News Release
Department of Labor and Employment
May 22, 2023
TESDA, gov’t agencies extend assistance to jobseekers
First-time job seekers will now find it easier and more convenient to get the TESDA documents they require to apply for work.
TESDA will not charge any fees for National Certificates (NCs), Certification, Authentication and Verification (CAV), and Certificates of Competencies (CoCs) from first-time jobseekers who actually underwent the process of Competency Assessment and need the documents for their job application.
This after the Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), and 14 other agencies recently signed the First Time Jobseekers Assistance Act (FTJAA) Joint Operational Guidelines (JOG).
The Joint Operational Guidelines institutionalize the procedures for all implementers and the issuance of pre-employment documents for first-time jobseekers as provided under the Republic Act No. 11261 or the First Time Jobseekers Assistance Act.
Director General Danilo P. Cruz emphasized that TESDA will work closely with other government agencies to help ease the burden of first-time jobseekers in getting pre-employment documents.
“The signing of these joint guidelines which further streamlines procedures, signifies the government’s commitment to help our kababayans land their first jobs, and effectively increase the youth’s chances for employment,” DG Cruz said.
The TESDA chief also underscored that the agency, being one of the attached agencies of DOLE, continues to help the country address perennial problems of skills-job mismatch and reduce unemployment among Filipino workers.
The First Time Jobseekers Assistance Act Inter-Agency Monitoring Committee (FTJAA IAMC) signed the joint guidelines at the Kingsford Hotel Manila, Parañaque City last May 12.
The FTJAA or the Republic Act No. 11261 was signed into law by then-President Rodrigo Duterte in 2019.
According to DOLE, since the initial implementation of RA 11261, more than 300,000 have so far benefited, and an estimated 83 million pesos in government fees have been waived. TESDA
=============================================
TESDA, mga ahensiya ng pamahalaan
Nagpaabot ng tulong sa mga bagong naghahanap ng trabaho
Mas madali ng makukuha ng mga bagong naghahanap ng trabaho ang kanilang mga dokumento mula sa TESDA na kanilang kakailanganin sa kanilang pag-aaplay sa trabaho.
Hindi maniningil ang TESDA ng anumang bayad para sa National Certificates (NCs), Certification, Authentication and Verification (CAV), at Certificates of Competencies (CoCs) mula sa mga bagong naghahanap ng trabaho na totoong sumailalim sa proseso ng Competency Assessment na mangangailangan ng mga dokumento para sa kanilang aplikasyon sa trabaho.
Ito ay matapos lumagda kamakailan ang Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at 14 iba pang ahensya sa First Time Jobseekers Assistance Act (FTJAA) Joint Operational Guidelines (JOG).
Ginagawang institusyonal ng Joint Operational Guidelines ang mga pamamaraan sa pagpapatupad at pagbibigay ng mga dokumento para sa mga bagong naghahanap ng trabaho ayon sa itinakda sa Republic Act No. 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act.
Ipinahayag ni Director General Danilo P. Cruz na makikipagtulungan ang TESDA sa iba pang ahensya ng pamahalaan para mapagaan ang pasaning-pinansiyal ng mga bagong naghahanap ng trabaho sa pagkuha ng mga dokumentong kanilang kakailanganin sa paghahanap ng trabaho.
“Ang paglagda sa joint guidelines ay higit na magpapahusay sa mga alituntuning ito na nagpapahiwatig ng katuparan sa pangako ng pamahalaan na tulungan ang ating mga kababayan na matanggap sa kanilang unang trabaho, at epektibong pataasin ang oportunidad ng mga kabataan na makahanap ng trabaho,” wika ni DG Cruz.
Binigyang-diin din ng TESDA chief, na ang ahensya, bilang isa sa mga attached agency ng DOLE, ay patuloy na tumutulong sa pamahalaan upang tugunan ang mga problema sa skills-job mismatch at mabawasan ang kawalan ng trabaho sa mga manggagawang Pilipino.
Nilagdaan ng First Time Jobseekers Assistance Act Inter-Agency Monitoring Committee (FTJAA IAMC) ang joint guidelines sa Kingsford Hotel Manila, Parañaque City noong Mayo 12.
Nilagdaan bilang batas ang FTJAA o ang Republic Act No. 11261 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.
Ayon sa DOLE, nasa 300,000 benepisaryo na ang nakinabang mula nang ipatupad ang RA 11261 at tinatayang nasa P83 milyon na ang binayaran ng pamahalaan. TESDA/ gmea