Statement
Secretary Silvestre H. Bello III
May 29, 2021

After receipt of the official communication from the Saudi government this morning which ensures us that the foreign employers and agencies will shoulder the costs of institutional quarantine and other Covid protocols upon arrival in the KSA, the temporary suspension of deployment to the Kingdom is hereby lifted.

I have advised the Philippine Overseas Employment Administration to immediately implement this directive and provide the necessary clearance to all our departing Filipino workers to facilitate their travel to the KSA

I understand that the suspension order drew confusion and irritation among our affected departing OFWs.

Again, I apologise for the inconvenience and momentary anguish that it may have caused our dear OFWs. It was to the best interest of our OFWs that such decision had to be made.

I thank the government of KSA for acting with dispatch and giving us reassurance. Our Saudi-bound workers will no longer be disadvantaged. ####

=========================================

Pahayag
Secretary Silvestre H. Bello III
Mayo 29, 2021

Matapos matanggap kahapon ng umaga ang opisyal na komunikasyon mula sa pamahalaang Saudi na tinitiyak sa atin na ang foreign employer at agency ang sasagot sa gastusin para sa institutional quarantine at iba pang Covid protocols pagdating sa KSA, atin nang inaaalis ang pansamantalang suspensyon ng deployment sa Saudi.

Inatasan ko na ang Philippine Overseas Employment Administration na agad ipatupad ang direktiba at kinakailangang clearance para sa ating paalis na OFW para sa kanilang biyahe sa KSA.

Naiintindihan ko na naging sanhi ng kalituhan at pagkainis ang suspension order sa mga apektadong paalis na OFW.

Muli, hinihiling ko sa ating mga mahal na OFW ang inyong pasensiya at pang-unawa sa nangyaring abala at alalahanin. Ito ay para sa kapakanan ng ating mga OFW kaya kailangang gawin ang desisyong ito.

Nagpapasalamat ako sa pamahalaang KSA sa kanilang pagkilos at pagbibigay sa atin ng katiyakan. Hindi na mahihirapan ang ating mga manggagawa na patungong Saudi. ####

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
103