STATEMENT
ON THE MARCH 2021 LABOR FORCE SURVEY
SECRETARY SILVESTRE H. BELLO III
06 May 2021

The Department of Labor and Employment welcomes with high optimism the results of the latest Labor Force Survey.

It shows a much-improved labor market condition, with 2.18 million workers added to the total number of employed persons reaching 45.33 million (92.9%) in March compared to 43.15 million (91.2%) in February 2021.

With unemployment rate at 7.1% (3.44 million unemployed), it is already the lowest recorded since the COVID-19 pandemic hit the country. We also noted slight decline in the number of underemployed persons by 510,000 at 7.34 million (16.2%) from the 7.85 million (18.2%) in February.

The signs are indeed encouraging. Our economy is gradually getting back on track as more people are actively participating in the labor force and are becoming employed. The DOLE is one with the economic team in pushing for the safe reopening of businesses. With this policy, mobility of workers is further facilitated under a less restrictive community quarantine levels.

This vibrant labor market landscape comes close with the initial rollout of vaccines for the A4 category of priority groups – the workers. The vaccination program for workers which we spearheaded on May 1 during the Labor Day Celebration should bring back their confidence to become economically active, along with the businesses and consumers. We strongly encourage our workers to get themselves inoculated once the COVID-19 vaccines are available.

We also reiterate our call on all workers and businesses to continue the strict adherence to the minimum public health standards (MPHS), and occupational safety and health policies. We need to instill discipline in observing basic MPHS – proper wearing of face mask and face shield, washing of hands, and social distancing.

Rest assured that we will continue to work with various agencies and support initiatives such as the Task Group on Economic Recovery (TGER) and the National Employment Recovery Strategy (NERS) towards a safe re-opening of the economy and sustained improvement in our labor market. We commit ourselves to fast tracking the policies and programs specified in the NERS 8-Point Employment Recovery Agenda. ###

====================================================

PAHAYAG NI LABOR SECRETARY SILVESTRE H. BELLO 
UKOL SA MARCH 2021 LABOR FORCE SURVEY

Malugod na tinanggap ng Department of Labor and Employment ang resulta sa pinakahuling Labor Force Survey.

Nagpakita ito ng mas magandang kondisyon sa merkado ng paggawa, kung saan 2.18 milyong manggagawa ang dumagdag sa kabuuang bilang ng manggagawang may trabaho na umabot ng 45.33 milyon (92.9%) nitong Marso kumpara sa 43.15 milyon (91.2%) ng Pebrero 2021.

Sa unemployment rate na 7.1% (3.44 milyong walang trabaho), ito na ang pinakamababang naitala mula ng tamaan ng pandemyang Covid-19 ang bansa. Nakitaan din ito ng bahagyang pagbaba sa bilang ng underemployed person na 510,000 sa 7.34 milyon (16.2%) mula sa 7.85 milyon (18.2%) ng Pebrero.

Ito ay magandang senyales na unti-unti nang nakakabawi ang ating ekonomiya dahil sa mas marami ng aktibong manggagawa ang nadagdag sa ating labor force na nagkaroon ng trabaho. Kaisa ng DOLE ang economic team sa pagtutulak na muling buksan ang mga negosyo. Sa ganitong polisiya, ang pagkilos ng mga manggagawa sa hindi masyadong mahigpit na community quarantine level ay ating pangangasiwaan.

Kasabay sa pagsigla sa merkado ng paggawa ang inisyal na pagbabakuna para sa mga manggagawang napapabilang sa A4 category ng priority groups. Ang programang pagbabakuna para sa manggagawa na ating pinangunahan noong Mayo 1 sa paggunita sa Araw ng Paggawa ang magbabalik sa kanilang kumpiyansa para muling maging aktibo, kasama ng mga negosyante at mamimili. Aming hinihikayat ang ating mga manggagawa na magpabakuna kapag mayroon ng bakuna laban sa Covid-19.

Muli din naming pinapaalalahan ang mga manggagawa at negosyante na mahigpit na sundin ang minimum public health standards (MPHS), at occupational safety and health policies. Kailangan nating disiplinahin ang ating mga sarili na laging sundin ang MPHS – tamang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, at social distancing.

Pinapangako namin na patuloy kaming makikipag-tulungan sa iba’t ibang ahensiya at susuportahan ang mga inisyatibo tulad ng Task Group on Economic Recovery (TGER) at ang National Employment Recovery Strategy (NERS) tungo sa ligtas na muling pagbubukas ng ekonomiya at pagpapanatili ng pagbuti ng merkado sa paggawa. Nangangako kami na gagawin ang lahat upang mabilis na maipatupad ang mga polisiya at programang nakasaad sa NERS 8-Point Employment Recovery Agenda. ###

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2