Hired on the spot: Build Build Build gives Jobs Jobs Jobs

Date Posted: August 20th, 2018 03:07 AM


News Release
Department of Labor and Employment
20 August 2018

 

Hired on the spot: Build Build Build gives Jobs Jobs Jobs

 

More Filipinos in search of employment opportunities were hired under the Duterte administration's Build Build Build infrastructure program during the first Jobs Jobs Jobs caravan held in Manila.

 

Sanny Belarmino, a former overseas Filipino worker, was one of those who were hired on the spot at the caravan organized by the Build Build Build agencies together with their contractors.

 

"Napakalaking tulong nito lalong lalo na sa aking pamilya dahil ako ay may tatlong anak at kasalukuyan silang nag-aaral," Belarmino shared.

 

"Ito yung pangalawang pagkakataon ko na magpasalamat sa kasalukuyang administrasyon dahil sampu ng mga kasama ko sa Saudi noong 2016, nabigyan kami ng tulong mapauwi sa Pilipinas at makapagsimula ulit," he said.

 

Belarmino was hired as a safety officer during the caravan.

 

Over 35 contractors for major Build Build Build projects also hired new civil engineers, architects, plumbers, and carpenters, among others.

 

Johndel Parizal, hired as a field civil engineer, advised job applicants to seek opportunities in the Philippines rather than overseas.

 

"Sobrang hirap makahanap ng trabaho lalo na sa malalaking kompanya kaya masyado ako na-overwhelm na nakuha ako. Message ko lang tangkilikin natin yung atin dito sa Pilipinas at tumulong tayo sa pag-unlad ng Pilipinas," said Parizal.

 

Ace Ramirez said he came from Palawan for a job interview in Manila but was unfortunately rejected.

 

"Buti na lang may nag-share sa Facebook na friend na mayroong ganitong event na Jobs Jobs Jobs. Hindi ako nagdalawang isip pumunta at luckily na-hire ako on the spot," said Ramirez, now quality control inspector for a construction company.

 

The Jobs Jobs Jobs caravan held at the SMX Convention Center is only the first of many job fairs to be organized by the Build Build Build agencies nationwide.

 

Labor Secretary Silvestre Bello III said the Build Build Build program also seeks to encourage OFWs to come home.

 

"The Build Build Build is envisioned to increase the productive capacity of our economy by creating more jobs and creating an investment climate that will sustain inclusive growth and uplift the living conditions of all our Filipino countrymen, especially our Bagong Bayani, our overseas Filipino workers," Bello said.

 

Thousands of jobs generated from the Build Build Build program are still available and accessible via the Jobs portal or at http://www.build.gov.ph/Home/Jobs. #

 

====================================================

 

Hired on the spot: Build Build Build nagbigay ng Jobs Jobs Jobs

 

Maraming Filipinong naghahanap ng mapapasukan ang natanggap sa kauna-unahang Jobs Jobs Jobs caravan na ginanap sa Maynila sa ilalim ng programang Build Build Build infrastructure ng administrasyong Duterte.

 

Si Sanny Belarmino, dating overseas Filipino worker, ang isa sa mga na-hire on the spot sa caravan na inilunsad ng mga ahensyang katuwang sa Build Build Build sa pakikipagtulungan ng kanilang mga kontraktor.

 

"Napakalaking tulong nito lalong lalo na sa aking pamilya dahil ako ay may tatlong anak at kasalukuyan silang nag-aaral," ayon kay Belarmino.

 

"Ito yung pangalawang pagkakataon ko na magpasalamat sa kasalukuyang administrasyon dahil sampu ng mga kasama ko sa Saudi noong 2016, nabigyan kami ng tulong mapauwi sa Pilipinas at makapagsimula ulit," dagdag pa niya.

 

Natanggap sa trabaho bilang isang safety officer si Belarmino sa nasabing caravan.

 

Higit 35 na kontraktor ang lumahok para sa mga pangunahing proyekto sa Build Build Build ang tumanggap rin ng mga civil engineer, architect, plumber, at karpintero at iba pa.

 

Si Johndel Parizal, na natanggap naman bilang field civil engineer, ay pinayuhan ang mga aplikante na humanap na lamang ng trabaho sa Pilipinas kaysa makipagsapalaran sa ibang bansa.

 

"Sobrang hirap makahanap ng trabaho lalo na sa malalaking kompanya kaya masyado ako na-overwhelm na nakuha ako. Mensahe ko lang tangkilikin natin yung atin dito sa Pilipinas at tumulong tayo sa pag-unlad ng Pilipinas," wika ni Parizal.

 Si Ace Ramirez ay sinabing nanggaling pa siya ng Palawan para sa isang job interview sa Maynila subalit hindi siya pinalad.

 

"Buti na lang may nag-share sa Facebook na friend na mayroong ganitong event na Jobs Jobs Jobs. Hindi ako nagdalawang isip pumunta at masuwerte na-hire ako on the spot," ayon kay Ramirez, na ngayon ay isa ng quality control inspector para sa isang construction company.

 

Ang Jobs Jobs Jobs caravan na ginanap sa SMX Convention Center ay isa lamang sa maraming job fairs na ilulunsad ng mga ahensya sa ilalim ng Build Build Build sa buong bansa.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hinihikayat rin ng programang Build Build Build ang mga OFW na bumalik na sa bansa.

 

"Layon ng Build Build Build na palakasin ang productive capacity ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagkakaroon ng investment climate na siyang tutulong para sa inclusive growth at maiangat ang pamumuhay ng lahat ng Pilipino sa bansa, higit lalo ang mga Bagong Bayani, o ang mga overseas Filipino workers," paliwanag ni Bello.

 

Libo libong trabaho ang nilikha ng programang Build Build Build at marami pa rito ang bakante at maaaring aplayan sa pamamagitan ng Jobs portal o sa http://www.build.gov.ph/Home/Jobs.

 

#Paul Ang

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo