News Release
Department of Labor and Employment
October 10, 2021

‘TUPAD for all’, Bello tells LGBTQ workers in Laguna

The financial aid given by the Department of Labor and Employment (DOLE) is for all workers hardest hit by the pandemic, including members of the lesbian, gay, bisexual, transgender and queer or questioning (LGBTQ) community.

Labor Secretary Silvestre Bello III said the government has no discrimination in extending assistance to needy workers through DOLE’s key aid programs, including its flagship Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Speaking during a payout ceremony in Siniloan, Laguna, Bello said “TUPAD is for all workers, so one will get the financial assistance whether he or she belongs to LGBTQ or not.”

TUPAD is the cash-for-work program of the government to help informal workers cope with the adverse effects of the Covid-19 outbreak.

Bello went to the locality recently to continue the roll-out of DOLE’s various Covid-19 response programs amid the lingering pandemic that still poses threat to livelihood and employment.

“The government is here to help. We are going around the country to provide relief to our needy workers,” he added.

Bello led the distribution of salaries amounting to P4.076 million to 1,019 beneficiaries in Siniloan. He also awarded P1 million in DOLE livelihood assistance to four baranggays of the municipality.

Local officials led by Mayor Rainier Acero Leopando thanked Bello for bringing TUPAD and DOLE’s other humanitarian interventions like ‘Negosyo Kart’, ‘Free Bicycle’ and the DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) to Siniloan’s crisis-hit workers.

After Siniloan, Bello visited the town of Rizal also in Laguna to extend more government assistance to displaced workers.

Rizal local executives led by Mayor Vener Munoz lauded Bello for including his town for TUPAD implementation.

Aside from TUPAD, the Labor chief also rolled-out DOLE’s other aid programs to the delight of the local government executives and workers of Rizal.

Also extended assistance were the towns of Alaminos, Liliw and Pagsanjan. ###

=======================================================

‘TUPAD para sa lahat’, ani Bello sa mga LGBTQ sa Laguna

Para sa lahat ng mga manggagawang naapektuhan ng pandemya ang tulong-pinansiyal na ipinamamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE), kabilang ang mga kasapi ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer or questioning (LGBTQ) community.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang diskriminasyon ang pamahalaan sa pag-abot ng tulong sa mga nangangailangang manggagawa sa pamamagitan ng pangunahing programa, kasama ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Sa kanyang mensahe sa mga manggagawa sa ginanap na seremonya sa Siniloan, Laguna, sinabi ni Bello na “ang TUPAD ay para sa lahat ng manggagawa, kaya ang bawat isa ay makatatanggap ng tulong-pinansyal, siya man ay bahagi ng LGBTQ o hindi.”

Ang TUPAD ay isang programang cash-for-work ng pamahalaan na nais tulungan ang mga manggagawang impormal na makaagapay mula sa epekto ng Covid-19.

Nagpunta si Bello kamakailan sa lokalidad para ipagpatuloy ang iba’t ibang programa ng DOLE na naglalayong makatulong sa gitna ng pandemyang Covid-19 na patuloy na nakaapekto sa kabuhayan at trabaho.

“Narito ang pamahalaan para tumulong. Nililibot namin ang buong bansa upang makapagbigay ng tulong sa ating mga nangangailangang manggagawa,” dagdag ng kalihim.

Pinangunahan ni Bello ang pamamahagi ng sahod na may kabuuang halaga na P4.076 milyon para sa 1,019 benepisaryo ng Siniloan. Iginawad din niya ang P-1 milyong tulong-panghanapbuhay mula sa DOLE para sa apat na barangay ng nasabing bayan.

Pinangunahan ni Mayor Rainier Acero ang mga lokal na opisyal ng Siniloan sa kanilang pasasalamat kay Bello sa kanyang paghatid  ng TUPAD at iba pang tulong tulad ng ‘Negosyo Kart’, ‘Free Bicycle’ at ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) para sa mga manggagawang naapektuhan ng krisis dito.

Matapos sa Siniloan, binisita rin ni Bello ang bayan ng Rizal sa lalawigan pa rin ng Laguna upang ipaabot ang mga tulong ng pamahalaan para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Pinapurihan ng mga lokal na opisyal ng Rizal, sa pamumuno ni Mayor Vener Munoz, si Bello dahil isinama ng kalihim ang kanilang bayan sa implementasyon ng TUPAD.

Maliban sa TUPAD, ipinamahagi din ng Kalihim ang iba pang programang pantulong kabuhayan ng DOLE na ikinagalak ng mga lokal na opisyal at manggagawa ng Rizal.

Maliban sa Siniloan at Rizal, namahagi rin ang DOLE ng tulong pinansyal at pangkabuhayan sa mga bayan ng Alaminos, Liliw at Pagsangjan. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry