Thailand on February 1998 involving heads of social security institutions from five countries – the Philippines, Indonesia, Malaysia, Singapore and Thailand. It was formed to set-up regional cooperation for social security development, to provide a forum for member institutions to exchange views and experiences on social security issues. The ASSA has been the premier association for regional social security cooperation in the ASEAN region. As of today, the ASSA has 20 member institutions from 10 ASEAN countries. # # #

 

====================================================

ECC tumanggap ng parangal para sa ASEAN strategic communication

 

Dahil sa kanilang puspusan at makabagong pamamaraan ng pagpapalaganap ng impormasyon para sa karapatan ng manggagawang Filipino, tumanggap ang Employees Compensation Commission ng parangal para sa strategic communication sa ginanap na 35th ASEAN Social Security Association (ASSA) conference and board meeting sa Nha Trang, Khanh Hoa Province, Vietnam.

 

Sa temang “Challenges and Opportunities of ASEAN social institutions in the context of the 4th Industrial Revolution and Free Flow of Labour,” nagsama-sama sa nasabing okasyon ang lahat ng social institution sa South East Asia upang itaguyod ang regional cooperation sa lahat ng gawain ukol sa social security para makamit ang pag-unlad at pagpapanatili ng social security protection sa rehiyon.

 

Ang parangal ay bilang pagkilala sa pagpupunyagi ng ECC na maipaabot sa mga Filipinong manggagawa ang lahat ng impormasyon para sa kanilang karapatan, benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng Employees Compensation Program (ECP) sa pamamagitan ng puspusan at makabagong paraan ng pagpapalaganap ng impormasyon.

 

Tinanggap ng ECC ang parangal, sa pangunguna ni ECC Chairperson-Alternate at DOLE Undersecretary Jacinto Paras at ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis, mula kay Dr. Suradej Waleeitikul, ASSA Chairman.

 

Kasabay din ng nasabing okasyon, na ginanap mula Setyembre 17-21, ang pagdiriwang ng ika-20 taong pagkakatatag ng ASSA.

 

“Ipagpapatuloy ng ECC ang pagpapatupad ng mga progama at pagpapalaganap ng impormasyon para mas maraming Filipino ang matulungan, sa pamamagitan ng paggamit ng multimedia strategy. Ang parangal na ito ay magsisilbing paalala sa amin para maging matapat at maayos ang aming paglilingkod sa publiko,”ani Executive Director Banawis matapos tanggapin ang parangal.

 

Ang ECC, isang ahensiya sa ilalim ng DOLE, ang nagbibigay ng benepisyo sa manggagawa sa publiko at pribadong sektor at sa kanilang pamilya para sa mga pagkakasakit, pinsala, pagkabalda o pagkasawi dulot ng kanilang trabaho.

 

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang iba pang ASSA member-institution mula sa Pilipinas, partikular ang Government Service Insurance System (GSIS) at ang Philippine Health Insurance Corporation.

 

Itinatag ang ASSA noong 1998 matapos lagdaan ng mga pinuno ng social security institution ang Memorandum of Agreement sa Bangkok, Thailand noong Pebrero 1988 mula sa limang bansa – Philippines, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand. Ito ay binuo para maitatag ang regional cooperation sa social security development upang maging daan para sa mga member-institution na magpalitan ng kaalaman at karanasan sa mga usapin ukol sa social security. Ang ASSA ang pangunahing institusyon para sa regional social security cooperation sa ASEAN region. Sa ngayon, ang ASSA ay may 20 member-institution mula sa 10 bansa sa ASEAN.

 

END/ECC/gmea

 

 

 

 


 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo