News Release
Department of Labor and Employment
October 17, 2021

Thanks for trusting gov’t, Bello tells Ilocos ex-rebels, families

Labor Secretary Silvestre Bello III yesterday went to a remote town in Ilocos Norte to show the government’s earnest effort to bring lasting peace in the country before rebel returnees and families affected by local armed conflicts.

Welcomed by a crowd that includes former members of the New People’s Army (NPA), Bello brought with him the various assistance of the Department of Labor and Employment (DOLE) for displaced workers led by its Integrated Livelihood Program (DILP) in the town of Currimao.

Currimao is the location of one of the Philippine Army’s Infantry Division under Gen. Krish-Namurti Mortela which is partnering with DOLE for the implementation of the nation-wide End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) program.

During simple awarding ceremonies for the DILP projects, Bello thanked the beneficiaries from the towns of Pinili and Marcos for their trust in government.

“Rest assured that the government will continue to help you recover from the damages caused by the fighting,” Bello said in the gathering.

“We have just started delivering DOLE programs in your place. More will come in the future in case you ask for them,” he added.

Around P1.4 million in DILP projects were awarded to 35 beneficiaries from Pinili while 35 recipients from Marcos got more than P1.2 million.

“The projects are mostly into cattle-raising,” the Labor chief added.

Bello’s visit to Currimao is part of DOLE’s caravan of financial and livelihood programs in Ilocos Province to boost government presence in the countryside amid the lingering pandemic.

After Currimao, he proceeded to the Laoag National Highschool in Laoag City to implement DOLE’s flagship program Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, from which more than 500 beneficiaries received over P2 million in payouts.

Earlier, the Cabinet official distributed check payments for the services of 146 contact tracers of Ilocos Norte provincial government at the Laoag Transport Terminal.

He also awarded livelihood assistance and certificate of eligibility to 24 beneficiaries amounting to P3.2 million.

Bello brought the same DOLE programs to Vigan, Ilocos Sur during the three-day caravan in the north. ###

================================================

Pahayag ni Bello sa mga dating rebelde, pamilya sa Ilocos
Salamat sa tiwala sa pamahalaan

Pinuntahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang isang liblib na bayan sa Ilocos Norte upang ipakita sa mga rebeldeng nagbalik-loob at sa mga pamilyang naapektuhan ng lokal na armadong tunggalian na patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan upang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa ating bansa.

Sinalubong si Bello ng mga lokal na mamamayan, kabilang ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA), nang inihatid ng kalihim ang iba’t ibang tulong mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) tulad ng Integrated Livelihood Program (DILP) para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa bayan ng Currimao.

Ang Currimao ay isa sa lugar ng Philippine Army’s Infantry Division sa ilalim ni Gen. Krish-Namurti Mortela na nakikipagtulungan sa DOLE para maipatupad ang pambansang programa na End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Sa isang simpleng seremonya ng paggawad ng proyektong DILP, pinasalamatan ni Bello ang mga benepisaryo mula sa bayan ng Pinili at Marcos sa kanilang pagtitiwala sa pamahalaan.

“Makatitiyak kayo na patuloy kayong tutulungan ng ating pamahalaan para muli kayong makabawi mula sa mga pinsalang dulot ng alitan,” pahayag ni Bello sa pagtitipon.

“Nagsimula palang kaming maghatid sa inyong lugar ng mga programa ng DOLE. Marami pang darating sa hinaharap sakaling humiling pa kayo,” dagdag niya.

May P1.4 milyon mula sa proyektong DILP ang iginawad sa 35 benepisaryo ng Pinili, samantalang 35 benepisaryo mula sa Marcos ang tumanggap ng mahigit P1.2 milyon.

“Karamihan sa proyekto ay para sa pag-aalaga ng baka,” dagdag ng Kalihim.

Ang pagbisita ni Bello sa Currimao ay bahagi ng caravan ng mga programang-pinansiyal at pangkabuhayan ng DOLE sa Lalawigan ng Ilocos na naglalayong palakasin ang presensiya ng pamahalaan sa kanayunan sa gitna ng pandemya.

Matapos sa Currimao, tumuloy si Bello sa Laoag National High School sa Laoag City para sa implementasyon ng pangunahing programa ng DOLE na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), kung saan mahigit 500 benepisaryo ang nakatanggap ng higit P2 milyon kabayaran.

Nauna rito, namahagi ng tseke ang Kalihim bilang bayad sa serbisyong ginampanan sa Laoag Transport Terminal ng 146 contact tracers ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte.

Ginawaran din niya milyon tulong-pangkabuhayan at certificate of eligibility ang 24 benepisyaryo na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.

Inihatid din ni Bello ang parehong programa ng DOLE sa Vigan, Ilocos Sur sa loob ng tatlong araw na caravan sa hilaga. ###

 

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1