DOLE clarifies issue on use of 2017 funds

Date Posted: September 20th, 2018 06:29 AM

News Release
Department of Labor and Employment
20 September 2018

 

DOLE clarifies issue on use of 2017 funds

 

The labor department has clarified that it has not accused any member of Congress of grandstanding when some of its members sought enlightenment on the use of its funds in 2017 during its budget hearing last month.

 

DOLE at the same time made it clear that everything in the department’s budget is well accounted for as contained in the Consolidated Annual Audit Report (CAAR) issued by the Commission on Audit (COA).

 

Some congressmen raised concerns that P1.9 billion or 75 percent of the department’s budget was used for administrative cost and only 25 percent was utilized for programs and projects intended for the beneficiaries.

 

DOLE Financial and Management Service (FMS) Director Warren Miclat explained that the congressmen may have referred to the matrix per item 1.4, page 68 of the CAAR, stating that 25 percent of the budget was allotted to the implementation of the program and 75 percent for the administrative cost, which is the report on the Notice of Transfer of Allocation.

 

COA was referring to the Notice of Transfer of Allocation (NTA) or cash which were only transferred to the regional offices.

 

“NTA per se cannot be used as basis in saying that only 25 percent of the budget for assistance was used for projects or that 75 percent of the budget was used for the administrative expenses,” Miclat added.

 

Meanwhile, DOLE publicly released its records on the utilization of its budget in 2017, wherein P2.458 billion was allotted for the implementation of its projects and programs, such as the Government Internship Program (GIP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD), JobStart, K to 12 DOLE Adjustment Measures Program and other livelihood programs intended for the benefit of workers and their families.

 

On the other hand, only P111.2 million was allotted for the administrative costs of the department, including its other operating expenses. END/ Abegail De Vega

 

=====================================================

 

 Isyu sa paggamit ng 2017 na pondo, nilinaw ng DOLE

 

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi nito inakusahan ang sinumang miyembro ng Kongreso ng ‘grandstanding’ kasabay ng pagnanais ng ilang kinatawan ng kaliwanagan kaugnay sa paggamit sa pondo nito noong taong 2017 sa ginanap na budget hearing noong nakaraang buwan.

 

Kasabay nito, nilinaw rin ng DOLE, na lahat ng pondo ng kagawaran ay ginagamit sa tamang proseso na nakapaloob sa Consolidated Annual Audit Report (CAAR) na inisyu ng Commission on Audit (COA).

 

Nagpahayag ng kanilang saloobin ang ilang kongresista kaugnay sa P1.9 billion o 75 porsiyentong pondo ng kagawaran na ginamit para sa administrative cost habang 25 porsiyento lamang ang inilaan para sa mga programa at proyekto para sa mga benepisyaryo.

 

Paliwanag ni DOLE Financial and Management Service (FMS) Director Warren Miclat, maaaring ang tinutukoy lamang ng mga kongresista ay ang ‘matrix per item 1.4, page 68 of the CAAR,’ na nagsasaad ng 25 porsiyento lamang ng pondo ay inilaan para sa implementasyon ng mga programa habang ang 75 porsiyento ay para sa ‘administrative cost,’ na nakasaad sa ulat ng ‘Notice of Transfer of Allocation.’

 

Tinutukoy ng COA ang ‘Notice of Transfer of Allocation (NTA)’ o ang halaga ng siyang ibinahagi para sa mga regional offices.

 

“Ang NTA per se ay hindi maaaring gamiting basehan para masabi na 25 porsiyento lamang ng pondo ang ginamit para magbahagi ng tulong para sa mga proyekto o 75 porsiyento lamang ang ginamit para sa administrative expenses,” dagdag pa ni Miclat.

 

Samantala, inilabas naman ng DOLE sa publiko ang tala ng paggamit ng pondo nito para sa taong 2017, kung saan P2.458 billion ay inilaan para sa implementasyon ng mga proyekto at programa tulad ng Government Internship Program (GIP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD), JobStart, K to 12 DOLE Adjustment Measures Program at iba pang livelihood program na may layong mabigyang tulong ang mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

 

Sa kabilang dako, P111.2 milyong piso lamang ang inilaan para sa ‘administrative cost’ ng kagawaran, kabilang ang iba pang gastusin para sa pagpapatakbo ng operasyon nito.

 

END/ Abegail De Vega/ Paul Ang

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo