Call center agents, nurses, nangunguna sa mga bakanteng trabaho sa PhilJobNet

Date Posted: September 11th, 2017 02:22 PM

Nagtala ang PhilJobNet, ang internet-based job matching facility ng labor department, ng mataas na pangangailangan para sa mga medical professionals, partikular sa mga nurse.

 

Sa ulat, sinabi ng Bureau of Local Employment (BLE) na nagtala ang PhilJobnet ng kabuuang 12,767 bakanteng trabaho, kung saan 1,406 ay para sa mga nurse.

 

Gayunpaman, ang business process outsourcing sektor ang nananatiling nagtala ng pinakamaraming bilang ng bakanteng trabaho na 7,226. Ito ang pangatlo sa magkakasunod na linggo kung saan nagtala ang portal ng pinakamaraming bilang ng bakanteng trabaho para sa call center agents.

 

Ang iba pang oportunidad sa trabaho ay para sa mga posisyon na salesman – 538; waiter – 453; customer service assistant – 406; cashier – 397; automotive mechanic – 306; house steward – 250; credit/collection officer – 250; bagger – 210; at stall salesperson – 200.

 

May mga bakanteng posisyon din para sa mga technical support staff – 199; household attendant – 149; production engineer – 144; domestic helper – 140; sales manager – 133; sales clerk – 123; housekeeper (hotels and resorts) – 119; at carpenter – 118.

 

Bukod sa mga bakanteng trabaho, nakatala din sa PhilJobNet ang schedule ng job fairs sa buong bansa.

 

Para sa ikalawang linggo ng Setyembre, gaganapin ang mga sumusunod na job fairs:

 

12 Setyembre – Capitol Lobby, New Capitol Bldg., Isulan, Sultan Kudarat (Region XII);

 

13 Setyembre – Sta. Barbara Covered Gym, Sta. Barbara, Iloilo (Region VI);

 

14 September – Robinsons Place Iligan, Tubod, IIligan City (Region X); Mother Ignacia Function Hall , SMC Tagum Campus, Tagum City, Davao del Norte (Region XI);

 

16 Setyembre – Baguio Convention Center, Baguio City (CAR); Generoso Elementary School Bago Aplaya, Talomo District Davao City (Region XI)

 

Hinikayat ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang publiko na gamitin ang pinagandang serbisyo ng PhilJobNet para sa mas mabilis na paghahanap ng trabaho at paghahahanap ng employer ng manggagawa.

 

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleo, maaaring mag-log ang mga aplikante at employer sa http://philjobnet.gov.ph/

 

END/aldm/GMEArce

 

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo