Issuance of alien employment permit in Boracay suspended

Date Posted: July 12th, 2018 10:17 AM

News Release

Department of Labor and Employment

3 July 2018

 

Issuance of alien employment permit in Boracay suspended

 

The labor department has temporarily suspended the issuance of alien employment permits (AEP) to foreign nationals in Boracay Island.

 

In Labor Advisory No. 11, series of 2018, Labor Secretary Silvestre Bello III said that the temporary suspension covers foreign nationals who intend to engage in gainful employment in the island of Boracay and those with valid AEP who intend to renew their employment permits.

 

However, foreign nationals who are either commissioned or authorized by the Boracay Inter-Agency Task Force are exempted from the temporary suspension, he clarified. Specifically, this includes foreign nationals who come to Boracay to conduct research studies or undertake work related to the island’s rehabilitation.

 

Also exempted from the temporary suspension are permanent resident foreign nationals and probationary or temporary resident visa holders.

 

All foreign nationals who are exempted from securing an AEP, as enumerated under Section 3 of DOLE Department Order No. 186, Series of 2017 (Revised Rules for the Issuance of Employment Permits to Foreign Nationals) are likewise exempted from the suspension.

 

Signed on June 26, the labor advisory shall take effect until the temporary closure of the Boracay Island has been lifted.

 

END/aldm

 

===============================================

 

Pag-isyu ng alien employment permit sa Boracay, sinuspinde

 

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng mga alien employment permit (AEP) sa mga dayuhan sa isla ng Boracay.

 

Batay sa Labor Advisory No. 11, series of 2018, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang pansamantalang suspensyon ay sumasakop sa mga dayuhang nais magkaroon ng trabaho sa isla ng Boracay at sa mga mayroong valid AEP na nais pang ipa-renew ang kanilang employment permit.

 

Gayunman, ang mga dayuhang kinuha at otorisado ng Boracay Inter-Agency Task Force ay hindi kasama o exempted sa pansamantalang suspensyon, paglilinaw ng kalihim. Partikular rito ang mga dayuhan na nagtungo sa Boracay upang magsagawa ng pag-aaral o iba pang gawaing may kaugnayan sa rehabilitasyon ng isla.

 

Hindi rin kasama sa pansamantalang suspensyon ang mga dayuhang permanenteng naninirahan at probationary o temporary resident visa holder.

 

Lahat ng mga dayuhang exempted sa pagkuha ng AEP na kasama sa listahan sa ilalim ng Section 3 ng DOLE Department Order No. 186, Series of 2017 (Revised Rules for the Issuance of Employment Permits to Foreign Nationals) ay exempted rin sa suspensyon.

 

Pinirmahan noong Hunyo 26, ang labor advisory ay ipatutupad hanggang sa pag-alis ng temporary closure sa isla ng Boracay.

 

END/aldm/ Paul Ang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo