DOLE supports telecommuting bill

Date Posted: September 20th, 2018 04:46 AM

News Release
Department of Labor and Employment
20 September 2018

DOLE supports telecommuting bill


With the rapid transformation of the world of work due to technological advancement, the labor department is urging other government agencies to support the passage of the telecommuting bill.

At the 2018 National Productivity Conference in Manila, the labor department has called on other government agencies to strengthen measures that would encourage workers and enterprises to take full advantage of the vast opportunities of rapid automation and digitalization, including enhancing access to new technologies.

Labor Secretary Silvestre Bello III, in his message read by Undersecretary Ciriaco Lagunzad III during the Conference, urged other government agencies to support the immediate passage of the telecommuting bill.

Anchoring on the theme 'People-Centric Technologies, Breakthrough Innovation for Productive MSMEs,’ the Secretary underscored the digital technology's influence on the alternative forms of work model shifting which is from the traditional and onsite locations to remote work sites.

“The DOLE is pushing for its immediate passage to ensure that notwithstanding the location of work, workers’ rights and welfare are protected, especially at the speed with which technological developments are taking shape,” Bello said.

Lagunzad, who is also the chairperson of the National Wages and Productivity Commission (NWPC), an attached agency of DOLE and lead organizer of the biennial conference, also emphasized the support of DOLE in the proposed bill that seeks to enhance protection for the workers engaged in telecommuting.

House Bill 7402, or the Telecommuting Act, and its counterpart measure, Senate Bill 1363 or the Telecommuting Act of 2017, are both geared towards enhancing the protection and promotion of workers’ rights and welfare engaged in telecommuting and other flexible work arrangements.

The productivity conference was aimed at driving the micro, small and medium enterprises (MSME) sector to increasingly adopt growth-accelerating technologies and innovation with the emergence of the 4th industrial revolution.

The event underscored the critical role of innovation, creativity, and breakthrough technologies as fundamental forces that will drive the sustainable growth and expansion of the country’s MSME sector. END/ Tim Laderas

 

======================================================

 

Telecommuting bill suportado ng DOLE

 

Dahil sa mabilis na pagbabago sa mundo ng paggawa dulot ng pag-unlad ng teknolohiya, hinihimok ng labor department ang ibang ahensiya na pamahalaan na suportahan ang pagpasa ng batas sa telecommuting.

 

Sa ginanap na 2018 National Productivity Conference sa Manila, nanawagan ang labor department sa iba pang ahensiya ng pamahalaan na palakasin ang mga pamamaraan na makahihikayat sa manggagawa at kompanya na samantalahin ang oportunidad dala ng automation at  digitalization, kabilang na rin ang paggamit ng mga bagong teknolohiya.

 

Sa mensahe ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na binasa ni Undersecretary Ciriaco Lagunzad III sa ginanap na Conference, hinimok niya ang iba pang ahensiya ng pamahalaan na suportahan ang agarang pagpasa ng batas sa telecommuting.

 

Batay sa temang 'People-Centric Technologies, Breakthrough Innovation for Productive MSMEs,’ binigyang-halaga ng Kalihim ang impluwensiya ng digital technology para sa alternatibong anyo ng work model mula sa traditional at onsite location tungo sa remote work sites. 

 

“Itinutulak ng DOLE ang agarang pagpasa ng batas upang matiyak na napoprotektahan ang karapatan at kapakanan ng manggagawa kahit saan pa man ang lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan, lalo na at mabilis ang pagbabago ng ating teknolohiya,” ani Bello.

 

Binigyang-diin din ni Lagunzad, na chairperson ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), isang attached agency sa ilalim ng DOLE at ang pangunahing nangangasiwa sa biennial conference, ang suporta ng DOLE sa iminumungkahing batas na naglalayong protektahan ang mga manggagawa sa telecommuting.

 

Ang House Bill 7402, o ang Telecommuting Act, at ang katuwang nitong panukalang-batas, Senate Bill 1363 o ang Telecommuting Act of 2017, ay parehong naglalayong palakasin ang proteksiyon at pagpapa-unlad ng karapatan at kapakanan ng manggagawa sa telecommuting at iba pang flexible work arrangement.

 

Nilalayon ng productivity conference na tulungan ang mga nasa sektor ng micro, small and medium enterprises (MSME) na makaagapay sa umuunlad na teknolohiya at sa pagdating ng 4th industrial revolution.

 

Binigyang-diin sa nasabing pagtitipon ang mahalagang papel ng mga makabagong teknolohiya na makakatulong para sa pag-unlad at paglawak ng sektor ng MSME ng bansa.

 

END/ Tim Laderas/gmea

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo