Statement
August 17, 2021

This is to let the public know that Labor Secretary Silvestre H. Bello III has tested positive for COVID-19, but is asymptomatic and remains on top of his health.

Secretary Bello, who is fully vaccinated, is on self-quarantine at his hometown, Ilagan where the test was made on Saturday. Even while in isolation, the Secretary continues to discharge his functions.

Prior to contracting the virus, the Secretary has been receiving officials and guests at his office, and traveled to various parts of the country distributing assistance to displaced and disadvantaged formal and informal sector workers affected by the pandemic.

The Secretary wishes to thank the public for their prayers, and expresses hopes to resume leading DOLE officials in the distribution of assistance funds under its Serbisyong TUPAD as soon as his quarantine period is over.

He also reminds the public to always observe the minimum health protocols to help contain the COVID-19 pandemic. ###

=============================================

Pahayag
Agosto 17, 2021

Ipinapaalam sa publiko na si Labor Secretary Silvestre H. Bello III ay nagpositibo sa COVID-19, subalit siya ay asymptomatic at nananatiling maayos ang kalusugan.

Kumpleto na ang bakuna ng Kalihim laban sa virus, at kasalukyang naka self-quarantine sa kaniyang bayan sa Ilagan, Isabela, kung saan siya sumailalim sa pagsusuri nitong nakaraang Sabado. Sa kabila ng kanyang isolation, patuloy pa ring tinutupad ng Kalihim ang kanyang tungkulin.

Bago siya nag positibo sa COVID-19, tumanggap ang Kalihim ng mga opisyal at panauhin sa kanyang tanggapan. Nagtungo rin siya sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mamahagi ng tulong sa mga manggagawang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.

Nais pasalamatan ng Kalihim ang publiko sa kanilang panalangin, at umaasa siyang muling pangungunahan ang mga opisyal ng DOLE sa pamamahagi ng tulong sa mga manggagawa sa ilalim ng Serbisyong TUPAD, pagkatapos ng itinakdang quarantine period.

Kasabay nito, pinaalalahanan niya ang publiko na laging sundin ang minimum health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng pandemiyang COVID-19. ###

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2