News Release
Department of Labor and Employment
September 8, 2021

Treat workers as frontliners – Bello

Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III on Tuesday said construction and manufacturing workers should be considered frontliners for constituting the backbone of the country’s economy.

Addressing hundreds of factory and construction workers who trooped to the labor department for the rollout of a special vaccination program, the Labor chief said the economy will not move “without you, being essential workers.”

“Kaya kayo dapat A1. Finally they (other government agencies) realized the value of our workers (You should belong to the A1 category,” Bello said.

Bello said that while the health workers are frontliners of the medical field, the construction workers and manufacturing laborers are the frontliners of the economy “so we must take care of both of them.”

More than 1,000 workers in the sectors received their first dose of the Covid vaccine from the close to half a million doses of special allocation seen to help speed up the reopening of the economy. The vaccination is a boost to the private sector’s Reform, Rebound, Recover 1Million Jobs for 2021.

The initial recipients of the vaccine will get their second dose on October 6.

The special vaccination program was under the National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force chaired by the Department of Labor and Employment (DOLE) and co-chaired by the Departments of Trade and Industry (DTI) and Tourism (DOT).

Other partners include Employers Confederation of the Philippines (ECOP); Philippine Constructors Association; the local government of Manila; among others. The event was sponsored by the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry; Globe Telecoms; and Intramuros administration.

Bello once again thanked vaccine czar Secretary Charlie Galvez for granting their request for special allocation of vaccine doses on behalf of the construction and manufacturing industries. ###

==============================================

Tratuhin ang mga manggagawa bilang frontliners – Bello

“Dapat ituring ang mga manggagawa sa konstruksiyon at pabrika bilang mga frontliner at pundasyon ng ekonomiya ng ating bansa.” Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III nitong Martes sa idinaos na paglulunsad ng isang special Covid-19 vaccination program para mga manggagawa sa sektor ng konstruksiyon at pagmamanupaktura.

Sa kanyang pahayag sa harap ng daan-daang manggagawa sa pabrika at konstruksiyon na nagpunta sa labor department, sinabi ng Kalihim na ang ekonomiya ay hindi gagalaw “kung wala kayo, bilang mahahalagang manggagawa.”

“Kaya kayo dapat A1. Sa wakas ay napagtanto nila (ibang ahensiya ng pamahalaan) ang kahalagahan ng ating mga manggagawa (Dapat ay kabilang kayo sa A1 category),” pahayag ni Bello.

Sinabi ni Bello na habang ang mga health workers ang frontlines sa larangan ng medisina, ang mga manggagawa sa konstruksiyon at pabrika naman ang frontliner ng ekonomiya “kaya dapat pareho namin kayong alagaan.”

Mahigit sa 1,000 manggagawa sa nasabing sektor ang tumanggap ng kanilang unang dosis ng Covid vaccine mula sa mahigit kalahating milyong dosis na espesyal na inilaan upang makatulong sa mabilis na pagbubukas ng ekonomiya. Ang bakunang ito ay makatutulong sa programang Reform, Rebound, Recover 1Million Jobs for 2021 kung saan katuwang ng pamahalaan ang pribadong sektor.

Makukuha ng mga naunang tumanggap ng bakuna ang kanilang ikalawang dosis sa Oktubre 6.

Ang special vaccination program ay sa ilalim ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force na pinamumunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at co-chaired ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Tourism (DOT).

Bukod sa iba pa, kasama rin bilang partner ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP); Philippine Constructors Association; ang pamahalaang lokal ng Maynila. Bahagi ng okasyon ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCI); Globe Telecoms; at Intramuros Administration bilang mga sponsor.

Muling pinasalamatan ni Bello si vaccine czar Secretary Charlie Galvez sa pagtugon sa kanyang kahilingan na maglaan ng bakuna para sa industriya ng konstruksiyon at pabrika. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry