Department of Labor and Employment - News

DOLE services communities

Date Posted: July 22nd, 2018 06:55 AM

News Release

Department of Labor and Employment

22 July 2018

 

DOLE services communities

 

The labor department over the weekend assured industry workers that it is continuously strengthening its service delivery to the communities through the ‘DOLE Clinics.’

 

In a forum led by workers’ groups in Valenzuela, Labor Undersecretary Joel Maglunsod said among DOLE’s goals is advancing its community service program.

 

“Ang pagparito namin sa inyong forum o consultation ay isang paraan para mas lalo pa naming mapalakas ang isa sa mga programa ng ahensya na tinatawag natin na ‘DOLE Clinics’,” said Maglunsod.

 

The ‘DOLE Clinics’ is a mechanism that aims to bring the programs and services of the Department closer to the community by providing assistance, such as pre-employment facilitation, labor standards enforcement, dispute resolution, and livelihood assistance.

 

“Ang ibig sabihin nito ay kami mismo ang maglalapit ng aming mga programa sa pamamagitan ng pagpunta sa community at mga pagawaan para mapakinggan, mapag-aralan at agarang matugunan ang mga katanungan at hinaing ng mga manggagawa hinggil sa usapin ng paggawa,” Maglunsod added.

 

Other activities that DOLE implements to bolster the ‘DOLE Clinics’ include its establishment in Public Employment Service Offices (PESOs) of local government units (LGUs) nationwide.

 

To boost public awareness, the department's bureaus and attached agencies are directed to make sure that necessary information, education, and communication (IEC) materials related to their respective areas of expertise and jurisdiction are available at the LGUs through the PESOs.

 

END/Tim Laderas

 

=================================================

 

DOLE nagbigay serbisyo sa mga komunidad

 

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy nitong palalakasin ang paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga ‘DOLE Clinics.’

 

Sa isang pulong na pinangunahan ng grupo ng mga manggagawa sa Valenzuela, sinabi ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na isa sa pangunahing layon ng DOLE ay ang magpaabot at paigtingin ang tulong sa mga komunidad.

 

“Ang pagparito namin sa inyong forum o consultation ay isang paraan para mas lalo pa naming mapalakas ang isa sa mga programa ng ahensya na tinatawag natin na ‘DOLE Clinics’,” wika ni Maglunsod.

 

Ang ‘DOLE Clinics’ ay isang mekanismo na naglalayong maghatid at ilapit pa ang programa at serbisyo ng DOLE sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay tulong tulad ng pre-employment facilitation, labor standards enforcement, dispute resolution, at livelihood assistance.

 

“Ang ibig sabihin nito ay kami mismo ang maglalapit ng aming mga programa sa pamamagitan ng pagpunta sa komunidad at mga pagawaan para mapakinggan, mapag-aralan, at agarang matugunan ang mga katanungan at hinaing ng mga manggagawa hinggil sa usapin ng paggawa,” dagdag pa ni Maglunsod.

 

Kabilang pa sa dagdag na serbisyong ibinibigay ng kagawaran sa mga ‘DOLE Clinics’ ay ayuda mula sa Public Employment Service Offices (PESOs) ng mga local government units (LGUs) sa buong bansa.

 

Upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang publiko, ang mga bureau at attached agency ng DOLE ay inatasang magpaabot ng kinakailangang information, education, and communication (IEC) materials para sa mga lugar na kanilang nasasakupan at maging sa mga LGU sa pamamagitan ng mga PESO.

 

END/Tim Laderas/ Paul Ang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo