News Release
Department of Labor and Employment
13 October 2022

TUPAD workers to help forest rangers

In support of the government’s campaign against climate change, the Department of Labor and Employment will tap beneficiaries of its Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program as forest rangers to help boost the expanded national greening program of the Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Labor Secretary Bienvenido Laguesma and Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga signed a memorandum of agreement providing for the mobilization of TUPAD beneficiaries in patrolling the forest, seedling production, establishing plantations, and assisting in forest protection activities in support to the DENR’s Improved National Forest Protection Program.

The MOA signing was witnessed by President Bongbong Marcos Jr. last week.

The MOA will be implemented by the DOLE through its Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) and the Regional /Field Offices who will hire workers to be deployed in areas identified by the environment department’s Forest Management Bureau.

DOLE will allocate funds to cover the prevailing daily minimum wage in the region as well as the administrative cost for personal protective equipment and group personal accident insurance of workers who will be hired; select qualified TUPAD beneficiaries; and assign a program coordinator to monitor and ensure the smooth implementation of the program.

Those who will be hired will augment the current number of Forest Rangers who will conduct patrolling, seedling production, plantation establishment, and protection activities.

Moreover, the labor department is likewise tasked to tap the Technical Education and Skills Development Authority or its accredited training institutions to conduct appropriate skills training; and assist in the advocacy of environment-related laws, rules, and regulations.

The agreement is in line with the directive of the President to prioritize mitigation of the worst impacts of climate change in the country through the establishment of livable and sustainable communities, including the adoption of a green economy roadmap which is one of the key strategies of green jobs creation. END / TDL

=================================================

Benepisaryo ng TUPAD tutulong sa mga forest ranger

Bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa pagbabago ng klima, gagamitin ng Department of Labor and Employment ang mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) bilang mga forest ranger para tumulong sa pagpapalakas at pagpapalawak ng national greening program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma at Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, na nagtatakda para sa pagpapakilos ng mga benepisyaryo ng TUPAD sa pagpapatrolya sa kagubatan, produksyon ng mga punla, pagtatatag ng mga plantasyon, at pagtulong sa mga gawain sa pangangalaga ng kagubatan, bilang suporta sa Improved National Forest Protection Program ng DENR.

Sinaksihan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang paglagda sa nasabing kasunduan noong nakaraang linggo.

Ang MOA ay ipatutupad ng DOLE sa pamamagitan ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) at ng mga Regional/Field Offices ang mamamahala sa pagkuha ng mga manggagawang ipapakalat sa mga lugar na tinukoy ng Forest Management Bureau ng DENR.

Maglalaan ang DOLE ng pondo para sa umiiral na minimum na sahod sa rehiyon gayundin ang gastusin para sa mga kakailanganing personal protective equipment at group personal accident insurance ng mga manggagawa; pagpili ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng TUPAD; at pagtalaga ng isang program coordinator na susubaybay at titiyak na maayos na naipatutupad ang programa.

Ang mga manggagawang matatanggap, na magiging karagdagan sa kasalukuyang bilang ng Forest Rangers, ay magsasagawa ng pagpapatrolya, produksyon ng punla, pagtatatag ng plantasyon, at mga aktibidad hinggil sa pagprotekta ng kagubatan.

Bukod dito, ang labor department ay inatasan din na gamitin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) o ang mga accredited training institution para sa pagbibigay ng angkop na pagsasanay; at tumulong sa pagtataguyod ng mga batas, tuntunin, at regulasyon na may kaugnayan sa kapaligiran.

Ang kasunduan ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na bigyang-priyoridad ang mga pamamaraan at gawain upang mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng klima sa bansa sa pamamagitan ng pagtatatag ng maayos na komunidad, kabilang ang pagpapatibay ng green economy roadmap na isa sa mga pangunahing istratehiya sa paglikha ng green jobs. END / TDL/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1