DOLE to employers: Uphold PWD rights

Date Posted: September 17th, 2018 04:10 AM

News Release
Department of Labor and Employment
17 September 2018

 

DOLE to employers: Uphold PWD rights

 

All employees with disability are entitled to all rights and benefits granted under the Labor Code of the Philippines.

 

This was reiterated by Labor Secretary Silvestre Bello III when he issued Labor Advisory No. 14, series of 2018 which mandates employers to grant their qualified workers with disability the rights and privileges mandated by the Labor Code.

 

”All qualified employees with disability shall be entitled to all the rights and benefits granted under the Labor Code of the Philippines, as amended, unless otherwise expressly provided. Employers are not prohibited from granting such other benefits above and beyond the minimum requirements of the Law,” Bello said.

 

Workers with disabilities must also be mandatorily covered under the Social Security System, PhilHealth and Pag-IBIG, whenever applicable.

 

In addition to the service incentive leave under the Labor Code, as amended, PWD employees are also entitled to Maternity Leave (RA 1161, as amended by RA 8262), Paternity Leave (RA 8187), Solo Parent Leave (RA 8972), the Violence Against Women and their Children (VAWC) Leave (RA 9262),  and Special Leave for Women (RA 9710).

 

The Magna Carta for Disabled Persons, or Republic Act No. 7277 prescribes that “no disabled persons shall be denied access to opportunities for suitable employment, and that a qualified disabled employee shall be subject to the same terms and conditions of employment and the same compensation, privileges, benefits, fringe benefits, incentives or allowances as a qualified able-bodied person.”

 

The Implementing Rules and Regulations of RA 7277 mandates the Department of Labor and Employment, in coordination with the local government units, private corporations, and Public Employment Service Office, to facilitate access of PWDs to employment opportunities through the conduct of job fairs, career guidance, job coaching, and other employment facilitation services. 

 

# # #GSR

 

===================================================

 

DOLE sa mga employer: Igalang ang karapatan ng mga PWD

 

Lahat ng mga empleyado na mayroong kapansanan o persons with disability (PWD) ay mayroong karapatan sa lahat ng benepisyo na itinatakda sa ilalim ng Labor Code of the Philippines.

 

Ito ang binigyang pansin ni Labor Secretary Silvestre Bello III nang ilabas niya ang Labor Advisory No. 14, series of 2018 na nag-uutos sa mga employer na ibigay sa mga kuwalipikadong manggagawa na mayroong kapansanan ang kanilang mga karapatan at pribilehiyo sa ilalim ng Labor Code.

 

"Lahat ng kuwalipikadong manggagawa na may kapansanan ay may karapatang makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Labor Code. Ang mga employer ay hindi pinagbabawalan na magbigay ng anumang benepisyo na hihigit pa sa itinatakda ng batas,” wika ni Bello.

 

Ang mga manggagawa rin na may kapansanan ay dapat na saklaw ng Social Security System, PhilHealth at Pag-IBIG.  

 

Dagdag pa rito, liban pa sa service incentive leave sa ilalim ng Labor Code, ang mga PWD employee rin ay may karapatan sa Maternity Leave (RA 1161, as amended ng RA 8262), Paternity Leave (RA 8187), Solo Parent Leave (RA 8972), Violence Against Women and their Children (VAWC) Leave (RA 9262), at Special Leave for Women (RA 9710).

 

Ang Magna Carta para sa mga Disabled Persons, o Republic Act No. 7277 ay nagsasaad na “walang taong may kapansanan ang dapat na pagbawalan na mabigyan ng mga oportunidad sa maayos na trabaho, at ang mga kuwalipikadong manggagawa na may kapansanan ay dapat ring makatanggap ng parehong kondisyon sa trabaho, kompensasyon, pribilehiyo, mga benepisyo, incentive o allowance tulad ng sa mga walang kapansanang manggagawa.”

 

Ang Implementing Rules and Regulations ng RA 7277 ay nag-aatas sa Department of Labor and Employment, sa pakikipagtulungan sa mga local government units, pribadong korporasyon, at Public Employment Service Office, upang tulungan ang mga PWD sa mga oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga job fairs, career guidance, job coaching, at iba pang serbisyo sa employment facilitation.

 

#GSR/Paul Ang

 

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo