ECOP commits to share 300k regulars to govt drive

Date Posted: August 13th, 2018 07:21 AM

The country’s biggest group of employers is committing to regularize 300,000 workers from its member companies, matching the same number that the labor department has set for its regularization drive this year.

 

Labor Secretary Silvestre Bello III made broad pitch of the plan by the Employers Confederation of the Philippines (ECOP), saying an agreement is in the works between the group and DOLE to effectively implement the plan.

 

Addressing a labor forum for HR managers and key industry leaders organized by the Villaraza & Angangco Law at the Bonifacio Global City on Thursday, Bello said he is optimistic about the ECOP commitment which will bring to 600,000 the total workers who will enjoy regular employment status from being contractuals this year.

 

Already, the DOLE has regularized 243,418 during the first half of the year or some 321, 964 regular workers since the start of the government’s anti-endo campaign in August 2016.

 

“I am glad to inform you that ECOP is committing 300,000 regular workers from their members by the end of the year,” Bello told the HR managers and corporate officers during the V & A forum. “This is a significant number which demonstrates the employers’ cooperation with the government,” he added.

 

In the same forum, the labor chief exhorted officers of companies on compliance with labor laws and standards. He also warned employers against engaging contractors involved in prohibited labor-only contracting practices.

 

He said DOLE’s Department Order 174 which he issued last year allows only “permissible contracting and sub-contracting and reinforces the rights of workers to labor standards, self-organization, collective bargaining and security of tenure.”

 

He said the DOLE order was bolstered by the President’s Executive Order 51 issued last May 1 which reiterated the authority of the labor secretary to determine which activities may be contracted out by companies.

 

Lamenting that the labor department has a “dwarfed” team of inspectors, Bello nonetheless said DOLE has inspected close to 137,000 establishments across the country from August 2016 to June this year covering 9.4 million workers.

 

There are more than 900,000 establishments that DOLE had to inspect. -- ###

 

==================================================================

 

ECOP tutulong sa kampanya ng gobyerno, magreregular ng 300k manggagawa

 

Nangako ang isa sa pinakamalaking grupo ng mga employer sa bansa na magreregular ng 300,000 manggagawa mula sa mga kumpanyang miyembro nito na tutumbas rin sa target ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kampanya nito kontra kontraktuwalisasyon sa taong ito.

 

Inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang naturang adhikain ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at sinabing ang kasunduan ay umuusad na sa pagitan ng grupo at ng DOLE upang maipatupad ng maayos ang plano.

 

Sa isang labor forum ng mga HR manager at mga lider ng industriya na inorganisa ng Villaraza & Angangco Law sa Bonifacio Global City noong Huwebes, sinabi ni Bello na tiwala ito sa pangako ng ECOP upang makamit ang adhikain na mabigyan ng regular ng trabaho ang nasa 600,000 manggagawa para sa taong ito.

 

Sa kasalukuyan, nakapagregular na ang DOLE ng 243,418 sa unang kalahating bahagi ng taon o kabuuang 321,964 regular na manggagawa mula ng ilunsad ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa ‘endo’ noong Agosto 2016.

 

“Masaya akong ipabatid sa inyo na nangako ang ECOP na mag-regular ng 300,000 manggagawa mula sa kanilang mga miyembro hanggang sa pagtatapos ng taon,” wika ni Bello sa mga HR managers at corporate officers sa ginanap na V & A forum.

 

“Katangi-tangi ang bilang na ito na nagpapakita ng kooperasyon ng mga employer sa pamahalaan,” dagdag pa niya.

 

Sa nasabing pulong rin pinaalalahanan ng kalihim ang mga opisyal ng mga kumpanya kaugnay sa pagsunod nila sa labor laws at standards. Binalaan din niya ang mga employer laban sa pakikipagtransaksyon sa mga kontraktor na sangkot sa iligal na labor-only contracting practices.

 

Sinabi niya na ang Department Order 174 ng DOLE na inilabas noong nakaraang taon ay pinahihintulutan lamang ang mga “permissible contracting and sub-contracting and reinforces the rights of workers to labor standards, self-organization, collective bargaining and security of tenure.”

 

Dagdag pa niya, ang kautusan ng DOLE ay pinagmulan rin ng Executive Order 51 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 1 kung saan binibigyang kapangyarihan ang kalihim ng paggawa na siyang magtakda ng mga gawain o trabaho na maaaring ipakontrata ng mga kumpanya.

 

Sa kabila ng kakulangan ng kagawaran sa grupo ng mga inspektor, sinabi ni Bello na nakapag-inspeksyon na ang DOLE sa higit 137,000 establisimento sa buong bansa mula Agosto 2016 hanggang Hunyo ng taong ito kung saan saklaw ang 9.4 milyong manggagawa.

 

Mayroong higit 900,000 establisimento na kinakailangang mainspeksyon ng DOLE.

 

#RMF/ Paul Ang

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo