It’s double pay on Aug. 21 -- DOLE

Date Posted: August 17th, 2018 03:46 AM

News Release
Department of Labor and Employment
17 August 2018

 

It’s double pay on Aug. 21 -- DOLE
 

Private sector workers are set to enjoy double holiday pay next week following a declaration by President Duterte making August 21 a regular holiday in observance of the Muslim Feast of Sacrifice, Eid’l Adha. Tuesday is also a special non-working holiday being the Ninoy Aquino Day.

 

But they will get to enjoy the double holiday pay only if they work on August 21, the labor department said on Thursday.

 

Following the President’s proclamation, Labor Secretary Silvestre Bello III advised employers to observe the proper payment of wages for workers in a regular holiday falling on a special non-working holiday.

 

In Labor Advisory No. 12, Bello said the following pay rules will apply in the computation of workers’ wages on Tuesday pursuant to Proclamation Nos. 269 and 556 of July 17, 2017 and August 15, 2018, respectively:

 

If the employee did not work, he or she shall be paid 100 percent of his or her salary for that day ([Daily Rate + COLA] x 100 percent); however, if the employee worked on the said holiday, he or she shall be paid an additional 30 percent of 200 percent of his or her regular salary for that day for the first eight (8) hours [(Daily rate + COLA) x 200 percent] + [30 percent (Daily rate x 200 percent)].

 

In addition, if the employee worked in excess of 8 hours (overtime work), he or she shall be paid an additional 30 percent of his or her hourly rate on said day (hourly rate of the basic daily wage x 200 percent x 130 percent x 130 percent x number of hours worked).

 

The advisory also said that if the employee worked during a regular holiday that also falls on his or her rest day, he or she shall be paid an additional 50 percent of his or her daily rate of 200 percent [(daily rate + COLA) x 200 percent] + [50 percent (daily rate x 200 percent)].

 

Furthermore, if the employee worked in excess of 8 hours (overtime work) during a regular holiday that also falls on his or her rest day, he or she shall be paid an additional 30 percent of his or her hourly rate on said day (hourly rate of the basic daily wage x 200 percent x 150 percent x 130 percent x number of hours worked).

 

#Paul Ang

 

=================================================

 

Double pay sa Aug. 21 – DOLE

 

Makatatanggap ng dobleng holiday pay ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa susunod na linggo kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Duterte na gawing isang regular holiday ang Agosto 21 bilang paggunita sa Muslim Feast of Sacrifice, Eid’l Adha. Nagkataon na sa Martes ay isa ring special non-working holiday bilang Ninoy Aquino Day.

 

Gayunman, makatatanggap lamang ang mga manggagawa ng double holiday pay kung sila ay papasok o magtatrabaho sa Agosto 21, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.

 

Alinsunod sa proklamasyon ng Pangulo, nagpaalala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na sundin ang tamang pasuweldo sa mga manggagawa para sa regular holiday na pumatak rin sa araw ng special non-working holiday. 

 

Sa Labor Advisory No. 12, sinabi ni Bello na ang mga sumusunod na pay rules ang dapat ipatupad sa computation ng suweldo ng mga manggagawa sa Martes alinsunod sa Proclamation Nos. 269 at 556 noong Hulyo 17, 2017 at Agosto 15, 2018:

 

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

 

Gayunman, kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [30% (Arawang suweldo x 200 %)]. 

 

Dagdag pa rito, kapag ang empleyado ay nagtrabaho nang lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

 

Isinasaad rin sa advisory na kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang sahod na 200 porsiyento [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [50% (Arawang suweldo x 200%)];

 

Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

 

#Paul Ang

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo