May 125,000 bakanteng trabaho sa pribado at pampublikong sektor ang iaalok sa mga naghahanap ng trabaho sa Araw ng Kalayaan Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fairs sa buong bansa sa susunod na linggo.

Ang oportunidad sa empleo ay iaalok sa 21 lugar sa buong bansa kasabay ng paggunita ng ika-120 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ulat ng labor department kahapon.

May 621 employer ang lalahok (501 lokal at 120 sa ibang bansa) na may 63,426 trabahong lokal at 53,636 trabaho sa ibang bansa.

Ang trabahong lokal na may pinakamaraming bakante ay Production Machine Operator, Officer and Enlisted Personnel (AFP, PNP, NAVY, BJMP), Construction Worker/Laborer, Customer Service Representative, Mason (Rough/Finishing), Carpenter (Rough/Finishing), Company Driver, Service Crew, Production Worker/Factory Worker, at Retail and Sales Agent.

Para sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, ang pangunahing bakanteng posisyon ay Service Worker/Hotel Worker, Nurse, Engineer, General Labor/Technician, Labor Worker, Forecourt (Petrol Filler), Butcher (Supermarket), Sales Personnel, Hospital Worker, at Carpenter.

Ang mga bansang pupuntahan ay ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA), United Arab Emirates, Qatar, Malaysia, Japan, Oman, at New Zealand.

Samantala, may 7,770 bakanteng trabaho ang iaalok ng pamahalaan, karamihan ay sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Navy, at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Gaganapin ang 2018 Araw ng Kalayaan job and business fair sa mga sumusunod na lugar:

National Capital Region (NCR) – Senior Citizen’s Garden, Rizal Park, Manila

Cordillera Administrative Region (CAR) – Porta Vaga Mall Veranda, Baguio City

Region 1 – Nepo Mall, Dagupan City; Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur; Pacoy Ortega Gymnasium, San Fernando City, La Union

Region 2 – Tuguegarao People’s Gym, Tuguegarao City, Cagayan

Region 3 – Metro Town Mall, Tarlac City

Region 4A – Freedom Park, Kaingen, Kawit, Cavite; Sunstar Mall, Sta. Cruz, Laguna

MIMAROPA – Marinduque Convention Center, Boac, Marinduque

Region 5 – Ayala Mall, Legazpi City, Albay

Region 6 – 888 China Town Square, Bacolod City

Region 7 – Negros Oriental Convention Center; Cebu City Sports Complex

Region 8 – Provincial Covered Court, Catbalogan City, Samar (June 15)

Region 9 – KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins Ave. Zamboanga City; Zamboanga del Norte Cultural Convention and Sports Center, Gen. Luna St., Dipolog City

Region 10 – Mindanao State University – Iligan Institute of Technolgy Gymnasium, Iligan City, Lanao del Norte

Region 11 – Davao City Recreation Center (Almendras Gym), Talomo, Davao City

Region 12 – KCC Mall Convention Center, General Santos City

CARAGA – Provincial Capitol Training Center, Provincial Capitol Bldg., Butuan City (June 15)

Gugunitain ang 2018 Araw ng Kalayaan na may temang, “Kalayaan 2018 Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan.”

END/aldm/gmea

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry