Bello lauds Dole Philippines’ commitment to regularize over 4k workers

Date Posted: August 31st, 2018 03:44 AM

News Release
Department of Labor and Employment
31 August 2018


Bello lauds Dole Philippines’ commitment to regularize over 4k workers

Labor Secretary Silvestre Bello III lauded Dole Philippines, Inc., a fruit manufacturing company based in Mindanao, and Dole Phil Kaugnay for signing the Memorandum of Agreement (MOA) on Hiring Commitment wherein a total of 4,765 workers are set to be regularized.

“I would like to congratulate the Dole Phil, Dole Kaugnay, and the union for their prudence in setting aside issues to finally come up with this MOA and to directly hire 4,173 workers in Polomolok cannery and 592 in Upper Valley operations in not later than one year from signing,” said Bello during the MOA signing last week in Polomolok, South Cotabato.

On top of this commitment, Dole Phil had already regularized 1,962 workers in response to the DOLE’s compliance order.

“Dole Philippines has an excellent record of corporate responsibility in working with the community and other non-government organizations. Although we are facing competition in the global market, we will be in full compliance with what is stated in the MOA and we will regularize workers as stated in the MOA,” said Randy Fleming, Vice President and Managing Director of Dole Philippines.

Dole Kaugnay, meanwhile, is the official Labor-Management Council mechanism of Dole Philippines, Inc.

In 2015, Kaugnay was hailed as the winner in the National Search for Most Outstanding Labor-Management Cooperation for Industrial Peace.

Bello was accompanied by Undersecretary Joel Maglunsod, OIC-Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez, Regional Director Sisinio Cano, Assistant Regional Director Arlene Bisnon, and the rest of key officials of DOLE Regional Office 12.

END/DOLE RO 12

 

===============================================

 

Dole Philippines, pinuri ni Bello sa pangakong magregular ng 4k manggagawa

 

Pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Dole Philippines, Inc., isang fruit manufacturing company sa Mindanao, at ang Dole Phil Kaugnay kasunod ng pagpirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa kanilang Hiring Commitment na gawing regular ang kabuuang 4,765 manggagawa.

 

“Nais kong batiin ang Dole Phil, Dole Kaugnay, at ang unyon para sa kanilang pagnanais na isantabi ang kanilang mga isyu at magkaroon ng isang MOA para ma-direct hire ang 4,173 manggagawa sa Polomolok cannery at 592 sa Upper Valley operations ng hindi bababa sa isang taon mula sa pagpirma sa kasunduan,” wika ni Bello sa naganap na pirmahan ng MOA noong nakaraang linggo sa Polomolok, South Cotabato.

 

Liban pa sa pangakong ito, nagregular na ang Dole Phil ng kabuuang 1,962 manggagawa bilang pagtugon sa compliance order ng DOLE.

 

“Ang Dole Philippines ay mayroong natatanging record ng kanilang corporate responsibility sa pakikipagtulungan sa komunidad at iba pang non-government organizations. Sa kabila ng hamon ng kompetisyon sa global market, tutupad din tayo sa mga probisyon na nakasaad sa MOA at magreregular ng nasabing bilang ng mga manggagawa sa MOA,” ayon kay Randy Fleming, Vice President at Managing Director ng Dole Philippines.

 

Ang Dole Kaugnay ay ang opisyal na Labor-Management Council mechanism ng Dole Philippines, Inc.

 

Noong 2015, ang Kaugnay ay nagwagi sa National Search for Most Outstanding Labor-Management Cooperation para sa Industrial Peace.

 

Kasama ni Bello sina Undersecretary Joel Maglunsod, OIC-Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez, Regional Director Sisinio Cano, Assistant Regional Director Arlene Bisnon, at ang iba pang opisyal ng DOLE Regional Office 12.

 

END/DOLE RO 12/ Paul Ang

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo