News Release
Department of Labor and Employment
April 30, 2021

Symbolic vaccination for OFWs, daily wage earners

As a fitting tribute to the Filipino workingmen, the Department of Labor and Employment pushed for the vaccination of at least 5,000 workers, including overseas Filipino workers (OFWs) today, Labor Day.

Labor Secretary Silvestre Bello III said the symbolic vaccination is meant to give recognition to the sacrifices and heroism of the Filipino workers in moving the nation forward, and their indisputable role in reviving the economy from the ruins of the Covid pandemic.

Bello said 3,000 OFWs and 2,000 minimum wage earners, both part of the Priority Group A4 or the frontline personnel in essential sectors, will be vaccinated from a list submitted by labor groups and those provided by OFW organizations.

The labor chief thanked the Inter-Agency Task Force (IATF) for approving DOLE’s request for 5,000 doses of COVID-19 vaccine to be used during the symbolic inoculation ceremony.

“This is a symbolism of our love and concern to our workers, including our OFWs,” Bello said.

He said the vaccination of local and overseas workers will also kick off the start of the inoculation of the whole A4 priority group.

Bello said DOLE consulted with various sectors and OFW groups for the list of those included in the vaccination.

Upon the directive of the IATF, DOLE came up with a master list of the vaccination beneficiary to ensure equitable representation of the labor sector.

IATF will screen the recipients of the vaccine.

The government is vaccinating those in priority groups A1 (health workers), A2 (senior citizens), and A3 (with comorbidities) of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

The request for the allocation and use of 5,000 doses of COVID-19 vaccines for the minimum wage workers and OFWs was approved by the Interagency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF) on April 27. # # #

=================================================

Symbolic vaccination para sa OFWs, daily wage earner

Bilang pagkilala sa manggagawang Filipino, magsasagawa ang Department of Labor and Employment ng pagbabakuna para sa 5,000 manggagawa, kasama na ang overseas Filipino worker (OFW), ngayong Araw ng Paggawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nilalayon ng symbolic vaccination na bigyang pagkilala ang mga sakripisyo at kabayanihan ng mga manggagawang Filipino para sa pag-usad ng bansa, at sa kanilang mahalagang papel sa muling pagbuhay ng ating bumabagsak na ekonomiya dulot ng pandemyang Covid.

Sinabi ni Bello na babakunahan ang 3,000 OFW at 2,000 minimum wage earner, na parehong bumubuo sa Priority Group A4 o frontline personnel na nasa essential sector, mula sa listahan na isinumite ng mga group ng manggagawa at iyong ibinigay ng mga organisasyon ng OFW.

Pinasalamatan ng Kalihim ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng kanilang aprubahan ang hiling ng DOLE para sa 5,000 doses ng Covid-19 vaccine na gagamitin sa gaganaping symbolic inoculation ceremony.

“Ito ay sumisimbolo sa ating pagmamahal at pagkalinga sa ating manggagawa, kasama ang ating mga OFW,” wika ni Bello.

Kanyang sinabi na ang vaccination para sa manggagawang local at overseas ang huhudyat para sa pagsisimula ng pagbabakuna ng buong A4 priority group.

Sinabi ni Bello na kumonsulta ang DOLE sa iba’t ibang sektor at grupo ng OFW para sa pagbuo ng listahan ng manggagawang babakunahan.

Sa direktiba ng IATF, naglabas ang DOLE ng masterlist ng mga magbebenepisyo sa bakuna para tiyakin na patas ang representasyon mula sa sektor ng mga manggagawa.

Sasailalim sa pagsusuri ng IATF ang mga tatanggap ng bakuna.

Nag-umpisa ng bakunahan ng pamahalaan ang mga nasa priority group A1 (health workers), A2 (senior citizens), at A3 (with comorbidities) ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

Ang hiling na alokasyon para sa 5,000 doses ng Covid-19 vaccine para sa minimum wage worker at OFW ay inaprobahan ng Interagency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF) noong Abril 27. # # #

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2