DOLE settles P1.4-M claims of 34 workers

Date Posted: September 20th, 2018 04:45 AM

News Release
Department of Labor and Employment
20 September 2018

DOLE settles P1.4-M claims of 34 workers


Through a series of mediation and conciliation conferences, the Department of Labor and Employment (DOLE) facilitated the resolution of labor disputes involving monetary benefits amounting P1.4 million for 34 workers.

Labor Undersecretary Joel Maglunsod said the effective implementation of the Labor Management Cooperation (LMC) program led to the early resolution of the disputes.

From the total benefits, 11 workers from Woodsgreen Inc., a clothing manufacturing company located at #45 J.P. Bautista Avenue, Samson Road, in Caloocan City have agreed to settle for the amount of P716,000.

On the other hand, a total of P665,651 were received by 23 workers from Wisebuy Shoppers Inc. also known as Alexis Marketing, a general merchandise company located in Unit 8 Tutuban Properties, CM. Recto Ave., Tondo, Manila.

Workers from both companies claimed that their employers have committed labor violations, such as underpayment of wages, non-payment of 13th-month pay, holiday pay, overtime pay, and night shift differential. They also said they did not receive their service incentive leave.

The workers have also submitted to the labor department their claimed computation of wages and other benefit deficiencies, while the management has considered and offered a counter-proposal to the workers.

After a series of mandatory conferences mediated by Atty. Amy Enriquez from the Office of Undersecretary Maglunsod, the workers from both companies agreed to accept the offer of the management as full settlement for their claims while each worker executed their respective quit claim and release.

The labor case of Alexis Marketing was settled on August 15, 2018, while that of Woodsgreen Inc. was resolved on September 11, 2018. #Paul Ang

 

=============================================================================

Labor case na P1.4-M ng 34 na manggagawa, naresolba ng DOLE

 

Sa pamamagitan ng serye ng mga mediation at conciliation conference, naresolba ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor dispute na may monetary benefit na aabot sa kabuuang P1.4 milyong piso para sa 34 na manggagawa. 

 

Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, ang epektibong pagpapatupad ng mga programa para sa Labor Management Cooperation (LMC) ang nagresulta sa agarang pagkakalutas ng mga kaso at hindi pagkakaunawaan.

 

Mula sa kabuuang benepisyo, 11 manggagawa mula sa Woodsgreen Inc., isang clothing manufacturing company na matatagpuan sa #45 J.P. Bautista Avenue, Samson Road, sa Caloocan City ang pumayag na bayaran ang P716,000 halaga ng mga benepisyo.

 

Sa kabilang dako, may kabuuang P665,651 naman ang natanggap ng 23 manggagawa mula sa Wisebuy Shoppers Inc. na kilala rin bilang Alexis Marketing, isang general merchandise company na matatagpuan sa Unit 8 Tutuban Properties, CM. Recto Ave., Tondo, Manila.

 

Ang mga manggagawa sa parehong kumpanya ay nagreklamo makaraang lumabag ang kanilang mga employer sa mga batas paggawa tulad ng underpayment ng suweldo, hindi pagbabayad ng 13th-month pay, holiday pay, overtime pay, at night shift differential. Hindi rin nakatatanggap ng kanilang service incentive leave ang mga manggagawa.

 

Nagsumite ang mga manggagawa sa labor department ng iginigiit nilang kompyutasyon ng kanilang suweldo at iba pang mga benepisyo, habang tinanggap ito ng employer at nag-alok ng kanilang counter-proposal para sa mga manggagawa.

 

Matapos ang serye ng mandatory conference sa tulong ni Atty. Amy Enriquez mula sa opisina ni Undersecretary Maglunsod, nagkasundo ang mga manggagawa na tanggapin na ang alok ng management bilang kabuuang kabayaran para sa kanilang reklamo habang bawat isang empleyado ay pumirma ng kanilang quit claim and release.

 

Ang labor case ng Alexis Marketing ay naresolba noong Agosto 15, 2018, habang ang sa Woodsgreen Inc. naman ay naayos noong Setyembre 11, 2018.

 

#Paul Ang

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo