DOLE sets rules on training for care workers in Japan

Date Posted: September 6th, 2018 11:19 AM

News Release
Department of Labor and Employment
6 September 2018

DOLE sets rules on training for care workers in Japan


The Department of Labor and Employment (DOLE) has set the guidelines for accepting Filipino care workers for the Technical Intern Training program in Japan.

Department Order No. 188-B issued by Labor Secretary Silvestre Bello III also spells out the qualifications of applicants eligible under the Organization for Technical Intern Training Program of Japan in relation to the Technical Intern Training (TIT).

 

For care worker job category, those who will be accepted as care worker intern can be engaged in duties such as providing services under the Child Welfare law; law on Comprehensive Support for the Daily Lives and Social Lives of Persons with Disabilities; Elderly and Long-Term Care Insurance law; Public Assistance law; and other services, such as for community welfare center, work accident special nursing home business, hospitals, and clinics.

The trainee must be at least 18 years old, must have at least one (1) year work experience in the ‘Care Worker’ industry or in similar professions, whether abroad or locally, and must be a first-time participant of the program.

Should an applicant lack related work experience, he or she must have a Caregiving NC II Certification from TESDA – Accredited training center or a 4-year Bachelor’s Degree in healthcare related course provided that they submit authenticated copies of diploma and transcript of records.

The key requirements for the internship training also include passing the N4 Level of the Japanese Language Proficiency Test (JLPT) or its practical test equivalence; a score of 350 or more in the E-F Level test or 400 or more in the A-D test of the J Test (Test of Practical Japanese) implemented by the Japan Language Examination Association; and passing at least level 4 of the Japanese Language NAT-TEST.


Furthermore, an intern can be qualified for the 2nd year of the training if he/she completes either passing N3 Level of the JLPT; scoring 400 or more in the A-D test of the J. Test, or passing at least level 3 of the Japanese Language NAT-TEST within the 1st year of training in Japan.

Trainee care workers who failed to pass the N3 level within one year of the training will be disqualified to complete the program and will be repatriated back to the Philippines in accordance with Japanese regulations.

On the other hand, the Philippine Overseas Employment Administration shall carry out the accreditation of supervising/implementing organizations to implement the TIT for the care worker job category.

On top of the provisions listed in Section V of Department Order No. 188 which sets the requirements for accreditation of supervising/implementing organizations, the number of trainees must not exceed the number set according to the total number of full-time care workers at each facility; the implementing organization must have been in operation for at least 3 years and submit their Company Registration as proof; and evidence that the organization is categorized in any of the types of facilities listed in the order. Home-visit long-term care services are not eligible for the said program.

As determined by the Organization for Technical Intern Training (OTIT), only excellent supervising organizations are eligible to supervise intern training for the 4th and 5th year of the program of the workers.

Meanwhile, the trainee is eligible for a 1-month mandatory vacation in the Philippines before he/she can proceed with his 4th year of training in Japan.

 

#Paul Ang

 

========================================================

 

Panuntunan sa pagsasanay ng care worker sa Japan, inilabas ng DOLE

 

Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panuntunan sa pagtanggap ng mga Pilipinong care worker para sa Technical Intern Training program sa Japan.

 

Itinatakda ng Department Order No. 188-B na inisyu ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga kuwalipikasyon para sa mga aplikante sa ilalim ng Organization for Technical Intern Training Program of Japan para sa Technical Intern Training (TIT).

 

Para sa kategoryang care worker, ang mga matatanggap na care worker intern ay maaaring magkaroon ng mga trabaho tulad ng pagbibigay serbisyo sa ilalim ng Child Welfare law; batas sa Comprehensive Support for the Daily Lives at Social Lives of Persons with Disabilities; Elderly and Long-Term Care Insurance law; Public Assistance law; at iba pang serbisyo tulad ng para sa community welfare center, work accident special nursing home business, mga ospital, at klinik.

 

Ang trainee ay dapat na 18 taong gulang at mayroong hanggang isang (1) taong karanasan sa trabaho sa industriya ng ‘Care Worker’ o iba pang kahalintulad na propesyon, dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa, at dapat na first-time participant para sa programa.

 

Kung kulang naman sa karanasan sa trabaho ang aplikante, siya ay dapat na magkaroon ng Caregiving NC II Certification mula sa accredited training center ng TESDA o 4-year Bachelor’s Degree sa healthcare o iba pang kahalintulad na kurso subalit dapat silang magsumite ng authenticated copy ng diploma at transcript of records.

 

Kasama sa mga pangunahing requirements para sa internship training ay ang pagpasa sa N4 Level ng Japanese Language Proficiency Test (JLPT) o ang practical test equivalence nito; score na 350 o higit pa sa E-F Level test o 400 o higit pa para sa A-D test ng J Test (Test of Practical Japanese) na itinatakda ng Japan Language Examination Association; at pagkakapasa sa Level 4 ng Japanese Language NAT-TEST.

 

Dagdag pa rito, ang intern ay kuwalipikado na para sa ikalawang taon ng pagsasanay kung maipasa niya ang N3 Level ng JLPT; score na 400 o higit pa para sa A-D test ng J. Test, o pagkakapasa ng level 3 para sa Japanese Language NAT-TEST sa loob ng isang taon ng pagsasanay sa Japan.

 

Ang mga trainee na care worker na hindi naipasa ang N3 level sa loob ng isang taon ng pagsasanay ay magiging disqualified upang ipagpatuloy ang programa at pauuwiin sa Pilipinas alinsunod sa regulasyon ng Japan.

 

Sa kabilang dako, ang Philippine Overseas Employment Administration ang naatasang magbigay ng accreditation para sa mga supervising/implementing organizations para sa pagpapatupad ng TIT sa kategorya ng care worker.

 

Liban naman sa mga probisyon na nakatala sa Section V ng Department Order No. 188 na nagtatakda ng mga requirements para sa accreditation ng supervising/implementing organizations, ang bilang ng mga trainee ay hindi dapat lumagpas sa bilang na itinakda para sa kabuuan ng mga full-time care worker sa isang pasilidad; ang implementing organization ay dapat na nag-ooperate ng 3 taon at dapat magsumite ng Company Registration bilang patunay; at ebidensya na ang organisasyon ay kasama sa kategorya ng mga uri ng pasilidad na nakalista sa kautusan. Ang mga home-visit long-term care service ay hindi kasama sa nasabing programa.

 

Itinatakda ng Organization for Technical Intern Training (OTIT) na ang mga excellent supervising organization lamang ang maaaring mag-supervise sa mga intern training para sa ika-4 at ika-5 taon ng programa ng mga manggagawa.

 

Samantala, ang mga trainee ay mayroong 1-buwan na mandatory na bakasyon sa Pilipinas bago sila magpatuloy para sa ika-4 na taon ng training sa Japan.

 

#Paul Ang

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo