News Release
Department of Labor and Employment
September 27, 2021

TUPAD beneficiaries urged: Be vigilant vs scams

Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III urged beneficiaries of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program to be vigilant against public officials and their cohorts using government aid programs for personal gains.

Bello made the call amid allegations of anomalies in the implementation of TUPAD in Quezon City where local executives were tagged for irregularities in the program.

TUPAD is the cash-for-work program of the Department of Labor and Employment (DOLE) to help pandemic-hit workers.

DOLE earlier recalled its field officer in Quezon City to pave the way for the investigations being conducted by the Philippine National Police (PNP) and the National Bureau of Investigation (NBI) over the matter.

“The probes will definitely bring out names and we are prepared to file cases against those who deserve punishment,” Bello said during a TUPAD payout ceremony in Cagayan de Oro City.

Aside from Cagayan de Oro City, Bello also went to other parts of Mindanao such as Iligan City, Bukidnon, Koronadal City, Kidapawan City and Digos City to deliver TUPAD and other key aid programs of DOLE.

Bello warned local officials not to use TUPAD for politicking as the government is striving hard to help Filipino workers affected by the pandemic.

“TUPAD should not be used in politics because the program is really for our countrymen who need help amid the crisis,” Bello said. ###

===========================================

Benepisaryo ng TUPAD, hinimok na maging mapagbantay laban sa mga pandaraya

Hinimok ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III ang mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) na maging mapagbantay laban sa mga opisyal ng pamahalaan at kanilang mga kasabwat na gumagamit sa mga programa ng pamahalaan para sa kanilang pansariling kapakinabangan.

Ginawa ni Bello ang panawagan sa gitna ng mga alegasyon na may anomalya sa pagpapatupad ng TUPAD sa Quezon City kung saan ang mga lokal na opisyal diumano ang gumagawa ng mga iregularidad sa programa.

Ang TUPAD ay isang cash-for-work program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong tulungan ang mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.

Una nang pina-recall ng DOLE ang field officer nito sa Quezon City upang bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa bagay na ito.

“Tiyak na may mga pangalan na lalabas sa imbestigasyon at handa kaming magsampa ng mga kaso laban sa mga dapat maparusahan,” pahayag ni Bello sa ginanap na payout ng TUPAD sa Cagayan de Oro City.

Bukod sa Cagayan de Oro City, nagpunta rin si Bello sa ibang bahagi ng Mindanao, tulad ng Iligan City, Bukidnon, Koronadal City, Kidapawan City at Digos City upang maihatid ang TUPAD at iba pang pangunahing programa ng DOLE.

Nagbigay-babala din si Bello sa mga lokal na opisyal na huwag gamitin ang TUPAD para sa pamumulitika habang ang pamahalaan ay nagsusumikap na tulungan ang mga manggagawang Pilipino naapektuhan ng pandemya.

“Hindi dapat gamitin ang TUPAD sa politika sapagkat ang programa ay talagang para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong sa gitna ng krisis,” wika ni Bello. ###

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1