DOLE open to proposed 14-mo pay

Date Posted: August 15th, 2018 04:15 AM

News Release
Department of Labor and Employment
15 August 2018

 

DOLE open to proposed 14-mo pay

 

The labor department has expressed openness to a proposal in the Senate for the grant of 14th month pay to employees in the private sector.

 

Labor Secretary Silvestre Bello III said DOLE will consult with labor and management and consider both their interests, as well as consider the impact of the proposal to the country’s economic stability.

 

“The President is consulting with our economic advisers. We at DOLE are also consulting with both the labor and management on the feasibility of the 14-month pay to workers. In other words, there is willingness and openness in the proposal for the 14-month pay,” Bello said.

 

Senate Bill No. 2, otherwise known as “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay” was filed by Senate President Vicente Sotto III and has been pending in the Senate since July 2016.

 

Under the bill, “rank-and-file employees regardless of their employment status, designation, and irrespective of the method by which their wages are paid provided that they have worked at least one month during the calendar year” are entitled to a 14th month pay.

 

Bello said DOLE still has to study the proposed bill to indicate the department’s position depending on the results of consultations. Foremost, he added, is the need to maintain the beneficial social partnership between workers and employers, as well as in considering its possible implications in the economy.

 

“The proposed 14-month pay for our private workers is a huge help for their families. It’s extra earnings to cope them with the rising inflation but we also have to consider a lot of factors,” Bello said.

 

END/Abegail De Vega

 

===================================================

DOLE, bukas sa panukalang 14th month pay

 

Bukas ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang panukala sa senado na magbibigay ng 14th month pay na benepisyo sa mga empleyado sa pribadong sektor.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ikokonsulta ng DOLE ang isyu sa sektor ng labor at management upang mabatid ang kanilang panig, maging ang posibleng epekto ng panukala sa economic stability ng bansa.

 

“Kasalukuyan ng kumokonsulta ang pangulo sa ating mga economic adviser. Kami sa DOLE ay nakikipag-ugnayan na rin sa sektor ng labor at management kung naaayon ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga manggagawa. Sa madaling salita, bukas kami sa usapin ng panukalang 14th month pay,” wika ni Bello.

 

Ang Senate Bill No. 2, o mas kilala bilang “An Act Requiring Employers in the Private Sector to Pay 14th Month Pay” na inihain ni Senate President Vicente Sotto III ay kasalukuyan pang pending sa senado mula Hulyo 2016.

 

Sa ilalim ng panukala, ang “rank-and-file employees kahit ano pa ang kanilang employment status, designation, at anuman ang sistema ng pagbabayad sa kanila ng sahod, at nakapagtrabaho ng kahit isang buwan sa kasalukuyang taon” ay maaaring makatanggap ng 14th month pay.

 

Sinabi pa ni Bello na kinakailangan munang pag-aralan ng DOLE ang panukalang batas upang malaman ang posisyon ng kagawaran at ibatay rin ito sa resulta ng konsultasyon. Dagdag pa niya, kailangan ring mapanatili ang social partnership sa pagitan ng mga manggagawa at employer maging ang posibleng epekto nito sa ekonomiya.

 

“Ang panukalang 14th month pay para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ay malaking tulong sa kanilang pamilya. Ang karagdagang kita rito ay aagapay sa kanila sa lumalaking antas ng inflation subalit kailangan nating isaalang-alang ang ibat ibang bagay para dito,” ayon pa kay Bello.

 

END/Abegail De Vega/ Paul Ang

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo