May kalidad na trabaho nadagdagan, sa kabila ng pagbaba ng employment rate

Date Posted: March 17th, 2017 02:27 PM

Ipinahayag kahapon ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na nadagdgan ang may kalidad na trabaho na may maayos na sahod ang nalikha nitong Enero 2017 sa kabila ng bahagyang pagbaba ng employment rate ng bansa.

Nagpalabas ng pahayag si Bello matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority ang ulat na bumaba ang unemployment rate ng 6.6 percent nitong Enero 2017.

Ayon kay Bello, bumaba ang unemployment rate ng 16.3 percent mula 19.6 percent noong nakaraang taon.  Ang underemployed workers ay ang mga manggagawang nagtatrabaho ngunit nagpahiwatig na gustong madagdagan ang oras ng kanilang pagtatrabaho sa kanilang kasalukuyang trabaho, o magkaroon ng karagdagang trabaho, o iyong nagnanais na magkaroon ng bagong trabaho na may mas mahabang oras ng pagtatrabaho.

Kanyang idinagdag na bumaba din ang bilang ng visibly underemployed mula 4.189 milyon ng 3.839 milyon.  Ang underemployed person ay iyong nagtatrabaho ng hindi hihigit sa 40 oras kada linggo ay tinatawag na visibly underemployed person.   Sila ang bumubuo sa 58.5 percent ng kabuuang underemployed ng Enero 2017.

Batay sa datos ng PSA, 46.9 percent ng underemployed ay nagtatrabaho sa service sector, samantalang 32.8 percent ay nasa agriculture sector.  Ang nasa industry sector ay binubuo ng 20.3 percent.

Makikita sa datos ng PSA na ang employment rate ng Enero 2017 ay nasa 93.4 percent.  Ito ay bumaba ng 0.9 percent kumpara ng nakaraang taon na nasa 94.3 percent.  Ang apat na rehiyon na nagtala ng pinakamababang employment rate ay Ilocos Region na 91.3 percent, National Capital Region na 91.5 percent, Caraga na 91.5 percent, at CALABARZON na 91.8 percent. 

Nakasaad sa ulat ng PSA na ang resulta ng Enero 2017 LFS ay hindi maaaring ikumpara sa nakaraang taon dahil sa nagkaroon ng patlang sa mga datos matapos sundin ang 2013 Master Sample para sa household-based survey na inilunsad noong Abril 2016.

Idinagdag din na ang pagbabago sa master sample design ay bahagi ng pagpupunyagi  na magkaroon ng provincial-level statistic at mas magandang kalidad ng datos na makakalap upang makapagbigay ng naaayon, napapanahon at nagagamit na household-based data.

Kabilang sa pagbabago ay ang muling pagsama sa Leyte sa LFS coverage.  Matapos ang bagyong Yolanda noong 2013, pangmalawakang pinsala ang naganap na nagresulta ng kawalan ng trabaho ng manggagawa sa nasabing lugar.  Dahil dito, ang household sampling na ginamit sa Leyte ay hindi na maaaring magamit.

Ang isa pang pagbabago ay ang paggamit sa 2012 Philippine Standard Occupational Classification (PSOC) para sa major occupation categories.  Bago ang Abril 2016 survey, 1992 PSEC ang ginagamit ng PSA.  Sa ilalim ng 2012 PSEC, ang mga manggagawa sa militar ay kasama na sa occupational category.

Ang labor force participation rate (LFPR) ng Enero 2017 ay tinatayang nasa 60.7 percent na ang labor force population ay nasa 69.4 milyon.  Ang labor force population ay binubuo ng may trabaho at walang trabaho na nasa edad 15 taon pataas.

##ctmaring/GMEArce

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo